Kinabukasan nag unat - unat na ako ng katawan. Pumunta ako sa tokador at tiningnan ang sarili sa repleksyon. Ito ang pinakaunang ginagawa ko pagkagising sa umaga. Itinali ko ang mahaba kong buhok.
" Good morning , Vivian.. " I greet myself.
Tiningnan ko ang buong kwarto. Sobrang aliwalas nito. Nakakagaan ng pakiramdam. The pink color light in every corner makes the room comfortable in your eyes.
Inayos ko ang higaan bago lumabas ng kwarto. Tiningnan ko ang kabuuan ng buong bahay. Sobrang laki nito at masyadong tahimik. Maski hininga ko'y naririnig ko na. I don't know but I feel something is missing. The happiness of this house is knower to see. Nakakalungkot tignan. Mabuti pa yung bahay namin kahit maliit ay punong - puno naman ng halakhak at tawanan.
I carefully step on the straircase.
Hinanap ko ang kusina. Mabuti nalang nakasalubong ko si Aleng Linda. Naalala ko pa itong napagalitan kahapon ni Mrs. Hylyn. Dahil hindi nito sinunod ang utos na linisin ang kwarto ni Mechellen.
" Good morning po , " Magalang na bati ko. " Nakita mo ba sina Mrs. Hylyn-- I - I mean.. " Napakamot ako sa ulo. Ano bang tawag ni Mechellen kay Mrs. Hylyn at Mr. Sebastien ? Mama at papa or mommy at daddy ? " I mean sina mommy at daddy ? "
Nagulat itong napatingin sa akin. " M - magandang araw rin po , Miss Mechellen. Iyong mama at papa n'yo po , nauna napo sa trabaho. "
" Tapos napo silang kumain ? "
" Si ma'am Hylyn at sir Sebastien po ? Nagkakape lang naman po sila. Hindi po sila kumakain. " Nakakalungkot naman. Hindi sila sabay - sabay kumain.
" Ah.. ganun ba.. " Tumango lang ito.
" Bilin nga po pala ng mama n'yo. Na huwag po muna kayo papasok sa paaralan ngayon. Dahil hindi papo kayo magaling at may amnesia pa kayo. Baka mapano daw po kayo. " Ani nito. " Kung nagugutom po kayo. May niluto napo ako. " Iyon lang at umalis narin ito kaagad.
Kung hindi ako papasok , ano ang gagawin ko dito sa malaking bahay ? Tulala ?
Bago umalis si aleng Linda itinuro muna nito sa akin ang kusina. May niluto na nga ito pagdating ko. Sayang. Gusto ko paman din magluto. Ako kasi ang nagsasaing sa amin tuwing umaga. Hindi lang ako sanay sa ganitong set - up na may ibang gagawa sa nakasanayan ko. Hindi ako sanay na ako ang pinagsisilbihan. Siguro kailangan ko lang mag adjust.
Tiningnan ko ang mga pagkain na nakalatag sa mesa. Masasarap iyon lahat. Pang mayaman ang datingan. Umupo ako sa hapag at nagsimulang kumain. Kahit anong subo ko. Lungkot ang naramdaman ko't pangungulila. I miss my mom's cooked.
" Good morning , "
Napairap ako ng malingunan ang nakakainis na mukha ni Jacob. Hindi ko alam kong anong meron sa kanya at nagkakaganito ako. Simula yata ng makita ko siya sa ospital ay naiinis na ako sa ugaling mayroon siya. Naka white t - shirt ito at itim na pantalon. Nakapasok ang kanyang dalawang kamay sa bulsa. Maaliwalas rin itong tignan.
" Bakit ka nandito ? " Iniwas ko ang paningin sa kanya.
Naupo siya sa isang silya.
" You didn't answer my text nor my calls. "
Hindi ko napigilang magtaas ng kilay. " Ikakamatay mo ba kung hindi ako magreply ? Saka ano ngayon sa'yo kung ayaw kitang ka text o katawag. "
YOU ARE READING
I'm Not Her
FantasyThe girl who died and returned in someone's body... Her name was Vivian Alejandra. She celebrate her 18th birthday that turned out to be her last will. Abangan ang kuwento ni Vivian Alejandra sa susunod na kabanata... -MECA