𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐈𝐈

1 0 0
                                    

ᴇᴠᴇʀʟᴇɪɢʜ


"Eve, hija. Make sure you'll be fine there, huh?" Ani ni tita habang inaayos ang mga gamit na dadalhin ko



Luluwas na kasi ako bukas ng umaga pa-manila dahil doon na ako mag-aaral ng senior high—sila tita emily ang nag-enroll saakin doon dahil mas advance raw ang pagtuturo roon



"Magiging maayos po ako roon, tita. Don't worry po." Sagot ko sakaniya tsaka ngumiti para hindi na siya mag-alala



"Sabi ko naman sayo just call me mommy emily e. 'Di ka pa rin ba sanay anak?"



Napakamot ako sa batok ko at bahagyang tumango, simula kasi nung mawala sila mama at dada—si tita emily at tito henry na ang tumayo bilang mga magulang ko



"And daddy henry for me baby girl." Napatingin naman kami ni tita—este mommy emi sa pintuan ng kwarto ko kung saan nakatayo si daddy henry at may hawak na cup of coffee, paborito kasi ni daddy henry ang uminom ng kape sa gabi dahil hanggang sa bahay ay nagtatrabaho siya "Inform me and your mom immediately kapag may nangyare na hindi maganda sayo doon sa manila, okay?"


"Yes po daddy. 'Wag po kayong mag-aalala dahil may kakilala naman na po ako roon sa manila."



"Really? Well then. Mapagkakatiwalaan ba 'yang kakilala mo anak?" I gave mommy and daddy a sweet smile and nodded at them



Nakipag-kuwantuhan muna saamin si daddy sandali bago siya bumalik ulet sa kwarto nila ni mommy para taposin ang trabaho niya na para sana bukas, hindi raw kasi siya papasok bukas para maihatid ako at para rin makasigurado siya na magiging safe ako papunta doon



"Pagbigyan mo na 'yang daddy mo, mas okay na rin na ihatid ka niya to reassure us that you will get there safely." Aniya, nangilid naman ang luha ko sa sinabi ni mommy—alam ko na ang babaw ng dahilan ko para maiyak pero simula nang mawala kasi sila mama at dada parang nawalan na rin ako ng buhay pero nung kunin na ako ni mommy emi at daddy henry naramdaman ko ulet yung pagmamahal ng isang magulang



"Thank you po mommy." Sagot ko sakaniya at walang pasabi na yumakap sakaniya na kinagulat niya



"Don't cry sweetheart, baka bigla akong dalawin ng mama mo dahil umiiyak ka ngayon." Natawa naman ako sa sinabi ni mommy

•••

Alasais na ng madaling araw ngayon at nakapag-ayos na rin ako ng sarili ko "Ma'am eve pinapatawag na po kayo ni sir henry at baka ma-traffic daw po kayo sa daan." Tawag saakin ng isa sa mga maids dito



Ngumiti at tumango ako sakaniya "Pakisabi po kay daddy na pababa na rin po ako." Sagot ko, tumango lang ito saakin tsaka bumaba



Isinukbit ko na ang backpack ko sa aking balikat habang binuhat ko naman yung maleta ko habang pababa ng hagdan. Pagkababa ko ay linapitan agad ako ng driver namin at agad na kinuha yung maleta ko




"Ay nako ma'am, sana'y tinawag mo po ako para natulungan kita na ibaba iyang maleta mo, patay ako sa daddy mo kapag nalaman niya na ikaw ang nagbaba niyang maleta mo." Mahabang lintya niya



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Road Not TakenWhere stories live. Discover now