Pangako

24 0 0
                                    

Pangako.. Ano nga ba ang salitang pangako? Ano nga ba ang pagkakaintindi ng tao sa salitang pangako? Isa na ata ito sa mga overrated na mga salita bukod sa “Mahal kita”.  Ito ba yung sasabihin mo sa tao tapos hindi mo tutuparin? O ito yung handa mong panindigan mapatunayan mo lang sa taong mahal mo na gusto mo siya?

Mas ok pang manahimik kesa magbigay ng pangakong alanganin kang hindi mo matutupad. Sabi nga palagi tayong nangangako ng kahit anong bagay basta masaya tayo. Pero kapag nagtampo ka o kaya naman eh nagalit ka. Nakakalimutan mo yung pangakong yun. Ang pangako eh simula’t sapul eh tinutupad. May mga pangakong hindi agad natutupad, tipong kailangan ng oras at pasensya para matupad. Maraming bagay ang kailangan ng ganun. At isa na dun eh yung ipapangako mo sa taong siya ang pakakasalan mo.

Kapag sinabi mo sa taong hindi mo siya iiwan at pinangako mo at tinaga mo pa sa bato. Tuparin mo… Aasa siya eh… Kapag may problema kayo… Magtulungan kayo… Para naman sa inyo yan eh.. Para hindi na siya mawawala sa piling mo. Para… Maging masaya kayo.. Andyan na kayo eh. Iiwan niyo pa ba ang isa’t-isa? Sabay niyong tuparin ang mga pangako niyo. Ipaalam mo sa kanya na ang lahat ng ipapangako mo eh matutupad at kahit kailanma’y hindi mapapako.

-matabangutak

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PangakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon