Obvious (Tagalog Ver.)

18 1 0
                                    

Nakatayo ako ngayon sa harap ng mahigit dalawampung libong mga tao ngunit isa lamang sa kanila nakatuon ang aking atensyon.

Nasa 'di kalayuang hanay ng mga upuan naka-puwesto ang babaeng matagal ko nang minamahal.

Habang nakatingin sa kanya, "I dedicate the next song to the one I love", wika ko.

Sa pamamagitan ng hawak-hawak kong gitara, sinimulan ko na ang pagtugtog ng mga chords ng kanta.

Pagkatapos ng intro nito, nag-simula na ako sa pag-awit ng mga lyrics ng kanta.

We started as friends
But something happened inside me♪

Magkaibigan lamang tayo noon nang maramdaman ko na ang inaakala kong paghanga lamang ay pag-ibig na pala.

♪Now I'm reading into everything
But there's no sign you hear the lightning, baby ♪

Dahil nagka-gusto ako sa iyo, 'di ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Paano kung pareho pala tayo ng nararamdaman?

Dahil sa mga ngiti mo, minsan ay naiisip ko na iyan ba ay nagpapahiwatig rin ng pagmamahal mo para sa akin.

Dahil sa mga oras na inilalaan mo na kasama ako, napapaisip ako kung gusto mo talaga akong makasama dahil mayroon ka ring lihim na pagtingin sa akin katulad ng pagtingin ko sa iyo o baka nagkakamali lamang ako.

♪You don't ever notice me
Turning on my charm
Or wonder why I'm always where you are♪

Palagi tayong magkasama noon. Madalas rin akong palihim na nagpapapansin sa iyo ngunit tila ba'y 'di mo pa rin maintindihan na may gusto ako sa iyo.

Minsan sunod nang sunod rin ako sa iyo kahit nag-aaral ka sa library para sa pagsusulit ninyo sa susunod na araw. Madalas pa nga ay nakukulitan ka pero hinahayaan mo nalang ako dahil 'di rin naman ako umaalis sa tabi mo.

Hindi ka ba nagtataka kung bakit lagi akong sunod nang sunod sa iyo? Hindi ba dumaraan sa iyong isipan na ang rason kung bakit gusto kitang makasama 'lagi ay dahil mahal kita nang higit pa sa pagkakaibigan na mayroon tayo?

♪I've made it obvious
I've done everything but say it♪

Alam kong torpe ako kaya 'di ko masabi ang aking nararamdaman para sa iyo pero sana nadarama mo ito sa mga ginagawa ko para sa iyo.

Naaalala mo pa ba na taon-taon kitang nireregaluhan ng iba-ibang merchandise ng Westlife dahil paborito mo ang boy band na ito?

Naaalala mo pa rin ba na binibigyan kita ng mga rosas at tsokolate sa araw ng mga puso?

Siguro halata naman sa mga kilos ko na gusto kita pero mukhang 'di mo talaga ito madama.

♪I've crushed on you so long, but on and on you get me wrong♪

May mga pagkakataong napapagkamalan tayo ng mga kaklase at iba pa nating kaibigan na boyfriend mo ako at girlfriend kita ngunit todo deny ka naman.

May isang beses na sinakyan ko ang trip nila at sinabi sa iyo ang mga katagang "Shayne, may gusto ako sa iyo."

Hindi mo naman masyadong binigyan ng pansin ang sinabi ko at tinawanan mo lang ito. "'Wag ka ngang magbiro", iyan ang pabalik mong sinabi sa akin.

♪I'm not so good with words♪

Mas lalo pa akong naging torpe dahil hindi mo sineryoso nung minsan kong sinabi sa iyo na gusto kita.

♪Since you never noticed
The way that we belong
I'll say it in a love song♪

ObviousWhere stories live. Discover now