EMBRACE SERIES 1: Scenery of the Waves

204 4 0
                                    


Disclaimer:
                    
This story is a work of fiction. Names, characters,and events are either products of the author's imagination or are use fictiously. Any resemblances to actual events, locales,or persons, living or dead, is entirely coincidental.

All Rights Reserved.
No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written premission of the author, except where permitted by law.

Plagiarism is a crime ✔️

......

There are few chapters with mature themes. Read at your own risk.🙆

CONTENT: SPG IS NOT ALLOWED BELOW 🔞📌
This are grammatical error and unedited story. Fell free to leave if you don't want this kind of stories.

_____________________________________

Isang masarap na simoy ng hangin ang humampas sa mukha ko ng pagkabukas ko ng pinto ng bahay namin. Makikita ang magagandang tanawin,ang makukulay na paligid,mga naghuhunihang ibon at ang dalawang taong pinahahalagahan ko na masayang nag kakape sa aming bakuran.

"Heidi apo halika mag almusal kana rin. Mukang napagod ka sa pagpipitas ng mga mansanas kahpon kaya naman hndi kana namin ginising pa ng Lolo mo kagabi para maghaponan." My Lola is the sweetest Lola's ever. Nakangiti ito habang nagsasalita. "Kumain kana at kagabi kapa walang kain, saluhan mo kami ng Lola mo." Tahimik at kagalang galang naman tingnan ang Lolo ko.

Sapat na sakin ang simpleng pamumuhay dito sa probensya   masaya ako sa piling ng aking mga Lolo at Lola na nag aalaga sakin simula nung sampung taong gulang ako. Namatay ang aking Ina sa pagkakapanganak sakin at nung sampung  taon naman ako ay namatay rin ang aking ama dahil sa pagliligtas sa isang batang lalaki na muntik na raw masagasaan at sa kasamaang palad ang aking ama ang nasagasaan dahil itinulak nito ang batang lalaki.

Masakit at mahirap ang mawalan ng magulang kaya naman itinutuon ko nlng lahat ng attention ko sa aking Lolo at Lola. Tumutulong ako sa kanila sa pag aani ng mga prutas na pagmamay ari ng pamilyang Almanzor. Mayroon itong malawak na hacienda at malawak na sakahan na puno ng mga panananim na iba't ibang klase ng prutas.

Ang Lolo at Lola ko rin ang care taker ng malaking mansion ng pamilyang Almanzor. Lagi akong sumasama sa kanila sa tuwing wala akong pasok sa school. Isang akong g-12 student dito sa aming lugar. Hindi madalas na dumadalaw ang mga Almanzor sa kanilang hacienda isang beses lang sa isang taon kaya naman mga katulong at tanging sila Lolo at Lola lng ang makikita sa mansion. Dun din ako minsan gumagawa ng assignment at project sa labas ng veranda pag sumasama ako kila Lola at Lolo sa tuwing nililinisan nila. Mabilis lang nila itong nalilinis dahil may mga katulong naman na naglilinis nito araw araw, isa sa isang buwan nag g-general cleaning ang Lola at Lolo.

"Gusto mo bang sumama mamaya sa mansion ng mga Almanzor apo? Maglilinis kami dahil tumawag kahapon si Señorito Grey na dadalaw daw rito ang pangalawa niyang kapatid na si Señorito Brock upang mamalagi ng ilang buwan." Magiliw na sabi ng Lola . Nagulat pa ako dahil ni isang beses ay diko pa nakita ang isa sa mga anak ng Señorito Gab at Señorita Irha.

Ang sbi ng Lola ay si Señorito Grey lang daw ang pinanganak dito ng Señorita at ang dalawa nitong anak na lalaki ay sa maynila na pinanganak. Tatlong lalaki ang anak ng Señorito at Señorita. Pero hindi ito dumadalaw dito. Tanging si Señorito Grey lang ang madalas na dumalaw pero sa tuwing dumadalaw ito ay may pasok naman ako sa school kaya hndi ko ito nakikita. Ang kwento ng Lola ay ang babait daw ng mga anak ng Señorito at Señorita.

"Sige po Lola dahil gusto ko rin po pumunta sana ng talon upang mamasyal." Ngumiti ako ng matamis sa kanila. Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at dahan dahan na hinaplos. "Napakagandang bata bukod pa ron ay namana mo saiyong ina't ama ang mapuputi at makikinis mong balat. Maliit at matangos na ilong, labi, at mukha naman saiyong Ina. Namana mo rin saiyong ama ang magagandang biloy sa magkabila ng iyong pisngi." Malungkot na sbi ng aking Lola . Nag aalala ako kung minsan sa kanila dahil alam kong sa tuwing nakikita nila ako ay naalala nila ang aking Ina na kanilang anak na yumao na ng dahil sakin. Ngunit ni minsan ay hndi ko naramdaman na may namutawing galit sa kanilang puso. Inalagaan nila ako ng maayos at pinalaki ng tama na ipinagpapasalamat ko ng walang sawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EMBRACE SERIES #1  Scenery Of  the WavesWhere stories live. Discover now