Sorry Po, Ma

88 6 2
                                    

"Ma!" Tumungo ako kung nasaan si Mama. Nasa labas lang pala siya. Naka upo sa maliit na upuan namin.

"O, bakit Terry?" Tanong ni Mama saakin.

"Ma, pwede mo po ako turuan mag basa?" Tanong ko kay Mama. Kinder II palang ako, kaya nag papaturo na ako sa pinaka mamahal kong teacher sa bahay. Si Mama.

"Sige ba!" Ngumiti siya saakin. Pumasok na kami sa bahay. Umupo kami sa sahig tapos may kinuha siyang libro. Parang istorya.

"Eto, basahin mo 'to." Tinuro niya ang isang salita.

"Ma-hal..." Sa una, nahihirapan ako. Syempre unang pagkakataon kong mag basa.

"K-Ko-an-ang pamila ko?" Nahihirapan talaga ako. "Ma, ang hirap po! Hindi ko kaya."

"Paano ka matututo kung, ayaw mong matuto? Sige, basahin mo ulit."

"Mahal ko, ang -pamila ko?" Sabay kumamot sa ulo ko.

"Anak mali, hindi pamila, pamilya. Sabayan mo nga ako, pa-mil-ya."

Sinabayan ko ang Mama ko. "Pa-mil-ya."

"Very Good!" Ki-niss niya ako.

***
Present Time

"Ma!" Sigaw ko. Tumakbo na ako sa kusina.

"Paano po mag timpla ng tsaa?" Tanong ko sa kanya. Natigil siya sa pag gagawa ng trabaho niya.

"Anak, hindi ka pa pwede uminom ng Tsaa, pitong taon gulang ka palang. Masama uminom ng tsaa ang mga bata." Wika ni Mama. Nag pumilit ako.

"Please Ma! Please!" Pag mamaka awa ko.

"Sige na nga! Basta ipangako mo, hindi ka iinom ng tsaa?"

Tinaas ko ang kanang kamay ko. Senyas na nag propromise ako. "Promise po!"

"Ganito lang 'yan." Kumuha siya ng baso. Nilapag niya ito sa lamesa. Tapos kinuha niya ang mainit na tubig. "Anak, mag-ingat ka sa mainit na tubig ah! Mapapaso ka. Masakit 'yan. Ayoko kitang makitang napaso o umiiyak kasi mahal kita."

"Opo." Ngumiti ako.

Susuwayin ko na sana si Mama. Hahawakan ko sana ang mainit na tubig kaso. "Anak! 'Wag mo 'yan gawin!" Hinawakan niya ang kamay ko at inilayo sa mainit na tubig. "Anak, ayaw kitang masakatan. Kasi mahal kita."

"Ayoko ko din nakikitang nasasaktan o umiiyak ka, kasi mahal din kita!" Niyakap ko si Mama. Niyakap niya din ako. Pero natabig ko ang mainit na tubig. Natapunan ako. "AHHHH! Ang init!" Umiyak iyak na ako. Ang sakit sakit sakit! Tumulo na ang mga luha ko. Pumunta kaagad si Mama sa lababo. Kinuha niya ang toothpaste.

Nilapat niya ang toothpaste sa braso ko. Maya-maya, nag hilom na ang sugat.

"Gusto, ikiss mo ang sugat mo?" Tanong niya saakin. Kiniss niya nga.

"I love Ma." Niyakap ko ulit siya. "Tuloy na po natin kung paano mag timpla ng tsaa."

May kinuha siya sa isang garapon. "Eto ang tinatawag na tea bag. Isasawsaw mo 'to sa mainit na tubig."

Nilagay niya ang tea bag sa mainit na tubig. Nag ibang kulay ang tubig nang nilagay. Ma, painom. Isang beses lang po, hindi ko na po iinumin." Tumango si Mama. Ininom ko naman.

Ang init! Napaso ang aking dila. Natawa naman si Mama. "Ma, ang pait!"

Nilagyan niya ng asukal ang tsaa. "Ma, mapait pa rin!"

"Ganyan talaga 'yan anak. Medyo mapait lang naman ah!"

Simula nung tinuruan niya ako mag timpla ng tsaa, nag titimpla na ako para sa kanya.

Kapag maaga ako magising, nag titimpla na ako ng tsaa para kay Mama. Sabay naman kaming pumapasok eh. Pero mas aaga ako nagigising.

Isang araw, nag lalaro pa rin ako sa computer shop. Gabi na nun. Tapos umuwi na ako. Nag laro naman ako sa cellphone ko. Nag puyat ako. Pero ayaw kong ma tulog. Kaya may naisipan akong plano.

Dahan-dahan akong pumunta sa kusina. Nag timpla ako ng tsaa. Kahit bawal saakin, ginawa ko pa rin. Hindi naman alam ni Mama eh.

***

Phone Rings: Kring Kring

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Natanghali ako ng gising. Si Papa pala tumatawag saakin.

"Bakit po, Pa."

"Anak, mag ayos ka ng gamit diyan, susunduin kita ngayon din."

"Bakit--"

Biglang binaba ni Papa ang cellphone. Nag ayos na ako. May halong kaba ang nararamdaman ko.

Biglang pumasok si Papa. Sunakay ako sa kotse niya.

***

Tumigil kami sa may ospital. Bumaba ako.

"Pa, anong ginagawa natin dito?" Hindi kumibo si Papa. Kaya pumasok nalang kami.

Nakita ko si Mama, hinang hina. Hindi na siya gumagalaw. Alam kong humihinga pa siya. "Ma, anong nangyari?" Tanong ko kay Mama. Hindi siya kumibo. Naramdaman ko na ang kaba. Napaluha nalang ako. Hindi kaya-- hindi kaya--.

"Um, Kid. Alis po muna kayo." Nag kakagulo na ang mga nurse at doktor. Pinalayo muna ako. Umiyak na ako ng umiyak. Wala akong ginawa kun hindi, umiyak.

Di kinalaunan, pumunta ang doktor kay Papa. Parang may masamang balita. Napa iyak ulit ako.

Pumasok na kami sa kwarto kung nasaan si Mama. Napa iyal nalang kaming dalawa ni Papa.

"Ma, 'wag ka mag alala, pag uwi natin sa bahay. Titimplahan kita ng Tsaa. Tsaa na ako mismo ang gumawa. Ma, gumising ka na." Mangiyak ngiyak kong sabi.

Pero...

Hindi na siya nagising.

Hinding hindi ko makakalimutam nung araw na 'yun. Ang tanging araw na hindi ko napag timplahan si Mama ng Tsaa.

Simula noon, hindi na ako nag pupuyat at lagi na akong nag titimpla ng tsaa para naman kay Papa. Kasi ayaw ko siyang mawala.

~~~☆~~~☆~~~☆~~~☆~~~☆~~~☆~~

Sorry Po, MaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon