chapter 30 (WAKAS)

12.4K 198 8
                                    

AVYANNA'S POV

Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Jeremine ng makapaapak kami sa mansion nila. Buhat buhat ng isang braso n'ya si Zach habang hawak naman ng isang kamay n'ya ang kamay ko

"Are you nervous?" Tanong nito sa 'kin...dahan-dahan naman akong napatango

What if galit pa rin sa 'kin ang mama ni Jeremine dahil sa maling akala nila sa 'kin noon?

Kaya pala ganun na lang ang tingin sa 'kin ni Mrs. Zepranta nung araw na hindi pa ako nakakaalala

"Mommy, monster po ba 'yung pupuntahan natin dito? Ba't ka po kinakabahan?" Takang tanong sa 'kin ni Zach kaya nag katinginan kami ni Jeremine

Gusto kong matawa pero alam kong magkakasala ako dahil baka isipin nila kinukunsinti ko ang anak ko

"N-No" utal na sagot ko

"Di ba si lola lang naman po 'yun, daddy" biglang baling n'ya sa daddy nya at hinawakan pa ang mukha ng papa n'ya para ipaharap sa kaniya

Ang cute!

"There you are" biglang sabi ng kung sino kaya napatingin kami sa harap kung saan makikita ang mag asawang Zepranta na papunta sa gawi namin

"Hello po" bati ko sa kanila at bahagya pang nag bow para sa pag bibigay galang

"Mabuti at nakapunta kayo agad!" Excited na ani ng mama n'ya at napatingin sa akin. Agad ko naman itong nginitian

Pagkalapit nila sa amin ay agad nilang nilapitan si Zacharious at hinalik-halikan ito sa leeg

"Nako pinag papawisan ang bata" puna ni Mrs. Zepranta

"Nag laro ba naman nang naglaro kasama ang tito Helton niya kanina, before we go here" sabi ni Jeremine at nakipag beso na rin sa mama at papa niya

Wow! Nakakapanibago. So nag bati na talaga sila simula nung umalis ako noon

"Ang poging bata, parang batang version mo, anak. Ganitong ganito ka ka botchog noon!" sabi ni Mr. Zepranta

Narinig naming tumikhim si Mrs. Zepranta kaya napatingin kami sa kaniya

Direktang nakatingin siya sa 'kin kaya bahagya akong kinabahan. Galit pa kaya siya?

"P'wede ko bang mahiram saglit ang soon to be daughter in law ko?" Tanong ni Mrs Zepranta at tumingin kay Jeremine tila nakikiusap

Daughter in law? Nabingi ba ako o nananaginip lang?

"Sure ma, sunod na lang kayo doon" sabi ni Jeremine at saka lumapit sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi bago umalis

Nang maka alis sila Jeremine ay natahimik sa pagitan namin

"Ahm..." Kinakabahang sabi ko

Napatingin siya sa 'kin at ngumiti "Avyanna... I want to talk to you about something" taimtim na ani nito

Tahimik akong napakagat ng labi at tumango. Aaminin ko kinakabahan pa rin ako dahil kahit na sabihin natin na magiging okay na sa pagitan namin, hindi pa rin mawawala sa isip ko ang pagtaboy nila ni Jamela sa 'kin noon na dahilan kung bakit muntik na 'ko mamatay

"Go on, po" sabi ko at tipid na ngumiti sa kaniya

Natigilan ako ng bigla niyang kunin ang kamay ko at nangingilid ang luhang tumitig sa 'kin, parang ano mang oras ay tutulo iyon

"I-I'm so sorry...sorry d-dahil...ng dahil sa'kin naaksidente ka noon, kung alam ko lang na mangyayari 'yun sana hindi na lang kita pinaalis... I'm really sorry" sabi nito at nag simula nang tumulo ang luha

"Matagal ko na po kayong pinatawad Mrs. Zepranta" biglang lumiwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko "pero hindi po matatanggal sa isip ko 'yung ginawa n'yo sa 'kin. Nakatatak na po 'yun dito" sabay turo ko sa gilid ng ulo ko. At saka ko naramdaman na may nag landas na luha sa pisngi ko

Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak n'ya sa kamay ko "naiintindihan kita. I'm really sorry, sana hindi ako nakinig sa mga sinabi ni Jamela noon"

Napatango ako doon "wala pong magagawa 'yung sana na sinasabi n'yo ngayon dahil nangyari na po ang dapat mangyari. At sana po napaisip kayo sa ginawa nyo..." Pinunasan ko muna ang luha sa pisngi ko bago ngumiti sa kaniya "but, i wish na kung hindi man po tayo mag kakasundo....kahit sa anak ko na lang po kayo maging mabait, kasi ayoko pong nakikita ng anak ko kung anong kinahinatnan ko noong hindi pa siya nabubuo"

"N-No...ayokong may intensyon tayo sa pagitan natin. Please, ayoko na maging katulad noon..." Sabi niya kaya napatitig ako rito

Is she really mean it?

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at niyakap ito, naramdaman kong gumanti ito kaya matamis akong napangiti

Ilang minuto kaming ganun hanggang sa humiwalay siya sa 'kin at harapin ako

"Please don't call me Mrs. Zepranta, i would prepared for, mom" sabi nito

"Sure, mom" sabi ko rito ng dahilan ng sabay naming pag tawa

Bumalik na kami kung nasaan sila Jeremine. Nag simula na kaming kumain ng lunch napuno naman ng tawanan ang buong lamesa lalo na at bida si Zach sa hapag. sobrang bibo kasi nito kaya tuwang tuwa ang grand parents n'ya sa kaniya

Si Jamela naman ay napunta sa mental hospital dahil ito ay tuluyan nang nabaliw. And the doctor said na meron siyang mental problem na hindi naaagapan kaya basta na lang ito kumikilos ng hindi iniisip kung gagawin pa o hindi

Napabuntong hininga na lang ako at napatingin kay Jeremine nung hawakan n'ya ang kamay ko sa ilalim ng lamesa

"I love you" he whispered

I smile on him "I love you too."

Ito ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko. At 'eto ang dream family na gusto ko...well let's say na dream come true ang lahat ng ito. Wala nakong mahihiling pa at gusto ko lang ay makasama ko ang mga mahal ko sa buhay hanggang sa tumanda ako

THE END

The Badboy's Innocent Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon