"The Hidden Vault."
Sampung magnanakaw ang nais magnakaw sa isang napakayaman na negosyante na kilala sa sobrang dami ng negosyo at pagiging bilyonaryo.
Pinaghandaan nilang lahat ang maaaring gawin para makapasok sa bahay nito nang hindi nalalaman dahil napapaligiran ito ng napakaraming gwardya.
Pinag-isipan nilang maigi kung nasaan ang vault ng negosyante at kung paano mabubuksan ito.
Nang maisagawa nilang lahat ng plano nila, nagkamali sila dahil ang inakala nilang vault ay hindi talaga vault.
Nahuli sila ng negosyante na tumatakas na.
Imbes na ito ay ipahuli ito ang kanyang sinabi.
"Sumama kayo sa akin, ituturo ko sa inyo ang vault ko," turo ng bilyonaryo at kinawayan sila na sundan siya, naglakad lang ito ng tahimik. Sobra ang pagtataka ng mga magnanakaw.
Trap ba ito o totoo?
"Kahit wala kayong tiwala sa akin, sumunod nalang kayo," muling sagot ng bilyonaryo dahil nag-aalangan silang lumapit sa kanya.
Sa huli sumunod sila pero malayo ang distansya para kung sakali ay makaka-takbo pa sila.
Sa huli ay tumigil sila sa isang lugar kung saan di mapapansin masyado.
Tinuro niya ito at pinindot ang code sa harapan pa nila mismo.
Bumukas ito at bumungad sa kanila ang napakaraming pera, ginto at pilak. Manghang mangha sila at di makapaniwala na itinuro sa kanila ang totoong vault na di nila inakala.
"Totoo ba ang nakikita ko?"
"Wow!"
"Di ako makapaniwala, ang kinang masyado sa loob."
"Tulog ba ako?"
Iba ibang reaksyon ang ipinamalas ng magnanakaw kaya natawa nang mahina ang bilyonaryo.
"Lahat ng gusto niyo, kunin niyo."
Napatingin ang lahat sa kanya at napa-awang ang bunganga. Impossible.
"La--lahat?"
"Sigurado kaba?"
"Trap lang ba ito?"
Muli ay ngumiti siya.
"Kunin niyo lahat ng gusto o nakikita niyo."
Napatingin ang boss ng magnanakaw sa bilyonaryo ng may pagdududa, ang babaeng bossy nila, mahaba ang buhok nito na kulot-kulot at higit doon ay maganda ang mukha nito.
"Bakit mo ibinibigay sa amin ang lahat ng iyan?"
"Bakit lahat ba?"
"Oo, nagtataka lang ako kung bakit ibinibigay mo lahat ng 'yan sa amin."
"Dahil wala naman dyan ang totoo kong kayamanan."
"Ha, meron pa?" tanong nito ng di naniniwala.
"Saan?" tanong ng isang magnanakaw na umupo na sa tumpok ng mga ginto kung nasaan ang boss nila naka-upo.
"Kahit kunin niyo ang lahat ng nakikita niyo, di niyo parin makukuha ang tunay kong kayamanan."
Itinuro ng bilyonaryo ang kanyang sentido.
"Nandyan?" tanong ng boss habang nakataas ang kilay.
"Niloloko mo ba kami?" tanong ng isang magnanakaw na nagsisimula ng kumuha ng mga ginto at salapi sabay ilalagay niya ito sa bag niya, nagmamadali itong kumuha.
Para sa mga magnanakaw ay di nila maintindihan ang sinasabi niya pero ang boss nila ay nagtataka parin at nag-iisip. Naniniwala siya dito pero paano.
Ang pitong magnanakaw ay di pinansin ang sinabi ng bilyonaryo at nagpatuloy sa pagkuha ng mga pera, ginto at pilak. Inilagay nila ito sa kanilang bagahe.
Samantala ang tatlo sa kanila lalo na ang boss ay naka-upo sa mga tumpok ng ginto.
"Maaari mo bang ipakita ang sinasabi mong tunay mong yaman?" lumapit ang boss sa bilyonaryo, gusto nitong malaman ang sinasabi niya.
Paanong ang mga pera niya ay ipamimigay niya lang sa kanila.
"Gusto mo ba talaga?
"Oo."
"Bukas nang umaga, pumunta kayo ng 4AM, bawal ang late," ani nito at umalis na, hinayaan niya lang ang mga magnanakaw na patuloy na kuhanin ang kayamanan niya.
Napa kunot ang noo ng boss nila, nagtataka at nagdududa.
Ang ibang magnanakaw, mas naniniwala sila sa yaman na nakikita.
Madalas sa mga tao, ang nakikita lamang ang tingin nilang kayamanan pero ang di nila alam, ang bagay na di nakikita ang siyang tunay mong kayamanan.
--------------
Thank you for reading!
Chapter 1 >>>

YOU ARE READING
The Billionaire's Vault
Hài hướcSampung magnanakaw ang nagplanong magnakaw sa isang napakayaman na negosyante pero nagulat silang lahat ng madiskubre ang totoong kayamanan ng negosyante.