Chapter 1

31 0 0
                                    



Chapter 1: The First Lesson In Life


Buong buhay ko ginusto ko talagang yumaman at lahat na ng paraan at pagsisikap ay ginawa ko na pero wala parin eh, nandito parin ako --- hindi umaasenso.



Mga kaibigan ko ang siyam na iyon, lahat kami iisa ang pangarap --- ang yumaman, kaya naisipan naming magnakaw sa isang napakayaman na tulad ni Chester.



Minsan nga iniisip ko nalang na magpakasal nalang kaya ako sa isang bilyonaryo para yumaman agad ako kaso ayoko, nakakadiri.



Di ko kayang magpakasal ng pera lang dahilan, yucks. Di ako ganon ka adik sa pera.



"Boss, kanina ka pa malalim ang iniisip, ako ba iniisip mo?"



"Tse!" inirapan ko siya, nakakadiri.



"Boss, bakit di tayo kumuha ng ginto, baka inuuto lang tayo nun," tanong ng isa sa kanila.



"Kung inuuto niya tayo bakit handa niyang ibigay ang pera niya at syaka kung sakaling trap nga 'yun atleast di tayo mahuhuli dahil wala naman talaga tayong kinuha kahit katiting."



"Ang talino mo talaga boss."



Kumindat ako sa kanya. Ako pa ba.


___________  

(At Billionaire's Office - 5:00 PM)



"Everything has a price," matindig balahibo na sambit ng bilyonaryo sa akin, dapat bukas ng maaga pa talaga ako pupunta sa kanya kasama 'yung mga kasamahan ko, kaso curious talaga ako sa ituturo niya sa amin para makapag desisyon agad ako kung pupunta ba kami bukas o nagsasayang lang kami ng panahon.



"If youth enjoy now, later in their years they will struggle or they experience lifetime poverty."



"Would you rather struggle now or later?" tanong niya sa akin habang hawak hawak ang libro, napaka seryoso pala talaga ng mga bilyonaryo. Di ba sila nagsasaya, tulad ng nakikita ko na ang mga bilyonaryo at negosyante ay masasarap ang buhay.



"Minsan na akong nag negosyo, actually maraming beses na," sambit ko inaalala ang mga nakaraan kong itinayong negosyo.



"Then what happen?" tanong niya sa akin, napatigil siya sa pagbabasa at tumingin sa akin. Napakalalim niyang tumingin, ganon ba talaga tumingin ang mga bilyonaryo, magaya nga.

The Billionaire's VaultWhere stories live. Discover now