Chapter 7

71 2 0
                                    

Lumipas pa nga ang mga araw at buwan naging mas close pa si Devon at Sam pero hindi nila masabi kung ano ba talaga ang tunay nilang relasyon ang mahalaga sa kanila masaya sila kapag magkasama.Pero si Sam gusto nya na mas higit pa hindi nga nya lang alam kung pano nya sasabihin ito kay Devon.

Sam POV:Ang hirap naman hindi ko alam kung pano ko sasabihin kay Devon na higit pa sa pagiging magkaibigan ang gusto ko na maging relasyon namin.Habang tumatagal at nakilala ko ang totoo nyang ugali at pagkatao lalong lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya.Bakit kase may isang tao na sinaktan sya ng sobra kaya nahihirapan syang magtiwala at magmahal muli?HIndi ko na talaga kayang pigilan itong nararamdaman ko para sa kanya.Sure na naman ako na mahal na mahal ko na sya kaya handa akong magtapat sa kanya pero pano ko gagawin.Ang mas mabuti pa siguro yayain ko muna syang magdate kaming dalawa lang hindi kasama ang mga kaibigan namin.Sana pumayag sya sa imbitasyon ko na magdate kami.Puntahan ko na lang sya sa bahay nila para personal ko syang yayain.

Habang si Devon naman nag-iisip tungkol sa kanilang dalawa ng binata.Kase kahit anong tanggi nya alam nyang masaya sya kapag kasama nya ito.

Devon POV:Hindi ko alam ang iisipin ko sa aming dalawa ni Sam kase alam ko sa sarili ko sya na ang nandito sa puso ko.Pero hindi ko naman alam kung ako rin ba ang nasa puso katulad ng sinasabi nya sa akin palagi.Mahirap umasa sa isang bagay na hindi ka sigurado kung totoo o hindi.Basta ang alam ko napakasaya ko kapag kasama ko sya lahat.Hindi mababayaran ng kahit ano ang nararamdaman kong kaligayan kapag nasa tabi ko sya kase ramdam mo na special ka sa kanya.Pero hindi ko naman alam kung ang pagiging special ko sa kanya ay bilang special friend ba o higit hirap pa noh hayyyyyyyyyyyy pag-ibig nga naman oh!

Hindi nya alam na lumapit kas kanya ang kanyang ate Kaye kaya nagulat ito ng magsalita ito bigla.

Kaye:Ang lalim nun ah hindi ko kayang hukayin.

Devon:Ate nagulat naman ako sa'yo. (humawak sa kanyang tapat ng dibdib kase ang lakas talaga ng tibok ng puso nya sa sobrang gulat sa ate nya)

Kaye:Ang lalim kase ng iniisip mo kaya hindi mo namalayan na nandito ako.

Devon:Pasensya na ate may iniisip lang ako.

Kaye:Hulaan ko kung ano?

Devon:Sige nga ate hulaan mo?

Kaye:Parang mali ang tanong dapat hindi ako kungdi sino?Tama ba!?

Devon:Bakit mo alam ate?

Kaye:Ako pa kilala na kita simula bata kaya alam ko kung may gumugulo sa isip mo o wala.Sabihin mo man sa akin o hindi si Sam ang gumugulo sa isip mo.

Devon:Hindi ko naman itatanggi ate tama ka si Sam nga ang gumugulo sa isip ko.

Kaye:Alam ko na kung bakit sya ng gumugulo sa isip mo.Iisa lang naman ang magiging dahilan kung sakali naiinlove ka na sa kanya o sa madaling salita mahal mo na sya.Bunso walang masama sa nararamdaman mo sundin mo lang ang puso mo kase alam ko at nararamdaman ko na pareho lang kayo ng nararamdaman ni Sam.Naghihintay lang siguro sya nag tamang oras at panahon para masabi nya sa'yo ang totoo.Huwag ka lang mawalan ng pag-asa makakamit mo din ang totoong kaligayahan sa piling ng taong mahal mo.

Devon:Salamat talaga ate kase nandyan ka palagi para sa akin.Tama ka ate mahal ko na nga sya hindi ko napigilan ang puso ko na hindi sya mahalin kase nakita ko sa kanya lahat ng katangian na gusto ko sa isang lalake.Ginawa pati nya lahat para mapasaya ako maski alam walang kasiguruhan kong mamahalin ko rin sya hindi talaga sya napagod sa akin.Kaya siguro nahulog na rin ang loob ko sa kanya kase sobrang bait nya at maunawain sa lahat ng bagay.Sana nga sya na ang para sa akin at pareho lang kami ng nararamdaman para sa isat-isa.

Please Be Careful With My Heart ( SamVon )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon