KABANATA 37

6.3K 368 83
                                    

Hindi ako pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ni Frosto. Basta basta siyang naunang pumasok sa loob. Kung tutuusin wala dapat akong aalahanin doon kasi sanay naman ako magbanat ng boto ngunit itong simpleng aksyon niya na tila ba may nakaharang sa aming dalawa ay nasasaktan ako.

Huminga ako ng malalim. Baka nasanay kalang noon sa kanya Sol. Hindi na kayo , kaya huwag ka nang mag expect pa.

Sobra sobra ang kaba ng puso ko sa totoo lang. Alam ko kung bakit, kasi mahal ko parin ang lalaking ito.

Kailangan kong mag ingat na hindi malaman ito ng mga Septimo kundi..maghihirap ng husto ang nga ka baryo ko. Ang mga kapwa ko.

Tahimik akong pumasok sa sasakyan niya at pinaandar niya iyon agad. Medyo matagal ang biyahe lalo na dahil sa traffic. Ibang iba dito sa Maynila. Tingin ko'y hindi ako kailanman masasanay sa pamumuhay nila dito.

Si Frosto ay tahimik lang rin kaya hindi na rin ako nagsalita. Hindi ko rin alam kung babatiin ko ba siya o hindi.

At dahil pinalaki ako ng lola na maging magalang lalo na sa taong malaki ang itinulong sa amin..

“K-Kamusta ka na?" mahinang tanong ko sa kanya.

Akala ko sasagutin niya ako pero parang mas lalo lang siyang nainis sa akin.

Kinagat ko ang labi at umiwas. Naninikip ang dibdib ko ng sobra. Ayaw na niya talaga sa akin.

Hindi niya ako kinausap hanggang sa makahinto na kami sa condominium.

Napalunok ako at tinitigan siya. Hindi siya tumitingin sa akin kaya nagtagal ang tingin ko sa kanya.

"Hindi ka pa ba bababa?! I am in hurry!" singhal niya sa akin.

Nagulat ako doon at nanlaki ang mga mata. Nagmamadali akong binuksan ang pintuan ng sasakyan niya at bumaba. Narinig ko ang pagkakataranta ng boses niya ngunit tuloy tuloy na ang pag pasok ko sa condominium. 

Hindi ko na namalayan na naiiyak na ako ng makatuntong sa palapag ng aking unit.

Pagkadating ko ay nag angat ako ng tingin. Nakita ko na sinisigawan ni Austin ang isang babae.

"Look what have you done! Saan saan kapa kasi nanggaling kaya ang trabaho mo napapabayaan mo! Pag may mangyaring masama kay Soledad-"

"A-Austin." tinawag ko siya. Hindi ko alam kung bakit sunod sunod na ang patak ng luha ko. Alam ko sa puso ko dahil ito sa pinakita sa akin ni Frosto.

Ang sakit sakit pala.

Nanlaki ang mga mata ni Austin. Nakita ko rin na ang tinutukoy niya na si Milagros ay ang nag make up sa aking noong kelan.

Hindi ko na maituon ang lahat sa kanila dahil sa sumakit na naman ang puson ko. Narinig kong napamura si Austin at binuhat ako.

Hindi ko alam na ako papa ay nakatulog ng araw na iyon. Nang magising ako ay inalala ko ang mga nangyari kanina. Nang titigan ko ang siwang sa bintana ay nakita ko ang kadiliman. Gabi na pala.

Naalala ko si Milagros. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at nakita ko si Milagros! Siya nga!

Ngumisi siya sakin pero halata ko sa kanyang mga mata ang pamumugto.

"Hi! Gising kana pala! It's nice to see you again! Ito papa ang susuotin mo mamaya. May dinner kayo at nandito na mamaya si gagong Austin. Char! Joke lang."

Umawang ang labi ko sa sinabi niya pero ngumiti narin. Magaan ang loob ko sa kanya tsaka masayahin siya.

"Pinagluto narin kita ng pagkain kung sakaling gutom kana. Teka ,ihahanda ko lang."

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon