STUPID CUPID PROLOGUE

0 0 0
                                    

[A/N: Ang story pong ito is not just a single story line. Composition po ito ng different Love story cases built to one to completely explain the concept of LOVE. Hope you enjoy it guys! :) ]

PROLOGUE:

WHAT IS LOVE?

Eto ba yung physical and emotional attraction brought about by significant hormones sa katawan ng isang tao?

Kapag sinabi bang LOVE, totoo bang nararamdaman yun sa pagtibok ng puso o parte lang talaga ng pagfunction ng utak na matatagpuan sa hypothalamus?

O baka naman bunga lang ito ng survival instinct ng tao na "mating" kung tawagin ng sa ganon ay magpatuloy ang lahi natin at maiwasan ang "extinction"?

Yan ang mga tanong sa isip ko. Ang nakakapagtaka nga lang, bakit ko nga ba tinatanong ang mga bagay na to? Syempre naman may isang konsepto din akong pinapaniwalaan at yun ay ang...

God is LOVE.

Syempre yan ang pangunahin kong pananaw dahil isa akong anghel. Pero kasi kung iisiping mabuti, hindi ganun kasimple ang konsepto ng pag-ibig.

Kaya naman nagtanong ako sa nag-iisang may alam ng lahat ng bagay sa mundo, ang Diyos.

Bilang sagot, ang isang simpleng anghel na nakatingin mula sa langit ay naging kupidong anghel na bumaba sa lupa ng sa gayon ay masagot ko raw ang sarili kong tanong.

Ayos na sana eh. Kaso may pahabol pang misyon. At yun ay ang maging personal na kupido ng isang nilalang na hindi naniniwala sa Kanya at sa salitang PAG-IBIG.

At dyan na nga nag-umpisa ang istorya ko, ang kupidong siya mismo kinukwestyon ang pag-ibig.


STUPID CUPID: "WHAT IS LOVE?"


Personal & Original Property of
@JanMiMinnCristobal
Copyrights © All rights reserved. 2015

STUPID CUPID: "What is LOVE?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon