[The Fool] 02 - Engr. Aman vs Arch. Aman

2 1 0
                                    

"Maniwala ako sayo!" Sigaw ni Mariel. Kakarating palang niya at nagiging sirena na naman siya. "Mark, ikaw mas nakakakilala dito. Nasabi ba si Aman ng totoo?"

"Teka, tignan natin." Inilapit ni Mark ang mukha niya sakin. Nagdikit pa ang ilong namin kaya napalayo ako kaagad. "Oo eh. Nagsasabi siya ng totoo." Napabunganga nalang si Mariel at tumabi sakin.

"Sabi na nga ba planado mo eh! Grabe ka, hindi ka man lang nagsasabi, duma-damoves ka na pala!" Agad kong pinatahimik si Mariel para hindi marinig ng mga kaklase ko. Baka mamaya't malaman nilang lahat at mapahiya pa si Dian.

"Hindi ko nga planado, peksman!" Sagot ko sa kanya. "Basta nangyari lang, ganun." Hindi ko rin mapiligian ngumiti, kaya lalo akong inasar ni Mariel at Mark. Dumating na si Dian, at dumiretso siya kaagad sa pwesto niya. Sa pinakasulok sa harapan, katabi ng bintana. Pero bago siya umupo, ngumiti muna siya sa akin. Doon na nanlaki rin ang mga mata ni Mark.

Bago magsimula ang klase, nauna munang pumasok ang guidance counselor sa classroom. Ibinalik niya sa amin ang mga survey namin at inipresenta sa amin ang pag iskor rito. Marami saming natuwa, maraming kinabahan, at kaunti ang nanlumo. Isa na ako sa mga nanlumo, dahil inaakala ko sanang Engineering ang lalabas na resulta sa akin. Dalawang beses ko pang chineck ang papel ko para makasigurado, pero iyon parin ang resulta na lumalabas.

"Aman, anong sayo? Sakin I.T parin." Tinanong ni Mark. Binigay ko nalang sa kanya ang papel ko. "Architecture? Edi magkakasama kayo ni Mariel kung sakali?" 

"Weh?! Patingin nga!" Tuwang-tuwang kinuha ni Mariel ang papel ko. "Oo nga no! Eh matagal mo nang gusto yan diba? Dati palang lagi ka nang nadrawing ng mga building eh." Ngumiti lang ako sa kanila. Pagkabalik ng papel ko, tinignan ko pa kung anong scoring ko para sa Engineering, kaso ang layo eh. Ang sumunod sa Architecture ay Education. Sa itsura kong 'to, pagtatawanan lang ako ng mga estudyante. Natapos ang mga pang-umagang subject namin at nasa canteen na kami. 

"Aman, parang biglang nawala yata ang saya mo ah. Ten o'clock palang oh uwing-uwi ka na?" Tanong ni Mark. "Tungkol ba dun sa resulta mo sa survey? Diba gusto mo ng Architecture? Anong problema?"

"Parang hindi ko kasi kaya eh." Sagot ko sa kanya. "Magkano rin yung mga gamit para doon. Tsaka saan naman ako maga-apply next year?" 

"Si Mariel sa *TUP mag-aaral. State-university kaya walang tuition, tapos magpapascholar pa siya sa *DOST. Nakita mo naman kung gaano kasaya si Mariel nung nalaman niyang Architecture yung top 1 score mo sa survey diba?" Sagot ni Mark. "Ano ba talagang problema?"

Hindi na ako nakapagpigil pa kaya sinabi ko nalang rin sa kanya. "Iniisip ko lang na mag Engineering ako, kagaya nung tatay ko. Siyempre siya magpapa-aral sakin. Nakakahiya naman sa kanya kung madisappoint ko siya sakaling mahirapan ako sa Architecture." 

"Pre, hindi mo nga gusto sa Engineering tapos sa Architecture ka pa mahihirapan?" Tugon ni Mark. "Desisyon mo naman yan. Pero ilang buwan nalang fourth-year highschool na tayo. Kailangan mag-isip ka na kung ano ba talaga kukunin mo." Payo sakin ni Mark. Dumating na si Mariel galing sa banyo. "Mariel, ayaw yatang mag Arki ni Aman."

"Ha?! Bakit?" Laking gulat ni Mariel. "Eh nasa top 1 score mo 'yon diba? Tsaka matagal mo naring gusto yon eh." Ipinaliwanag ko ulit kay Mariel kung bakit nag-aalangan ako sa Arki.

"Kaya ayon. Tsaka isa pa, hindi ba magseselos is Jherry kung magkasama pa tayo hanggang college?" Tanong ko sa kanya. Namula agad ang pisngi ni Mariel.

"Ano ka ba, nanliligaw palang naman siya eh. Tsaka kung talagang seryoso siya sakin, hindi siya magiging paranoid ng ganun, lalo na nasa ligawan phase palang naman." Hindi maitago ni Mariel ang kilig niya. May habit pa siyang lumalaki ang butas ng ilong kapag kinikilig. 

It Started With ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon