Bente Pesos

31 2 0
                                    


Makikiabot po ng bayad?

Bayad daw.

Miss makikisuyo daw nung bayad!

Bayad ngaa!!

Ayy kabayo ni Tunying!

May nagaabot pala! Hindi ko na namalayan! Ano ba naman Max! Tulaley??

"Ayyy! Sorry po! Bayad daw!"

Ano bang nangyayare sayo Maxine De Vera? Seryoso?

Tsk! Ganto ba talaga ang epekto saken ng final grades? Tsk! Kase naman! Wala pa namang "Ber" months pero lakas kong maka Merry Christmas eh. Christmas Tres! May Tres ako! Pano na yung pangarap kong maging Dean's Lister! Nooooo!

Nakaka Stress naman kase tong Sem na ito eh. Napakadaming requirements!

Yan! Wala na! Huhuhu!

Buti pa tong katabi ko oh? Parang walang problema! Ang fresh fresh! Napaka Gwapo!

Oh wait. Onga no?

Ang gwapo nya! Grabeeee. Nakakadrool talaga.

Ang ganda ng mata.

Brown?

Wow!

Ang tangos ng ilong.

Seryoso!

Yung labi!

Nakooooo! Parang ang sarap halikan.

Tapos! Tapos! Yung buhok nya. Kyaaaah! Parang yung kay James Reid! Wapak naman tong lalakeng to eh! Nakakainlab!

Over all Yummy!

Teka. Ano nga bang pangalan nito?

Tss! Pinagnanasahan ko talaga tong lalakeng to?

Aish! Max! Nagdadaydream ka na naman! Di mo naman kilala yung tao pero kung makatitig ka. Wagas! Parang tutunawin mo na eh!

Aish ano ba to? Bakit ko ba kinakausap tong sarili ko? Para nakong baliw eh!

Kasalanan kase to nung Grade ko eh!

Ang sarap mag daydream.

Haaaay nako! Kung gantong itsura naman ang madadatnan ko araw araw eh. Talaga namang magdedaydream ka talaga nang wala sa oras. Nako!

Pero di ko naman to kilala. Haaay! May jowa na kaya to?

Sana wala pa! Sana talaga.

"Miss, may barya ka ba sa 500?"

Oh wait! Kinausap nya ba ako?

Oh my! Oh my! Eto na
ata ang forever ko!

Anong sasabihin ko?
Shocks! 50 nga wala ako. 500 pa kaya? Enebe te?

"Hah? Ah eh w-wala eh."

Gahd! Max! Anong nangyayare sayo? Bakit ka nauutal! Stay still! Compose yourself!

"Ganon? Salamat. Pano to? Wala akong barya!"

Ano ba to! Gwapo nga aanga anga naman. Kung nagpabarya ka ba naman kase before ka sumakay eh. Tsk.

"Hala? Pag 500 peso bill talaga wala silang pansukle. Pano nga yan?"

"Nakalimutan ko kaseng magpabarya eh. Nagmamadali din kase ako kanina. Ngayon ko lang naalala."

Hmmmm. In all Fairness. Gwapo parin ng isang to kahit namomroblema na.

Ayiiieh! Kinakausap ako ng kanikanina lang ang pinagpapantasyan ko! Kyaaaaah! Nakakakilig!

"Eh san ka ba bababa. Babayaran ko nalang. Magkano?"

"Ganon? Nakakahiya naman"

"Sus! Wala yon. So magkano nga?"

"20 pesos. Wag na"

"Eto naman. Eto oh. Ibayad mo na. Kesa naman mag 123 ka diba? Kawawa naman si Manong! HAHAHA"

"HAHAHA. OO nga no! Salamat talaga hah?"

"Wala yon nuh ka ba!"

Anong wala yon?! Ano ka ba Max? 30 na nga lang pera mo ibinayad mo pa? Yan! Inuuna kase ang kalandian eh! Makalandi lang ganon? Kahit maghirap okay lang?

Eh ano ba hah? Tong konsyensya to! Nakakainis!

"Salamat talaga! Maraming salamat!"

"Wala yun ano ka ba! Parang 20 lang naman."

Oh my! Ang cute nyang ngumite! Waaaaah! Puso wag ka munang mag wala jan okay? Stay calm muna! Stay calm. Baka mahalata ka nya!

Ngayon ko lang napansin. Kanina pa pala kami magkausap nitong isang to. Taga san ba to? Parang ang layo naman ng pupuntahan nya.

Nako! Mabute nga yon eh. Ayieeeh! Para mahabang oras ko pa sya makakasama.

"San school mo?"

Teka! Tinatanong nya ko ng mga personal questions! Ayieeeeh! This is it pancit!

Baka eto na talagang si Kuya ang Forever ko!

Mapapatunayan ko nang may Forever and Ever talaga!

Yiiiiiiieeeeeeeeh! HAHAHAHA.

Pede bang sumigaw! Waaaaaaaah!

"Hmmm. Taga CCLU ako. Kaw ba?"

"LSUU"

Eh? Yayamanin!

Waaaaah! Complete package ituuu! Pangarap!

Teka! Kanina ko pa to kausap ah. Eh bakit di ko pa natatanong yung pangalan.

Matanong nga...

"Para.. Uyyy! Miss, una nako hah. Salamat sa bente! Babawe ako pag nagkita ulet tayo. Salamat talaga. Bye!"

Hah? Ah wait..

Whaaaaaaaaaat? Pumara na sya? As in bumaba na?

Waaaaait!! Di ko pa nakukuha name nya! San address nya. Ilan taon.

Wala na lumipad na ang pangarap ko. Kasama ang bente pesos ko.

Wala na ngang pera. Wala pang lovelife.

Huhu. Bakit kase nagfeeling ka pa eh, Max.

Eh simpleng nakasakay mo lang naman sya.

Nagwapuhan ka sa kanya.

Nagdaydream ka.

Tinanong nya kung may barya ka.

Binigyan mo naman.

Nagkakwentuhan kayo.

Ending Lumipad na pera mo.

Tapos ngayon. Wala na! HUHUHU! Saklap!

Waaaaaah! Yun nayun ii! Nakausap ko na iii! Pero baket?

Pero teka.

"Babawe ako pag nagkita ulet tayo."

Sinabi ba nya yan?

Yeah! Sinabi nya yan! Awts! Maghihintay na naman ba ako?

Nako! Pag nagkita ulet tayo. I'll asure you!

Sisiguraduhin kong sulet yung Bente Pesos ko.

>> MaxiiFeel

Bente PesosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon