Chapter 26 - Him

95 5 0
                                    

Chapter 26




"Fvck Dude, you gave all your rights to Ria? Does that mean wala ka ng karapatang magpakilala sa bata na totoong tatay ka niya?" Shock na tanong ni Oyen sa kaniya nang ibinalita sa kanila ni Wyne ang ginawa niya.

Di talaga natataguan ng sekreto ang Gago. Buti na lang at sa kanilang magkakaibigan lang.

Nandito sila ngayon sa Bar ng kaibigan. Kaya kumpleto sila ay dahil Kay Wyne. Basta talaga may balita, kumpleto sila.

"Hindi naman sa Ganon. I just gave her the rights since the kid's just 2 years old to understand. Besides, I'm Ashton, Tanya's friend."

Napa-slow clap pa ang mga gagong kaibigan niya, nanunukso.

"Fvck dude! Is one monument enough? Ang dating marahas, ngayon naging malambot. Taena!" murang tukso sa kaniya ni Ugo na humagalpak pa ng tawa.

"Actually, celebration to ng pagiging brokenhearted ng kaibigan natin." singit ni Wyne at itinaas ang bote nito ng alak na sinundan ng iba. "Cheers to his dear heart torn by that girl in the red dress!"

Napailing na lang siya sa kalokohan ng mga kaibigan. Kahit kailan talaga, mga Gago din! He knew he will be tease until forever.

Nagpaalam na muna siya na papuntang CR. Malapit lang sila sa center stage ng bar kung saan may nagsisimula ng magpainit ng gabi sa mga nanonood. The bar is not that crowded kaya madali niya lang natunton ang CR.

He's near the door when a girl in red dress bumped into her.

"Sorry po, sorry!" hinging paumanhin ng babaeng may pamilyar na boses.

Hindi niya matumbok kung kaninong boses iyon, basta ang Alam niya, he knew that voice He just can't remember. He went inside the comfort room still trying to remember but he can't. It's like it's in the top of his tongue.

Pagkalabas ay natawa na lang siya sa naisip. That familiar voice belongs to a lady in red dress. Napailing tuloy siya.

"Red dress is dangerous for my health."

Pabalik na siya sa mesa nila nang mahagip ng tingin ang babaeng nakabunggo sa kaniya, that lady in red dress. Nasa bar counter ito at umiinom ng alak. She looks sober.

Muli niyang naipilig ang ulo. "No more red dress Ashton! Enough of red dress!"

That night? Umiwas siya sa mga nakapulang damit dahil para bang sirang plakang naaalala niya ang unang pagkikita nila ni Ria three years ago.

Ngunit kahit anong iwas niya, parang nananadya pa ang tadhana. That girl in red dress is swaying her hips in the dance floor. It's like Deja Vu.

"Ash, Why won't we do a reenactment? but this time, you should not let her go, hahaha." tukso rito ni Grey na sinang-ayunan pa ng mga hinayupak niyang kaibigan.

They seem to recognized the same scenario from three years ago. Fvck!

Imbes na patulan ay tinawanan lang niya ang mga kaibigan at Pinagmumura. Iniwas niya ang tingin sa babae at uminom nalang ng beer.

"What the Fvck!" Muntik niyang maibuga ang iniinom dahil sa malutong na mura ni Wyne.

"Gago, ano yun?" tanong ni Sam.

"Taena, Si Raine ba yun?" tila Hindi makapaniwalang tanong ni Wyne tinutukoy ay ang secretary nila.

"Raine? Your secretary? where?" nailibot na rin nila ang mata sa paligid nang maitanong yun ni Oyen.

"That Goddamit red dress!" naituro nito sa may dance floor dahil humarap sa kanila ang mukhang lasing ng babae.

Napakamot siya sa ulo na nakisiksik sa dami ng mga taong sumasayaw. Siya kasi ang malapit sa may dance floor kaya siya ang unang nakapunta sa posisyon ng babae na hinihipuan na ng kasayaw nito.

Nang makalapit siya sa babae at mahawakan palayo sa bastos na lalaking yun ay parang bumalik siya sa nangyari three years ago. The music, the place, the dress. The only difference is the person he's with.

Habang mainit na nakikipag-usap ang mga kaibigan niya sa bastos na lalaki, natawa siya sa sarili

"When can I be free from a red dress?"

Only Series 1 : One Night OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon