Being an Only Child [ ONE SHOT ]

750 30 16
                                    

"BEING AN ONLY CHILD [ - One SHot - ]"

Bilang isang nag-iisang anak sa pamilya ay isang malaking kapakinabangan. Ikaw ang ang nag-iisang prinsipe o prinsesa sa inyong tahanan. Lahat ng iyong naisin ay agad naipagkakaloob. Lahat ng iyong minimithi ay agad naipatutupad. Ngunit paano kung dumating ang isang trahedyang hindi mo inaasahan? Trahedyang lubos na magpapabago ng iyong malaparaisong pamumuhay. Handa ka bang tanggapin ang bangungot na iyong mararanasan?

-----

 

 

Author's Note: Hindi ko po alam kung bakit pumasok sa isip ko to. Basta sinulat ko na lang pero sana magustuhan niyo po. Vote and Comment na din po kayo haha x)) Thank you! :D 

HINDI PO ITO HORROR STORY! :p

-----

 

Nagmula si Joyce sa isang may kayang pamilya. Nakatira sa isang lugar sa Maynila. Anumang gustuhin niya ay agad na ibinibigay ng kanyang mga magulang dahil siya ay nag-iisang anak lamang. Hindi naman plano ng kanyang mga magulang na magkaroon ng iisang anak lamang ngunit kahit anong pilit nilang masundan pa si Joyce ay patuloy lamang silang nabibigo. Simula kasi nang malaglag ang sinapupunan niya noon ay hindi na siya muling nagdalantao pa. Itinuon na lamang nila ang kanilang buong pansin kay Joyce at sa kanya na lamang ibinigay ang lahat ng pagmamahal.

Sumapit ang ikalabing-anim na kaarawan ni Joyce. Halos lahat ng kanilang kapit-bahay ay imbitado dito. May cake, ice cream at clown pa. Ano pa nga bang hahanapin mo pag ikaw ay nag-iisang anak lamang.  Buong araw nila ito ipinagdiwang na para bang hindi na ito matatapos. Ngunit dahil sa mga luho na kanyang natatamasa ay nag-ugat din ito ng di magandang katauhan.

Matapos ang kanyang kaarawan ay nagpaalam siya na magbabakasyon sila ng kanilang mga kaklase sa Baguio. Ngunit hindi siya pinayagan ng kanyang mga magulang kaya naman nagtampo siya dito. Ipinaliwanag naman ng kanyang mga magulang ang dahilan kung bakit hindi sila pumayag. Ngunit hindi nakinig si Joyce, sa halip ay sinigawan niya ang mga ito at pilit na itinaboy.

Hindi pa sumisikat ang araw ay agad nag-ayos ng gamit si Joyce upang sumama sa kanyang mga kaklase. Kahit na hindi siya pinayagan ay itutuloy pa rin niya ang pagbabakasyon. Alam niya naman kasing wala ding magagawa ang kanyang mga magulang basta gustuhin niya at alam niyang patatawarin din naman siya nito kahit anong mangyari. Tatlong araw sila sa Baguio kaya naman sabik na sabik siya.

Nagpakulo siya ng tubig upang makapaligo na at nang makaalis agad bago pa magising ang kanyang mga magulang. Ngunit biglang may kumaluskos sa hagdanan at dahil dito ay natakot siya. Agad niyang kinuha ang kanyang gamit at umalis agad ng bahay. Kinandado niya ang pintuan sa labas upang hindi siya mahabol at mapigilan. Ngunit isang daga lamang pala ang may gawa ng kaluskos na iyon. Dumating siya sa bahay ng kanyang kaklase at doon naligo at nagbihis. Maya maya pa ay tuluyan na nga silang umalis. 

Walang mapaglagyan ang tuwang kanilang nadarama nang sila ay nandoon na. Lahat ng pwedeng gawin ay kanila nang ginawa. Bili dito .. bili doon .. Kain dito .. kain doon.. Palibhasa ay marami siyang dalang pera dahil kumupit siya ng pandagdag sa kanyang panggastos sa pitaka ng kanyang ina. Wala siyang ibang inalala kundi ang kanyang sarili. Maya maya pa ay may tumawag sa kanyang cellphone. Ang kanyang tatay. Alam niyang papagalitan siya nito at agad na papauwiin kaya naman hindi niya ito sinagod at pinatay niya rin ito.

Being an Only Child [ ONE SHOT ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon