Chapter I

1 0 0
                                    

"Good morning mahal ko."

Nagising si Yelaine sa halik sa kanyang noo. Ang mukha ng ni Nicholas ang bumungad sa kanyang paningin pag mulat ng kanyang mga mata. Ngumiti siya dito habang hinahawi ng kamay nito ang kanyang buhok papunta sa kanyang likuran.

"Morning, Nic." bati niya dito habang nakangiti.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong nito ng humiga ulit sa kanyang tabi.

Tumango siya habang iniyayakap ang kanyang braso sa katawan nito.

Almost eight years na sila ni Nicholas. Nagkakilala sila nito ng kinuha niya ang number nito sa isang radio station.

Habang nakikinig sa radyo gamit ang kanyang cellphone at nakikipag text sa kanyang mga high school friends. Nasa 4th year na si Yelaine at graduating, since wala siyang magawa at ayaw pa niyang matulog kaya nakipagtext muna siya sa kanyang mga kaibigan at nakinig ng radyo. Habang naghihintay siya ng reply mula sa kanyang mga kaibigan ay naglipat muna siya ng istasyon ng radyo at napatigil siya ng makarinig siya ng nag a-announce ng mga naghahanap ng textmate. 

Wla siyang magawa kaya pinilit niyang kumuha ng number sa isa sa mga binabanggit ngunit nakakatatlong sabi na ang DJ wala pa siya nakuha, ililipat na sana ulit niya ng biglang inulit ang number ng pangatlong binanggit nito kaya sa wakas nakuha din niya.

Nag text siya kaagad dito pero di nag reply kaya inulit niya ang text niya, Wala pa rin. Napatingin siya sa oras ng kanyang phone. 12;50 am.

"Baka tulog na kaya walang reply."

Inaantok na din naman siya kaya nag paalam na siya sa kanyang mga kaibigan at natulog na.

Kinaumagahan una niyang tiningnan ang kanyang phone at nakita niya na maraming messages na, ang iba aymula sa kanyang mga classmates, pero merong tatlong text na di naka register sa kanyang phone kaya binuksan niya yun at binasa. "Good morning po." Galing yun sa kinuha niyang textmate kagabi kaya agad-agad ang kanyang reply.

At nalaman niya na Nicholas ang pangalan nito . Simula ng araw na yun lagi na silang mag ka-text.

"May dumi ba ako sa mukha mahal?" tanong nito sa kanya ng mapansin nito na nakangiti siya.

"Wala mahal, naalala ko lang yung una tayong nag kakilala." sabi niya habang humahagikgik.

Ngumiti din ito sa kanya. "Napaka-swerte ko talaga ng gabi na yun ng kinuha mo ang number ko, dahil nakilala kita at naging girlfriend."

"Maswerte din naman ako sa pagkuha ko ng number mo e. Dahil nakakilala ako ng lalakeng mahal na mahal ako, tanggap kung ano at sino ako at sobrang sweet na katulad mo." sabi niya dito.

Sa totoo lang di niya lubos maisip na mayroon talagang magmamahal sa kanya tulad nito. Masyado kasing madrama ang kanyang buhay para sa kanya. 

Anak siya sa pagkadalaga ng kanyang ina at ang ina niya ang isa sa mga na buntis na di na pinanagutan ng lalake. Lumaki siya sa kanyang lola dahil nag trabaho ang kanyang ina para buhayin siya. Sa probinsya siya lumaki at tuwing my mga okasyon ay umuuwi ang kanyang ina galing Manila. Nang nakapag asawa ang kanyang ina kinuha na siya nito sa kanyang lola at dinala sa Manila. Ok naman ang kanyang amain sa kanya. Sadyang di lang sila mag kasundo dahil matigas talaga ang ulo niya, para sila nitong apoy at tubig. Kaya pagnagagalit ang kanyang amain sa kanya nagagalit din ang kanyang ina. Syempre bata, naghahanap din ng pagmamahal at di niya nakita yun sa kanyang ina ng bata pa siya, grabe kasi siya bugbugin noon dati, yung tipong babatuhin ng sapatos sa ulo at iuuntog sa pader. Yung mga ganyan. So enough of that. Yun nga lumaki siya ng walang masyadong suporta sa kanyang ina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TORNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon