Epic Date

20 3 0
                                    


At dahil good mood ako ngayon, magu-update ako.. :)

===========================

Underwood's POV

Napakabilis ng oras, akalain mo nga naman uwian na namin.. Meaning.. Date na namin nung malanding blondie.. Yakkkk!!

Pumunta na ko sa front gate bago pa sya manigas doon kakahintay..

"What took you so long? I've been waiting for you for an hour." Iritableng sabi nito.. Buti nga pinaghintay Lang kita eh..

"Sorry. May pinagawa kasi sakin yung Dean eh.." Che!! Syempre, gusto Lang kita asarin noh!

"It's okay. Hop in.." Sabay turo nito sa Lamborghini nyang Wala namang batbat sa Ferrari ko..

Sumakay na Lang ako.. Umupo ako sa shotgun seat.. Alangan namang sa back seat? Eh di nagmukha syang driver.

"Where are we going?" Tanong ko sakanya.. Malay ko ba? Baka mamaya kidnapin ako ng malanding to..

"Sa langit" sagot nito sakin sabay smirk.

"What the?!!" Gulat kong sabi..

"Joke. Sa Bicol." Sagot ulit nito.

"Tss." Mahaba-habang byahe pa pala ito.. Makatulog na nga Lang..

------------------------

"Ate, look oh.. Ang ganda ng volcano.." Turo ng isang bata sa Mayon Volcano

"Mas maganda ka pa dyan, baby." Sabi naman ng mas nakakatanda sakanya.

"Thank you" sagot nito sabay kiss sa pisngi ng ate niya..

"Alam mo ba, baby, ang sabi sa isang alamat niyan.. Nabuo daw yan dahil sa pagmamahalan ng 2 tao. Kung gaano katatag yan ngayon, ganun rin katatag ang pagmamahalan nila noon.." Kwento ng mas nakakatandang ate sa bata habang nakatingin sa bulkan..

"Parang tayong 3, ate.. Matatag rin ang pagmamahalan natin.. Hihihihi" sabi nito sabay tawa.

"Oo, parang tayo.. Walang iwanan." Sabay nagyakap-Yakap ang 3 bata..

------------------------

"Huy!! Kahoy!! Gising!!" Nakaramdam ako ng umaalog sa balikat ko kaya nagmulat ako..

"Andito na ba tayo?" Tanong ko.

"Kanina pa. Kanina pa nga kita ginigising eh.. Iyak ka kasi ng Iyak.. Okay ka Lang ba?" Sabi nito na may halong pag-aalala sa mata.

Ate? Sabi nyo Walang iwanan.. Ang duga nyo!!

"Oo, ayos Lang ako.." Sabi ko sakanya..

"Tara, kain muna tayo.. Nagutom ako sa byahe natin eh.."

"Sige." Pumunta kami sa pinakamalapit na restaurant at doon kami kumain.

-habang kumakain-

"Ano bang napanaginipan mo kanina at Kung makaiyak ka wagas? Tapos banggit ka pa ng banggit ng "ate"??" Tanong nito habang sumusubo. Mabulunan ka sana. Hindi ko sya sinagot at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Huy, kahoy!! Kinakausap to ayaw sumagot! May ate ka pala?! Hahahahahaha.. Hindi halata.. Siguro tinakwil ka nila dahil sa sobrang cold mo!!" Tapos tumawa pa sya ulit.

"Wala na kong gana. Gusto ko ng umuwi." Cold na sabi ko sakanya.. Wala syang alam..

"Ito naman, Hindi na mabiro! Joke Lang yun." Sabi nito.

"Hindi nakakatuwang joke!" Sabi ko sabay tayo saka labas sa restaurant..

Tss.. Kasalanan ng pamilya Nya Kung bakit Wala na kong mga ate.. Kasalanan nila Kung bakit ako naging ganto..

Patrick's POV

Hi mga chickababes!! Justin here! *wink*

Nagalit ko ata si kahoy! Patay! Kasi naman yung bibig ko, padalus-dalos! Malay ko bang sensitive sya sa mga ganung usapin!!

Ang Ganda Nya sana eh kaya Lang napakalamig.. Parang human refrigerator eh!

Pero kahit ganun kapag tinititigan ko sya, may naaalala talaga ako sakanya..

Pero, imposibleng sya yun?! Patay na ang unang babaeng inibig ko.. 7 years old pa Lang sya ng mamatay.. Birthday Nya pa nga yun eh.. Masakit pa rin pala..

Kahit bata pa Lang kami, inibig ko na sya.. Ang ganda kasi ng mga mata Nya eh.. Kakulay ng dagat at kalangitan.. Katulad ng Kay kahoy..

Awww sh*t!! Speaking of kahoy! Asan na ba yun?! Bigla na Lang akong iniwan eh!

Sige, ba-bye na mga babes!! Hahanapin ko pa yung malamig na kahoy na yun!!

Masyado ng epic yung date namin eh!! Hahahahahaha.. Bye bye!

===========================

A/N

Yan Lang po muna! Abangan nyo po next update ko!

VOTE

Beauty is her best revenge ( on-hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon