Akala ko dati hindi na kami lang dalawa ni Ethan.
Ngayon ito kami ngayon buo na ang pamilya namin at after ilang years nakilala at nakasama ko na ang mga magulang ko.
Sobrang nag uumapaw ang puso ko.
Ngayon ang araw ng labas namin ng ospital.
Dinala na ng driver ang mga gamit namin, buhat namin ni Liam ang kambal.
"Careful wifey"
Pag karating ng bahay ay sinalubong kami ng pamilya namin.
Agad na tumakbo si Ethan pag ka kita sa amin.
"Mama pwede ko buhat si baby?"
"Oo naman upo ka sa sofa"sabi ko.
Agad kong inalalayan ito sa pag buhat sa kapatid nito.
"Mama bakit sleep pa si baby?"
"Syempre anak para mabilis lumaki"
"Ganito din ako Mama nung baby ako?"
"Opo"
"Mama ako mag bibigay nag milk ni baby ha"
"Ok Kuya"
After ni Ethan ay kinuha ni Daddy si Lianna at si Gabriel naman ay nasa Daddy ni Liam.
" Napaka cute ng apo natin"
"Sinabi mo pa kung pwede lang itakas natin ang kambal"ani Daddy
Napapa iling na lang kami ni Liam sa mag Lolo.
"Anak dapat mag kakain ka ng may sabaw para madami kang gatas"
"Opo Mommy"
"Naka ready na ang food"sigaw ni Kuya Lawrence
Masaya kaming nag salo sa hapag, ang kambal naman ay nakela Mommy.
Habang nakain kami ay na open ang church wedding namin ni Liam ng parents namin.
"Mommy napag ka sunduan po namin ni Liam pag nakakapag lakad na po ang kambal kami mag pa kasal sa simbahan para po kasama ang kambal sa importanteng araw namin"
"Ok wala namang problema so after 1yr and half"
"Opo"
Mabilis lang lumipas ang isang taon at ito na nga ang araw ng kasal naming muli ni Liam.
4yrs of marriage nakita ko ang side ni Liam bilang asawa at ama para sa mga anak namin.
Dumating man na may maliit na pag tatalo pero hindi pwede na hindi mag ka ayos.
"Sweetheart anong iniisip mo?"
"Wala naman bakit mo natanong?"
"Ang lalim kasi ng iniisip mo"
"Sorry, ang mga bata?"
"Nasa dining nag snack"
"Let's go baka nag kakalat na ang kambal"aya ko.
"Mimi"
"Anak ang dungis mo" pinunasan ko ang pisngi nito.
"Mama"ani Ethan
"Andito ka na pala how's school?" Tanong ko dahil nasa grade 4 na kasi ito.
"Mama sabi po ni teacher meron daw po ako honor"
"Wow galing naman talaga ni Kuya Ethan"
"Mana ka talaga kay Daddy"di papatalo na sabi ni Liam.
"No Dad kay Mama ako mana"
"Wala kang bagong toy scooter sa'kin"
"Dad,"sigaw nito" Mama si Daddy"
"Yaan mo Daddy mo, mag palit kana tapos ready na ni Mama snacks mo"
"Ok po Mama"
"Ikaw talaga tigil tigilan mo yang scooter na yan"
"Ok ok"
Masaya kaming nag bonding na pamilya habang nasa entertainment room kami.
Masayang nanonood ang mag kuya si Lianna naman ay nasa lap ko.
YOU ARE READING
My Nerd is My Ex (COMPLETED)
RomantikAthena Olivia Hernandez laging binubully mula grade school hanggang mag kolehiyo dahil sa appearance nito na kung tawagin sya ay Nerd dahil sa makapal na salamin nito sa mata. Liam Chester Geronimo kilalang Casanova ito dahil sa kanyang papalit pa...
