"Bestie, have you thought on how you'll organize the foundation anniversary event? Dalawang linggo nalang" sabi ni Gun sa kanyang kaibigang si Win na nakatulala lang ngayon. Wala silang client appointment kaya perfect time para pag-usapan ang darating na foundation anniversary. May foundation kase sila for animals na walang nag-aalaga. Si Win ang nakaisip ng ideyang iyon. Bilang isang vet and personally love animals, nadudurog ang puso ni Win sa mga hayop na nakikitang walang makain at matirhan.
Win looked at his friend. "Yun nga iniisip ko eh. Paano ioorganize yung event at the same time makakalikom tayo ng pera para sa supplies nila" Win said pertaining to the animals na nasa kanilang pangangalaga. "Hindi naman mahirap magplan for an event. Thanksgiving ceremony lang ayos na, yung gusto ko sana makalikom din tayo ng konti" dagdag pa niya.
"How about this..." Gun said na inurong pa ang kanyang swivel chair patungo kay Win. "Magpa-auction tayo" sabi ni Gun na para bang isang bright idea yung nasa nasabi niya. Nangunot naman ang noo ni Win. "Auction? Ano naman ipapa-auction naten? Yung mga hayop?" Win said as he was confused by his friend's idea. "Syempre hindi no, so para saan pa yung nalikom nateng pera kung yung mga hayop lang din naman pala i-auction? Para na rin natin silang binenta kung ganun" sabi niya. "Eh anong i-au-auction naten?" nagtatakang tanong ni Win.
"No! Definitely not, Gun!" pagtutol ni Win sa ideya ng kanyang kaibigan. "Hinding hindi natin yan gagawin" dagdag pa niya. Gun rolled his eyes and crossed his arms before talking to his friend again para kumbinsihin ito.
"Look, Win. Kung gagawin natin yung auction, I'm sure maraming pupunta sa event and I am 100% sure na malaki ang malikom nating pera for the animals na nasa foundation. Diba yun naman ang goal naten? Yung makalikom ng funds na gagastusin natin para sa pag-aalaga ng mga animals at mga darating pa sa poder natin" pagpapaliwanag ni Gun. Nag-aalangan naman si Win kung papayag ba sa plano ng kaibigan o tatanggi. Para din naman ito sa mga hayop na nasa kanilang pangangalaga.
"Oh sige, ipagpalagay nating papayag ako jan sa auction na yan. Saan naman tayo makakahanap ng mga bachelors na papayag ipa-auction?" tanong ni Win. "Ako na ang bahala sa bagay na yan. Isusuggest ko ba yan kung wala akong bala?" sabi ni Gun sabay kindat pa sa kanyang kaibigan.
^^Sa kabilang banda^^
"Ano na maman ginagawa mo dito, Tawan?" tanong ni Bright na inangat lang sandali ang tingin upang tingnan kung sino ang pumasok sa opisina niya. "Syempre binibisita ka" sagot nito saka naupo sa kaharap na upuan ni Bright. "Here" lapag ni Tawan ng isang black na envelope sa mesa ni Bright. Ibinaba niya ang papeles na kanyang binabasa saka pinulot ang envelope at tiningnan.
"Ano to?" tanong ni Bright. "Isang charity event for homeless animals" sabi ni Tay. "At bakit mo ako binibigyan nito ngayon?" tanong ni Bright na nakay Tawan na ang nagtatakang tingin. "Because I want you to be there" nakangising saad ni Tawan. "And you think I'll attend? Why would I?" si Bright. "Of course you will. Dahil hindi ko pipirmahan yung document ko na nasa table ko ngayon na galing sa iyo kung hindi ka pupunta" sabi ni Tawan at tumayo na para umalis. "Isa pa, I sure mag-eenjoy ka dun. I'll attend din namin, need ko lang ng kasama kaya dinamay na kita" dagdag pa ni Tawan bago umalis, leaving Bright dumbfounded.
^^Founding Anniversary^^
Nakakunot ang noo ni Bright at halos magdugtong na ang kanyang kilay nang maipark ang sasakyan sa parking space nung address na nasa invitation. Hindi sana talaga siya pupunta eh, ano naman kase ang gagawin niya dito? Isa pa, he'll be participating in an auction later, then what? Pero dahil sa kaltok ng utak ng kanyang kaibigan na ginawang threar yung partnership ng kanilang kompanya sa kanyang bagong collection, walang magagawa si Bright dahil alam niya ang takbo ng utak ng kaibigan niya.
Bumaba siya ng sasakyan niya saka inayos ang kanyang suot na suit. Casual yung dresscode na nakalagay sa invitation pero dahil galing siya sa isang meeting, nakaformal siya ngayon. Mabango pa naman siya, always naman yun kahit hindi pa siya nagbibibis kaya okay lang.
BINABASA MO ANG
Bidding the Bachelor
FanfictionMultibillionaire and a bachelor B seems to be a perfect boyfriend/husband material for many men and women however he doesn't really do relationship for the reason na only him knows. Meanwhile Win is a simple vet that would cross paths with B because...