Crush, Mahal Kita (one shot)

339 4 0
                                    

Crush, Mahal kita..

(A/N: This is a one valentine shot story.)

Ako si Menchi, isang 16 y.o na 1st year college student..

Miyembro ng isang pinaka sikat na organization sa aming campus,

Tahimik, laging mag isa sa paborito kong tambayan dito sa school, ang likod  ng aming school canteen.. may upuan kasi doon, puwede ka mag pahinga at mag isip isip kapag merong iisipin..

Gustong gusto ko din tumatambay dito,  kasi naman konting lakad lang eh music room na, kung saan naroon si Crush siya ang musician sa aming organization.. sa Music Is In Our Life Organization, ang organization na ito ang pinaka sikat dahil sa ating kabataan musika ang tanging nag paaikot sa ating mundo, laging bida ang aming samahan lalo na kapag may mga special occasions.

Laging naroon si Crush at nag practice di ko alam bakit kailangan nya pang gawin un, ehh halos lahat ng instrument kilala na nya at alam nya paano hahawakan..

Hays.. hanggang pangarap na lang ba siya?

Crush ko si Johnson, ang 21 y.o na 5th year student graduating na siya, hindi naman gwapo pero cute, malakas ang dating, gentle man, at mapagmahal?, at malambing.. bakit alam ko? Tropa kasi kami eh, et everytime na uuwi ako ehh hinahatid nya ako sa sakayan..

Ang mga tingen nya na nakakamatay hays.. ang sarap alalahanin.

Jenna: uy! Menchi! Day dreaming nanaman ba?

Sabi ng kaibigan ko na laging pumipigil sa aking pangarap, hays..

Menchi: ahh ehh.. ikaw naman eh! Pinigilan mo nanaman ako mangarap, alam mo naman na hanggang pangarap ko nalang siya..

Jenna: oo menchi kaya itigil mo na yang emosyon mo kasi yang si Johnson, bahay, pamilya at pagtugtog lang ang alam nyang asikasuhin, ilag yan sa girls oo tropa tayo pero siyempre inaalalayan ka niya dahil napaka gentle man nya..

Menchi: naku naman.. wag mo na pigilan ang emosyon ko please..

Jenna: sige na nga .. una na ako ah, baka kasi malate pa TAYO sa subject natin eh..

Menchi: ayy oo nga pala tara na nga!

Jenna: akala ko kasi nakalimutan mo na magkaklase tayo eh ahahahah!

Haay.. habang papalayo kami sa tambayan, naisip ko na ayy ganun? Hays.. sobrang saya ko pa naman kasi sabi nya mahalaga daw ako sa kanya nag tanong ako pero hindi niya masabi kung anong halaga yun.. baka nga masyado lang siyang sweet sa kaibigan ..

The next day..

Johnson: hi menchi

Menchi: hello.. bakit?

Johnson: may itatanong ako sayo puwede ba tayo mag usap kung saan ka lagi nakatambay?

Menchi: (hala? Bakit alam nya san ako lagi tumatambay?) ahh.. ganun ba? Ba..ba..bakit?

Johnson: importante lang naman.. puwede ba tara na? kasi kailangan na nating mag madali eh..

Menchi: sige..

Nasa tambayan na kami.. natahimik ako eh..

Johnson: ahh menchi balita ko,, crush mo daw ako?

Menchi: ha? Ano? Bakit? Sino nag sabi?

Johnson: yung kaibigan mo si..

Menchi: si jenna?

Johnson: ahh oo, matagal ko nang alam pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na mag tanong.

Menchi: ah..

Johnson: totoo ba?

Menchi: ah. Eh..

Johnson: ano nga?

Menchi: hindi naman kasi kita crush eh.. kasi..

Johnson: hindi mo ako crush? Eh ano?

Menchi: m..m..ma..ma..

Johnson: ano? (umiiyak)

Menchi: bakit ka umiiyak? Ui, tropa wag ganyan..

Johnson: ano nga menchi!?

Menchi: kasi..

Johnson: yung sinabi ko sayo dati at hanggang ngayon na mahalaga ka eh.. ang totoo nun MAH..

Menchi: MAHAL KITA Johnson.. (umiiyak)

Johnson: MAHAL KITA MENCHI..

Sabay nabigkas ng dalawa na mahal nila ang isat isa..

Niyakap ni menchi si Johnson .. at..

Johnson: matagal ko na gusto sabihin pero ,, hindi ko alam paano.. salamat kasi alam ko na hindi na ako masasaktan.. at ma reject.. wala ka kasing reaksyon sakin lagi eh..

Menchi: kasi natatakot ako baka hindi naman ako mahalaga sayo.. masaktan pa ako..

Johnson: pero salamat.. I love you menchi..

Hinawakan ni Johnson ang kamay ni Menchi at, may hawak na box, nang buksan niya ito..

Johnson: Menchi, can you be my Love until the rest of my life? Corny man ito pero.. I wann grow old with you, gusto mo ba?

Lumabas ang buong miyembro ng organization, dala ang kani kanilang instruments at tinugtog ang GROW OLD WITH YOU.. instrumental lang..

Johnson: menchi ano na?

Menchi: (gulat na gulat ako, umiiyak at hindi alam ang gagawin sobrang na touch ako..niyakap ko si Johnson at..) OO, Johnson.. mahal kita.. mahal na mahal..

Johnson: (kumanta ng grow old with you) .. salamat menchi, salamat.. mahal na mahal din kita..

HAPPY VALENTINES EVERYONE!! .. J

(A/N: Stay Calm And Love Your Crush by:Anjel)

Crush, Mahal Kita (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon