PROLOGUE

17 5 8
                                    

Nanginginig ang mga kamay ko. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili kong hindi niya ito magagawa sa akin. Nangako siya.

Muli kong sinulyapan ang mga litratong natanggap ko kanina. Hindi ko alam kung sinong nagpadala at kung ano ang intensiyon ng kung sino man ang nagpadala nito sa akin.

Inisa-isa kong tinignan ang bawat litrato. Bawat isa ay naroon ang imahe ni Migo kasama ang isang babaeng hindi ko kilala ngunit pamilyar ang postura nito. Mayroong litratong kuha sa bar, mayroon ding kuha sa isang sikat na five star hotel habang kinakausap nila ang receptionist. Pero ang hindi ko kayang titigan ng matagal ay ang litratong kuha habang nasa loob sila ng kotse at naghahalikan.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. All this time, hindi parin pala siya nagbabago. All along, umaasa lang pala ako sa wala. Ulit.

Muli kong pinahid ang mga luha kong dumadaloy sa aking pisngi. Bakit ba naniwala na naman ako sa kanya? Ang tanga tanga ko.

"Stupid." pagkausap ko sa aking sarili. Palibhasa, isang sorry lang niya papatawarin ko na. Isang pangako lang mula sa kanya, maniniwala na ako at aasa. Isang hiling lang niya, oo na agad ang sagot ko. Sa huli, ako rin lang ang nasasaktan. Bakit ba kasi nagmahal ako ng gago?

Minadali kong ayusin ang miserable kong mukha nang may kumatok sa pintuan ng silid ko. "Brix, are you there?" tinig iyon ni Austin.

"Yes kuya? May kailangan ka ba?" mahinahon kong saad matapos ko siyang pagbuksan ng pinto. Hindi siya agad nakasagot nang mapako ang tingin niya sa mga litratong hawak ko. Mabilis ko itong tinago sa aking likuran.

"Ano iyon?" patukoy niya sa nakitang litrato. Hindi talaga niya mapigilang hindi makialam. Tsismoso.

"Wala, wala. Bakit mo pala ako hinahanap?" pag-iiba ko ng usapan dahil baka dumami pa ang mga tanong nito sa akin.

"Pinapatawag ka ni chairman sa office niya. Puntahan mo nalang," saad nito habang nagkakamot ng kaniyang batok. Mukhang kauuwi palang nito galing sa basketball game nila dahil suot parin niya ang kaniyang jersey. Amoy ko rin ang pinaghalong pabango at pawis niya. Kadiri.

"Sige, thanks." Tumango lang siya sa akin at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa kaniyang kwarto. Lumingon pa ito ng ilang beses at mukhang hindi mapakali bago tuluyang pumasok sa kaniyang silid.

Ilang minuto pa ang hinintay ko bago ako bumaba pero sa halip na tumungo sa opisina ni chairman ay diretso akong nagpunta sa garahe.

Pinaharurot ko ang kotse palabas ng bahay. Sakto kasing bukas ang gate kaya malaya akong nakalabas. Wala na akong pakialam sa sasabihin ni chairman dahil sa hindi ko pagpunta sa kaniyang opisina. Ang tanging nasa isip ko lamang ay ang makapunta sa kung nasaan si Migo.

Mabilis akong nakarating sa mansiyon ng mga Armani. Parang nagwawala ang puso ko sa tindi ng kabog nito. Bakit ba ako kinakabahan?

"Sino po sila?" tanong ng guard na humarang sa'kin papasok sa matayog na gate.

"Nasa loob po ba si M-Migo? G-Girlfriend niya po ako," pagpapakilala ko kahit hindi ako sigurado kung girlfriend parin ba niya ako.

"Sandali lang po ma'am. Mahigpit po kasing utos ni Don Fausto na hindi basta-bastang magpapasok ng mga tao sa mansiyon," paliwanag ng guard na siyang naintindihan ko naman dahil sa nalalapit na eleksiyon. Maraming katunggaling gustong bumagsak ang Don.

Nang pagbuksan na ako ng gate ay muli kong pinaharurot ang kotse ko. Medyo malayo pa kasi ang daan bago makarating sa mismong mansiyon.

Tumigil ako sa mismong harap at sumalubong sa akin ang mayordoma ng mansiyon, si nanay Kunching.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

There's A Rainbow After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon