"Maling Akala"

4 0 0
                                    

Maling Akala
By: Lottiiie
(inspires by the hopeless romance of Ryan Bang and Yeng Constentino)

Ang tulang ito ay sisimulan ko sa tanong na
Paano ba maiiwasan ang mga maling akala?
Paano ba malalaman kung mahal kang talaga?
Sapat na ba ang mga katagang miss na kita, kailangan kita o ang mahal kita?

Paano ba mapupunan ang mga haka haka
Kung sa mga kilos mo'y ang basahin ay di ko magawa
Totoo itong aking nadarama
Ngunit sayo, ano na bang balita?

Sa mga ngiti mong matatamis
Ang di pagsilay kahit sa isang araw ay nakakamiss
Nabibighani kahit sa iyong pagtangis
Paano na nga ba maalis?

Inaamin kong ako'y nahihiya
Sapagkat ako'y walang maibubuga
Bulsay ko'y walang wala
Paano na tayo magkakatuluyan kung sa umpisa'y bokya na?

Kape ang nagsilbing sandata
Para gisingin ang natutulog mong damdamin para sa akin
Na Inakala ko'y di mangyayari
Dahil sa mga panliliit ko sa aking sarili

Ilang taon na ang nagdaan
Ngunit ako'y minumulto ng nakaraan
Pagsisisi ang tangi ko nadarama
Pagkat di ko napanindigan ang tunay kong nararamdaman

Paano kung di ko inakalang di mo ako gusto?
Paano kung sanay tinuloy ko?
Paano kung sana noon palang nalaman ko
Na mahal mo rin pala ang isang kagaya ko

Labindalawang taon na, at ngayon ko pa lang natuklasan
Na kung sana noon pa'y baka tayo ang humantong sa simbahan
Ako sana ang inalayan mo ng kanta
Ngunit ng dahil sa mga maling akala, napunta ka sa iba

Ryhmes Of Heart Where stories live. Discover now