Kulam Vs Revenge (Part 2)

236 3 0
                                    

P A R T   2

Kulam Vs Revenge

Sumiklab Ang Galit ng Pamilya nong Mga Kumulam sa Ama ng Live-in partner ko sa Paganti at Nalagasan sila ng isa sa pamilya nila. Gumanti rin sila Ulit at ang Live-in partner ko na ang Pinadiskitahan nila. March 2010 Hindi ko na maalala ang exact na petsa ng Buwan. Gabi non ng Magising Ang Partner ko na namimilipit sa Sobrang Sakit ng Kanyang Tyan , Akala lang namin non may nakain lang siya o kinakabag na naging Dahilan. Umabot ng isang Linggo ang Sakit ng Tiyan niya at lagi siyang Umiiyak, Tiningnan ko ang Tyan at Hinipo at Nagulat ako. Ang Tigas at Para bang Sinemento o kayay Parang Bato ang Tigas talaga. Hindi na Normal ang Kalagayan niya kaya Agad na naming Dinala sa Mangagamot at Confirm Kinulam nga ng mga Pamilyang may Galit. Alam na namin kung Sino Kaagad ang may kagagawan Kaya in Action na ako. Gabi yon at pumunta ako ng Sementeryo para Tawagin ang kaluluwa ni papa. Mahigit isang Oras yun ang paghihintay bago siya Tumugon sa Tawag ko. Kasama ko sa Sementeryo ang kapatid ng Live in ko na Tawagin lang natin sa pangalang "Buddy" Nasaksihan niya yong pangyayari nong Gabing yun. Natakot siya pero sabi ko Wala siya dapat ikatakot dahil Ama niya ang tinatawag ko. Ayaw niya maniwala nong Una pero nong nakaUsap ko ang Ama niya. Napa iyak siya at saksi siya sa pakikipag usap ko sa kaluluwa nito. Hindi nagpapakita ang kaluluwa pero maririnig namin ang Boses niya. Humingi ako agad ng Tulong Kung Anu ang gagawin para Gumaling yong Anak niya na ka Live in ko. Sinabi niya kaagad na May ibinaon yong nagpapakulam doon sa kabilang Sementeryo na Barangay, Bali dalawa kasi ang sementeryo doon dahil sa relehiyon. Agad ko Tinanong kung saan ko Mahahanap yong ibinaon nong mga nagpakulam at Sinabi niya na nasa Malaking Cross daw ito ibinaon hindi daw ito malalim at basta lang daw ito tinabonan ng Lupa at maliit lang. Bago pa kami matapos mag usap na nakaharap sa puntod niya Dumating yong Nilalang na Parang Kambing na may halong pagka Aso nasa itaas ito ng puno nakatingin lang sa amin at napansin din iyon ni buddy kinalabit niya ako tinuro yong ibabaw ng puno tumango lang ako na ibig sabihin alam ko. Tahimik namin nilisan yong Cementeryo At nakasunod yong nilalang sa amin may dalang Flash Light si buddy at dahil halatang takot siya iniilawan niya ito kapag dumadapo sa mga Puno. Naka Uwi kami sa bahay at Sinabi namin sa Mama nila at mga kapatid na ganun ang nangyari sa Live in ko Medyo nagimbal sila sa kanilang nalaman kaya ang pinagplanohan namin na puntahan yong Cementeryong may pinagbaonan sa malaking Cross. Nalaman ko rin nong gabing yon na yong nilalang na parang tagapagbantay ay ang alagang sigbin ng ama nila base sa sinabi ni buddy. natatakot daw talaga siya sa nilalang na yun dahil Minsan wild daw yun lalo na kapag Full Moon, Tinawanan ko lang siya Kasi Alaga yon ng Ama niya kaya Hindi yon tumatalo ng Amo. Lalo nat Walang napasahan ng kanyang Ama ang para maging Amo nito ay mananatili yong Loyal sa amo niya kahit Wala na.
[FastForward]
Nong Umaga na yun mas lalo naging mahina at laging lumuluha ang live in ko na nakahiga sa isang Sofa, kaya umalis na kami ni buddy at yong mama nila ang nag alaga sa live in ko at meron kaming 11months baby noon kaya yong kapatid nilang babae muna nag aalaga. [ff...]
Nong Makarating na kami sa Cementeryo Tinawagan ko muna ang bilas ko para tulongan kami ni buddy sa aming paghahanap sa ibinaon baka kasi matagalan lang kami kong kami lang dalawa ang ang maghahanap ni buddy, Malapit lang kasi sila sa Area na yun nakatira bumukod na kasi ng bahay ang isang kapatid nilang babae dahil nag asawa na ito. Pagdating ni bilas na tawagin nalang natin sa pangalang "Erwin" Agad naming sinimulan maghanap. 20minutes lang Nahanap namin sa may gilid ng malaking Cross na may Semento kaagad ang isang kulay itim na tila maliit lang ito at nirolyo sa itim na sinulid may laman ito sa ilalim at tiningnan namin Nagulat kami sa Natuklasan. isang Papel na tinusok ng Karayom at Naka Sulat ang Boung Pangalan ng Live in Partner ko With Family pa nakalagay.
Galit na galit ako sa nakita ko at parang Gusto kong Lusobin ang mga Tampalasang Kapitbahay na Mahilig mag Pakulam. Sabi ko bakit kailangan pang Gawin ang mga bagay na ganto? Bakit di nalang idaan sa Harap Harapang Digmaan ng magkaalaman. Pinakalma ako ni buddy at Erwin nong mga oras na yon. Naging maayos din ang pakiramdam ang ka live in ko pagka uwi namin at yun nag iinoman kaming tatlo sa labas ng bahay. nakita namin yong kapitbahay na may gawa nong Kulam kulam na yan. Pinigilan ako nila dahil susugorin ko na sana at alam ko sa sarili ko na makakagawa ako ng kremin nong time na yon. isang linggo ang lumipas umuwi na kami cagayan de oro at akala ko maayos na ang lahat. July 2010 nagkasakit ang baby namin at pinagtataka ko Healthy naman ang bata at dinala namin sa Health center ayos naman siya pero kapag tuwing gabi laging umiiyak di na natutulog at nagkaka LBM at di na nagdedede tatlong araw na dinanas ng baby namin yon at nong dalhin na namin sa Hospital ay alam ko na sa sakyan pa lang papuntang Hospital ay tumigil na ito sa paghinga. Sabi ng Doktor Dead On Arrival, Binurol namin c baby 3days lang kasi di pwede ma imbalsamo at inenject lang ng Formalin. sa Huling Gabi ng lamay habang nag iinit ako ng Tubig para sa Kapi. Napansin ko sa may bintana yong nilalang na alaga ni papa ibig sabihin andito ang kaluluwa ni papa. agad akong lumabas at hindi ako nagkamali narinig ko ang boses ni papa. Sinabi niya na c baby ang Pinunterya ng mga lapastangan nilang Kapitbahay. Biglang may sumigaw sa Loob kaya agad akong pumasok c mama napasigaw sa nakita niya at tinuro ang kabaong ni baby. Tiningnan ko at laking Gulat ko dahil Hindi ko na makita ang mukha ni baby. May mga Puti na bumubula na lumabas sa bibig at ilong at mata niya. Tapos yong mga bula naging insecto na may mga pakpak na kaya sinara ko ang kabaong para walang makakita bukod sa aming dalawa ni mama. Napakuyom ako sa galit. Gaganti ako. anak ko ang kinuha nila. anak din ang kabayaran,

To be continue...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kulam Vs Revenge part 2Where stories live. Discover now