Part 7
Binato ko ng pillow si Zay. He was still laughing. Really? Nagagawa talaga nilang tumawa matapos ang ginawa nila?
“Fuck you, Mico! Ang sakit ng sapak mo!” Rafael hissed while putting ice to his bruise.
Mico laughed. “Sorry, ah!”
“Ulol ka! Gago, ang sakit!” Masama ang tingin ni Rafael kay Mico.
“Tarantado ‘tong si Zay! Ang lakas ng sapak mo sa akin!” Harvey threw his bag “Mahina lang ginawa ko sa ‘yo, hayop ka, tapos sa akin, sobra?!”
“Sorry naman! Humingi ng tulong si Edmark, e, alangan namang hindi namin tulungan? Tsaka, trip lang ‘yon.” Zay was trying to explain while laughing.
“Pangit ng trip mo—niyo! Nadungisan pa ang mukha ko!”
They are laughing so hard. Kung hindi pa ako nagsalita, hindi sila titigil. Napailing ako dahil sa ginawa nila.
“You guys are really shit, ako talaga sasapak sa inyong mga lalaki if ever nadamay si Darlene kanina.” Halos mamatay na sila sa talim ng tingin ko.
“U-Umalis naman kami agad, Nix!” Palusot pa ni Mico. “Bro, ‘di ba?” He looked at Ivan.
Kinasa ko ang baril na nadampot. Ang lahat nang sumugod kanina sa School ay napalunok. Wala namang pakialam si Gianna.
“Even so!” Inangat ko ang baril. Lumayo sila nang konti. “Ano bang ginagawa niyo do’n?” Tinutok ko ang baril kay Mico.
“You even slapped Patricia, Gia!” Rafael glared at Gianna. “She is my girlfriend!” Tumaas ang tono niya.
Walang sumabay sa galit ni Rafael. Hindi rin sila nagtangka umawat sa pag-sigaw niya.
“I know! Pasensya na! It’s part of the act lang naman, Raf!”
“Part of the act,” Rafael is still pissed about what happened. “You should be thankful because I know you, dahil kung hindi… I probably shoot you now!”
Natahimik si Gianna. She was too scared. Kilala rin naman niya si Rafael kaya alam niyang hindi ito nagbibiro.
“Kasalanan talaga ‘to ni Darius, inutusan kami,” sabi ni Mico.
Natawa ang mga kaibigan niya sa hindi ko malaman na dahilan.
“She just want to make sure na ayos lang ang kapatid niya,” Gavin, one of my friend, suddenly spoke. “Tsk, siya talaga dapat sisihin.” Natawa rin siya.
Pwede naman kasing magtanong sa Papa niya, right? Talagang pupunta pa sa School para lamang manggulo? Sometimes, mali rin ng paraan ‘tong si Darius.
Bobo siya sometimes.
“Pero ewan ko ba kay Darius, gusto i-secret. E, obvious naman na magkapatid sila. Ayaw niya siguro na malapit kayo ni Darlene, Nix?” Nginisian ako ni JP.
“Late ka na sa balita, JP! Close na sila ni bebe!”
Ah, damn it.
Tinakpan ko ang tainga dahil sa mga walang kwenta nilang sinasabi.
Walang dahilan para itago ‘yon ni Darius. Sadyang malakas lang ang tama niya.
Tumayo ako para pumunta sa loob ng conference room. I saw Darius sitting on the swivel chair, in the middle of long table.
He ignored my presence, continuing what he’s doing. Hindi ko rin siya pinansin. Dumiretso ako sa isang upuan.
Dinukot ang phone sa bulsa. I was checking Darlene. Baka hindi niya ginagawa ang paalala ko.

YOU ARE READING
TGIWS: Phoenix Ryler Velasquez's POV (Complete)
Roman pour AdolescentsShe's the girl that I want to spend my life with. She's the one who's making me damn crazy. She's Darlene Michelle Miranda.