𝗥𝗮𝘄 𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 3

79 5 0
                                        

Taliana

Pagkatapos namin kumain ay nagsibatan ang lahat sa kanilang naka- schedule na trabaho. Maliban saakin na sumunod kay warden papasok sa kanyang opisina.

Siguro ay sasabihin niya kung ano ang nakatakdang trabaho para saakin. Sana naman ay hindi ito mahirap gawin. Kung mahirap man, wala akong magagawa dahil wala akong karapatang magreklamo.

Namangha ang mga mata ko pagkapasok sa kanyang opisina. Hindi tulad ng selda ko ay perpektong napinturahan ang buong paligid ng kulay kremang pintura. May iba't-ibang nakasabit sa dingding tulad ng mga frames ng mga hindi ko kilalang tao. Mayroon din siyang book shelf na may naglalakihang iba't-ibang uri ng libro.

Pinasadahan ko ng tingin si warden na ngayon ay perpektong nakaupo sa kanyang narra'ng mesa. Nakahalukipkip ito habang pinapanood ako. Tumayo ako ng tuwid at hinarap siya.

"Ano pong ipapagawa niyo saakin?" Maalumanay na tanong ko. Hindi siya sumagot bagkus ay naglakad ito palapit saakin. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"You smells like a rotten fish." saad niya na may disgusto sa mukha. Inamoy ko naman ang sarili ko at doon ko napagtantong hindi pa pala ako naliligo ng dalawang araw.

Nahihiya ko siyang tinignan.

"Hindi pa po ako naliligo simula ng mapunta ako dito," aniya ko.

Wala akong mga gamit na pamalit. Wala kasing naghatid ng gamit saakin kahit ni isang pares lang sana. Kinalimutan na ata ako ng tinuturing kong pamilya.

Narinig ko siyang suminghal ng malalim at naglakad papunta sa isang narra'ng cabinet dito sa office niya. Binuksan niya iyon at may hinalungkat at may inilabas na isang box.

"Come here." Aya niya. Lumapit naman ako roon at pinagmasdan ang laman ng box na inilabas niya.

"These are women's clothes. Look for some descent clothes that fits you."

May pambabae pala siyang mga damit?

"Sainyo po ba 'to, warden?"

Tanga naman ng tanong mo Taliana. Malamang hindi. Naghahanap ka lang ata ng ikakapahamak mo.

"You kidding me?" Tumaas ulit ang makapal niyang kilay. Pilit akong ngumiti.

"No po. Nagtatanong lang kung bakit may mga damit kang pambabae dito?"

Hindi ko alam kung ano ang hinahanap kong sagot. Basta't alam ko lang na gusto kong malaman kung kanino ang mga damit.

"Can't you just do what I'm asking you? Don't meddle things and ask for questions."

Hindi nalang ako umimik at naghanap ng damit na pwede kong suotin. Kaso, wala akong makitang underwear.

"W-wala pong underwear sa box."

Ayoko namang mag-shorts na walang panty. Di ako sanay.

Suminghal siya ulit ng malalim, halata ang sa gwapo niyang mukha na naiirita na siya sakin.

"Fvcking nuts!" Mahina niyang pagmumura at nagmartsa sa isa pang pinto sa loob ng office niya. Baka iyon ang kwarto niya.

Ilang sandali lang ay lumabas din siya agad dala-dala ang dalawang kulay itim na boxer shorts.

"Use this and take a shower already. You're pissing me off." Matigas niyang turan at naupo sa kanyang upuan, nangalikot ng mga papel sa kanyang mesa.

Ayoko na sana siyang distorbuhin kaso ay hindi ko alam kung saan maliligo.

"Saan po ang CR?"

Naalala ko kasing wala akong sariling cr sa selda ko. Hindi katulad ng mga kalalakihan na may sariling palikuran sa kani-kanilang kulungan.

WARDEN'S PETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon