This is a work of fiction. The names, characters, business, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
**
"Good Morning, class,"bati ng teacher namin.
First day of school ngayon kaya hindi ko pa siya kilala, hindi ko rin kasi tiningnan ang schedule sa bulletin board.
"My name is Carmina Mendoza. I'll be your teacher in Reading and Writing Skills,"aniya bago umupo. "Hindi ako magka-klase ngayon since first day. For now, ipasa muna ninyo ang index card ninyo sa unahan."
Nang maipasa na namin lahat, tinawag ni Ms. Carmina ang mabubunot sa index card para magpakilala sa unahan.
Isang magandang babae ang tumayo sa harap namin at nagpakilala.
"My name is Ryxia Hernandez, 17 years old. Mahilig ako sa... ahm... sa pogi. Yun lang,"aniya. Nagtawanan lang ang mga classmates namin.
My first impression of her is that she's bubbly and kind. I hope she is.
Hindi ko siya kilala dati but I always see her noong Junior High. Lagi niya kasama 'yong lalaki, which is kaklase ko rin pala.
Nahihiya man, ako'y tumayo na rin ako nang pangalan ko na ang tinawag.
"Hi, I'm Dalia Sanchez Wilson, 17. Well, I'm into books. Thank you,"pagpapakilala ko at naupo na sa upuan ko.
Sunod na tinawag ay 'yong Azer ang pangalan. At pagkatapos ay 'yong lalaking kakapasok lang ng pinto.
"Why are you late, Mr...?"tanong ni Ms.
"Clemente po, Ms. Sorry po,"anito at kumamot sa ulo.
I noticed first his uniform, it's not properly buttoned and ironed. I looked away.
"Martin Izaak Clemente, everyone,"aniya nang magpakilala at nag-bow pa ng parang prinsipe sa mga Disney.
I rolled my eyes.
After three subjects, it's Lunch time.
I texted my kuya to accompany me since wala akong kasama ngayon.
He didn't reply, baka nasa klase pa or what. Hindi ko na rin hinintay at pumunta na lang sa cafeteria.
"Dalia,"someone called my name as I entered. Nilingon ko iyon at nakita kong si Ryxia ang tumawag sa akin.
Lumapit ako sa kaniya,"Why?"
Ngumiti siya sa akin at pinagpag ang upuan sa tabi niya.
"Dito ka maupo. Sabay na tayo."
Since wala akong kasabay, makikisabay muna ako sa kaniya. She's not a maldita type naman, unlike me.
Nang maka-order na kami ng food namin for lunch, bumalik na kami sa pwesto para kumain.
"Ang ganda mo pala talaga sa malapitan,"komento niya.
Na-awkward naman ako bigla. I know that I am pretty, pero nakakagulat lang kasi sa kanya rin nanggaling, she's pretty din naman kaya lang ay medyo liberated siya kumilos.
"Thanks. You're pretty too. I always saw you before,"sabi ko.
"Yeah, me too. You're so smart talaga, I can't reach you way back Junior High."
Tumango na lang ako at nagsimulang kumain. Wala naman kasi akong sasabihin at kakakilala ko pa lang sa kaniya.
Wala pa sa kalahati ang nakakain ko nang dumating si Azer.
"Ryx babe-"namilog ang mata niya nang tumingin sa direksyon ko.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Close na agad kayo, Ryx?"tanong ni Azer bago umupo sa tabi ni Ryxia.
"Dalia, si Azer nga pala, alalay ko,"sabi ni Ryxia.
Hinampas siya ni Azer sa braso pero sobrang hina lang, parang dampi,"Alalay mo mukha mo."
"Kaibigan niya ako since 7. Hello, new classmate,"bati niya.
Ngumiti na lang ako. Throughout the whole lunch time, Azer always looked at Ryxia with admiration, even before. I think Azer has feelings for Ryxia, but Ryxia doesn't know it.
I just noticed. I've been in a relationship before, but no one looked at me like Azer looks at Ryxia. She's a lucky girl, indeed.
Sa gitna ng pagkain namin kanina, someone sit beside me. Hindi pa man ako nakakalingon ay nagsalita na ito.
"Dalia, ang ganda mo."
Nagulat na lang ako nang biglang nalaglag ang tinidor na hawak ni Ryxia.
What was that?
BINABASA MO ANG
SS2: Place Your Bet
Roman d'amourSchool Series #2: Place Your Bet Started: March 4, 2022 Ended: