a/n:Here's the update guys, sana magustuhan niyo *^▁^*
Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan, if ever na may gusto kayong ka moment ni bb Luen, wag pong mahiyang mag-comment. ^_^ naguguluhan din kasi ako kung kanino yung mga susunod na scene hihihi XD
P.S:
ENJOY~
--
Luen's POV
Saturday went well.
Kahapon tinulungan ko nalang si kuya Dyo na nag-luto habang yung iba ay naglalaro ng.... ano nga ba title nun? Ah basta, naglalaro sila.
"Bes, you're spacing out again." Tiana snapped me.
"Ah, sorry. What is it again?" Nandito kami ngayon sa school. At kinukulit nanaman ako ni Tiana, bestfriend ko since kindergarten.
"*sigh* Sabi ko, pwede mo ba akong ireto sa kuya Sehun mo? Ahihihi. Ang gwapo niya talaga." Tiana have a crush on kuya Sehun since year diko na maalala.
"Sa tamang panahon bes."
"Iiiih~ naman bes eh!! Ano 'to dream dad? President ikaw ba yan??"
"Adik ka talaga, hahaha" sabi ko sa kanya. Nasobrahan na yata to sa panonood ng tv eh. -_-
"De seryoso kasi bes, ang tagal ko na kaya siyang hinihintay." Nakapout niyang sabi. Pwede pala yun? Try ko nga minsan. Hihihihi
"Iana, alam mo na-"
"Alam ko naman na kay Luhan lang ang atension niya. Oo bes alam ko. Naman kasi eh!! Nakakaselos"
"Hahaha ganun talaga yun bes, maghintay ka nalang malay mo balang araw mag-kagusto din yun sa'yo" sabi ko sa kanya at inilabas ko yung librong babasahin ko sana.
"Tama ka bes, hihihi. Kinikilig ako pag naiimagine ko ahihihi" tapos nag-tatatalon siya.
"Classmates! Pwede na daw tayong umuwi may meeting daw ang mga teachers!" Sigaw ng classroom president namin pag-pasok niya. Agad naman naghiyawan ang lahat, including Tiana. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to. Tsk tsk.
-
"Bes gusto ko talagang pumunta sa bahay niyo eh~ si mommy naman kasi, ang tanda-tanda na nga magpapasama pa sa salon. Hmpf!" Saad ni Tiana habang hinihintay namin yung sundo namin.
Mayamaya may humintong kotse sa harapan namin. Kotse ata nila Tiana yun. Dami kasi nilang sasakyan eh "Oh, nandito na sundo ko! Bye bes, loves yah!" Sabi niya saka kami nag beso.
"Okay, see you tommorow. Bye!" Sabi ko.Sumakay siya sa kotse nila at nag-wave naman ako.
"Pa-kamusta mo ako kay Sehun baby ko ha!" Sabi pa niya. Sasagot sana ako pero tuluyang nang umandar yung sasakyan palayo.
Ang kalabasan, naiwan na naman akong mag-isa dito.
Wala pa sila kuya kasi may klase pa sila. Gusto ko sana silang puntahan sa building nila kasi sakop din naman ng school yun kaso nahihiya ako. Tinext ko narin kanina si mang Gilbert para sunduin ako.
After 15 minutes long of waiting, dumating narin si mang Gilbert.
"Miss sorry natagalan po ako. May inayos pa po kasi ako sa bahay eh." Sabi niya.
"Naku okay lang po yun tsaka Luen na lang po." Sagot ko naman. Ayaw ko talaga pag tinatawag akong miss, masyadong formal. Mas gusto kong yung name ko nalang yung tawag sa akin.

BINABASA MO ANG
Clash of the 12 Brothers (EXO fanfic)
FanfictionAno kaya kapag pinag-agawan ka ng isang dosenang lalaki na ubod ng gwapo? Magfu-function pa kaya ang utak mo? Malilito ka ba? O magiging masaya ka ba kung alam mo nang darating yung araw na kailangan mong pumili sa kanila? She's Luen Lewis Lim and s...