Ito siguro yung araw kung san lahat ng mga inlove ay sobrang saya. Pero para sa mga single at sawi to yung pinaka susumpa nilang araw, yung tipong matutulog na lang sila buong araw para lang di mamalayan na tapos na pala yung valentine's day, yung iba naman papasok sa school o trabaho na parang normal lang di special day kumbaga "Patay Malisya" o yung iba naman nandun sa sulok nagmumukmok at umiiyak dahil ito yung pinaka malungkot na araw dahil ito yung araw na lubos silang nasaktan ng pinaka-importanteng tao para sakanila.
Cluesha is the name, 3rd year college nako graduating nako next year :))) "Ishaaaa!" nagulat ako biglang may tumawag ng pangalan ko, si Jeff lang pala yung Bestfriend kong baliw. Si Jeff yung classmate ko since 3rd Year High School sa totoo lang sawang-sawa na talaga ako sa mukha niyan eh! isipin mo ba naman 5 years ko na siyang ka-klase. Pero sa totoo lang mabait naman talaga yan eh may pagka-sira ulo nga lang, pero kahit ganyan yan pag nagmahal yan Sagad na Sagad. Lahat ng efforts gagawin nyan mapasagot ka lang, yung tipong hindi kana makaka-hindi sa lahat ng mga ginagawa niya. Kaya ang daming babaeng nagkakagusto dyan eh! At isa nako dun.... Pero sa lahat ata ng babae ako lang ang hindi nagpapakita ng feelings sakanya, Ang hirap din pala ng ganto no? yung hindi mo masabi o maiparamdam man lang yung nararamdaman mo para sa isang tao.
"ishaaaa!" sigaw ni Jeff, "oh?" sagot ko. "Tulungan mo naman ako na manligaw kay Jessie." sabi niya, "ba't ko naman gagawin yun?" sagot ko sakanya. "dahil bestfriends tayo! Pleaaaasseee?" sabi niya, Syempre di naman ako makatanggi dahil yung taong mahal mo nanghihingi ng tulong sayo, syempre wala ng paligoy-ligoy pa. "O'sge na nga" sagot ko. Kinabukasan nag-plano na kagad kami ni Jeff ng gagawin, nagtanong siya kung ano ba ang gusto ng mga babae at sinabi ko naman kung ano sa tingin ko yung tama. Noong unang araw ng panliligaw ni Jeff ay nakita namin ang tuwa sa mga mata ni Jessie kaya't ganun na rin ang pagkatuwa ni Jeff. "Ano ng plano naten bukas?" tanong ni Jeff sakin. "Ewan ko? Ayoko na.." sagot ko. "Anong ayaw mo na? kala ko ba tutulungan mo ko?" tanong niya muli sakin. "Eh.. Basta ayoko na..." sagot ko sabay alis. Dun ko lang naramdaman yung sakit, masakit na makita yung taong mahal mo na may minamahal nang iba yung tipong harap-harapan mong nakikita na masaya sila habang ikaw kunyaring masayang-masaya para sakanila pero sa totoo ang sakit sakit na.
FEBRUARY 14, 2012 Ang araw ng mga puso, nabigla ako at may nakita ako na banner na nakalagay "Will you be my girlfriend? - Jeff" at ang tugon ni Jessie ay isang malaking "OO" Pakiramdam ko gumuho yung buong mundo nung nakita ko na masayang masaya yung taong mahal ko dahil sa wakas sinagot na siya nung babaeng mahal niya. Ang sakit sobrang sakit, di ko man lang nasabi yung nararamdaman ko para sakanya at ang pinaka masaklap eh yung kahit na sabihn ko wala siyang pakialam dahil may Jessie na siya. Pag uwi ko derederetso akong pumunta sa kwarto ko at humiga sa kama at umiyak ng umiyak hanggang sa mabawasan yung sakit na nararamdaman ko kahit konti lang, pero hindi pa din sapat eh! *Phone vibrates* may nag-text si Jeff pala binasa ko yung message "Hi isha, musta na? sorry kase ngayon na lang ulet ako nakapag-text naging busy kasi ako this past few days kase pinaghandaan ko yung panliligaw ko kay Jessie. Pumasok ka ba kanina? Ba't di kita nakita? May good news ako sayo... Sinagot na ko ni Jessie, sobrang saya ko nga eh! kulang na lang tumalon ako kanina sa sobrang tuwa eh!" Di ko alam kung nong ire-reply ko, dko alam kung matutuwa o malulungkot ba ako dahil sinagot na siya ni Jessie kaya nag-reply ako sakanya.
"Hello Jeff, long time no see at no text ah! okay lang ako. Oo, pumasok ako kanina nkita ko nga yung panliligaw mo kay Jessie eh! Masaya ako para sayo, sana magtagal kayo at ingatan mo din si Jessie. Kapag nagkaroon kayo ng problema solusyunan mo kagad huwag mo pabayaang magtagal yung pag-aaway niyo. Iparamdam mo na mahal na mahal mo siya, huwag kang mag-alala nandito lang naman ako eh alam mo naman na isang text at isang tawag mo lang nandyan na kagad ako mas mabilis pa sa alas-kwatro. Daig ko pa si Flash kung mag-ayos ng mga kaylangan mo at mas lalong mas matigas pa ang puso ko sa bato huwag lang maiparamdam na sobrang sakit para sakin na makita ka na magmahal ng iba dahil sa totoo lang pinipilit ko na maging masaya para sainyo kahit man lang sa panaginip hindi ko inaasahang magpanggap ng ganito yung pakiramdam na wala akong magawa, di ko kayang mag-selos dahil hindi mo naman ako mahal at mas lalong wala akong karapatan dhil hindi naman tayo. Kaya ang tanging hangand ko lang ay sana maging masaya kayong dalawa."
Ngayong February 2013, Madami na naman ng single at sawi sainyo ang tiyak na ume-emote sa mga oras na to... kanya kanyang patama sa twitter at facebook at yung iba sa tumblr pa. Sa lahat mga Single at Sawi, sana ay matuto tayo na pahalagahan ang mga tao sa ating paligid at tandaan na hindi sapat na iparamdam minsan kaylangan din naten sabihin malay mo may pag-asa nahihiya lang din siya na sabihin sayo ang nararamdaman niya. Okay lang na may maramdaman basta alam natin ang hangganan.
BINABASA MO ANG
Valentine's Day
Teen FictionLahat siguro ng tao, pinangarap na balng araw may mag-bigay ng bulaklak o chocolates man lang sakanila pag dating ng Valentine's Day. Yung iba nga minsan batiin lang ng mga crush nila buo na yung araw nila. Pero pano pag hindi yun yung nangyari sayo...