ONE

157 6 1
                                    

"Haymeeee! Gising na!" tinatapik ko ang lalaking ang laki nang katawan, ang tamad lang

"Last five minutes, nadya." ganito talaga siya palagi. Buhusan ko kaya nang mainit na tubig ano?

"Wag mo nga akong ma-minutes minutes jan! Sige na tumayo ka na't maligo!"

"Okay, okay po maam." agad naman siyang tumayo at kumuha nang twalya

Aba't ako pa ang pinalinis at pinaligpit niya sa higaan niya! Ang saya noh?

Ehem! Bago ko pa mabatukan tong bestfriend ko, eh magpapakilala muna ako sainyo *Kaway kaway nang kamay*

Hi! Ako pala si Nadine Lustre, 18 and pretty! heh! 3rd Year Highschool na pala ako. Since 3 years old pa yata ako, magkaibigan na kami nitong si James Reid a.k.a Hayme. Kahit na baliw siya, Luko-luko, tsaka tamad, wala na akong ibang choice eh! Mahal ko siya eh, Bestfriend ko kasi. Hmmmm. Baka kung ano nang iniisip nyo ah, mahal ko siya as in pina "BESTFRIEND" lang ah, wala nang iba pang rason.

Kasi kung mamahalin ko siya nang higit pa sa bestfriend, Mahirap na. Baka ako lang ang masaktan. Baka ako lang din ang mag dusa. Ayokong maging tanga noh.

"Hoy! Para kang baliw jan. Ano bang iniisip mo, babe?" ano daw? BABE? 

"Ano? Anong sinabi mo?"

"Sabi ko, Anong iniisip mo babe?"

"Gago ka! Kung maka babe ka ah! wagas!"

"Ano ka ba nadya. Ikaw talaga binibigyan mo nang malalim na rason ang mga bagay bagay. Ikaw talaga! Halika ka nga dito." hinila niya ako papalapit sakanya, JUICECOLORED! ANG BANGO NANG BESTFRIEND KO! eh kasi nga bagong ligo nadya! gaga

"Ano na naman bang gagawin mo?" agad namang lumakas ang tibok nang puso ko kasi NIYAKAP niya akooooo!

"Alam mo Nadya, Ang swerte ko sayo, kasi hindi lang kita bestfriend, Nagiging Alarm clock pa kita, chef cook sa umaga, partner sa basketball lalo na pag wala sila Diego at Dominic, Pwede na ring yaya. Pero, Seryoso. Salamat ah? Kasi palagi kang nandyan, nadya. Salamat talaga." ang o.a neto! Lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya saakin bago siya kumalas

"Ang bakla mo, hayme! HAHAHAHA! Sus! Ang o.a mo, Okay lang yun basta andito lang ako, para sayo' Ano ba? What are friends are for ba? Hmmmm. HAHA!"

"Oh ano, Basketball tayo?" tinapik niya ako sa braso

"Pass muna ako, Hayme. Meron ako ngayon eh." hihi Redtide kasi ako ngayon eh

"Edi mag napkin ka!" baliw to! Alangan naman mag lampin ako?

"Baliw! Masakit kaya ang puson ko. Gago."

"Sige na nga. Basta ah! Bawi ka saakin ah!"

"Oo na! Oo na. Uuwi muna ako."

"Hatid kita?"

"Sige ba. Lika' na."

Tahimik lang kami habang nag-lalakad. Ang lapit lang kaya nang bahay namin.

"Magandang Umaga po, Tita kong maganda!" sabi ni Hayme sa nanay

"Ikaw talaga Hayme! Ang galing mo talagang mambola! Oh sya, Kumain muna kayong dalawa dito."

"Yan talaga ang gusto ko!" sigaw ni Hayme

"Nakiki-kain ka lang eh!" sambat ko

"Nadya, wag ka nang ano bestfriend."

Tapos na kaming kumain. Umalis naman si Hayme kasi, mag ba-basketball daw siya kasama sina Dominic, Diego tsaka si Joseph.

1 message recieved

From: Hayme
"Oy. Bestfriend, Punta ka dito sa Basketball court oh, Ang boring dito lalo na't wala ka. Ang ba-bakla nang mga kasama ko. Haha"
Recieved 9:35 am

Baliw talaga to' si Hayme.

To: Hayme
"Baliw. Naglalaba ako noh! Mamaya nalang."
Sent 9:38 am

Kahit hindi naman talaga ako naglalaba. Haha! Hindi ko trip ang gumala ngayon. Ang sakit kaya nang puson ko. Matutulog muna ako. Hmmmm.

[end of chapter one]

Follow me/Add me/Ask me:

Insta: @Pandaangely

Fb: Angely J Lopera

Twitter: @Helloangelyy

ask.fm: @AngelyLopera

next UD: 4/25/2015

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Partner's In CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon