liza bumangon kana jan. Wala ka nanamang nagawa buong araw” sigaw sa akin ni mama habang natutulog ako.
Araw araw nalang syang ganyan sa akin. Tinatratong parang isang kasambahay, hindi pinapayagang magpahinga kahit ako naman gumagawa lahat ng gawain.
“Ma pagod pa po ako” mahina kong saad
.
“Ang tamad mo talagang bata ka. Bobo kana nga tamad kapa” pang iinsulto nitoHindi ko na natiis pa ang ingay ni mama kaya bumangon nalang ako kahit subrang pagod pa.
Bumaba ako para kumain at nang buksan ko ang kaldero ay wala ng natira para sa akin.“M-ma? Bat di nyopo ako tinerahan?”
“Abah ang lakas naman ng loob mong mag reklamo, ikaw na nga tong matagal gumising eh” saad ng ate ko
“Wag ka nalang mag reklamo jan liza mag luto ka nalang ng pagkain mo”
Napabuntong hininga na
lang ako dahil sa asal nila. Nasasanay nadin naman ako
___
Pumasok na ako sa pa aralan at kasabay ko ang boybestfriend ko. Nakita ko sa gilid ng canteen ang aking ate habang tinitingnan nya ako ng masama.
Hindi ko nalang ito pinansin at patuloy lang sa pag lalakad.liza this is your report card. Hindi ko akam kung anong nangyayari sayo ang dami mong line of seven! Last year ang lalaki ng grades mo” saad ng aming sir na ikinagulat ko
“Dahilan na siguro ito ng pagka stress at pagiging kulang ko sa oras para mag aral, kasi nilalaan ko nalang ang oras ko sa paglilinis ng bahay para hindi mapagalitan o masigawan” bulong sa sarili
Habang nag lalakad ako pauwi ng bahay ay di ako mapakali at sobrang kabado dahil alam ko sa sarili ko na magagalit sa akin sina mama.“Ano tong nabalitaan kong nakikipag landian kana?” Bungad na tanong sa akin ni mama kahit kakapasok ko palang ng bahay.
Agad kong itinago sa likod ang aking report card ngunit nakita nya padin ito
“Ano yang tinatago mo sa likod mo?” Tanong nito habang sinisilip
“Akin na yan” hablot nito
“Ma wag” huli na nung mapigilan ko sya dahil nakita na nya ang report card ko
“Ano yan liza? Bakit poro bagsak ka?” Galit na galit na tanong nito
“Kasi po….” hindi ako natapos sa sasabihin dahil bigla nya akong sinampal dahilan para tumagilid ang muka
“Hindi mo na nga na aalagaan ang pag aaral mo lumalandi kapa, isa kang malaking kahihiyan sa pamilya natin. Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo?” Panenermon nito
Hindi ko na napigilan ang pag agus ng aking mga luha
“Isa pala akong kahihiyan sa pamilyang to ma? Bakit? kahit ano namang gawin kong maganda hindi kayo nagiging proud sa akin. Kahit anong sakripisyo ang gawin ko basura parin ang tingin mo sakin. Kaya nga ganyan kaliit mga grades ko dahil mas inuuna kopa kayo keysa sa pag aaral ko. Pero wag kang mag alala ma darating din ang panahon na magiging proud kayo sa akin” sumbat ko sa kanya habang patuloy sa pag iyak.
Magsasalita pa sana si mama ngunit tinalikoran at tinakboan ko na sya.
_____
“liza bumaba ka dito, yung ate mo kailangan nating dalhin sa hospital” sigaw ni mama mula sa baba
Agad naman akong bumaba para tulongan si ate na maka punta sa sasakyan at maidala sa hospital.
“M-ma nahihirapan akong hu-huminga” putol putol sa saad ni ate
“Ate wag kanang mag salita dadalhin ka namin sa hospital”
Nang madala na namin ito sa hospital ay nalaman namin mula sa doctor na malala na ang kalagayan ni ate at kailangan nya ng maoperahan.
“She’s in a critical situation. Kailangan nyong maghanap ng donnor para sa kanyang baga” tanging saad ng doctor
Napa upo si mama mula sa kina uupoan habang umiiyak.
“Ma wag ka nang umiyak”
“Manahimik ka! Sana ikaw nalang yung na hospital eh” galit na nabitawan ni mama ang mga masasakit na mga salita.
“Wag kang mag alala ma, ako na po ang mag do-donate para kay ate”
Nakangiti kong saad habang tumutulo ang mga luha
Agad na isinagawa ng mga doctor ang operasyon, at kasalokoyan kaming andito sa operating room.
“Ate magiging ligtas kana” mahina kong nabitawan ang mga salitang iyun habang tinitingnan sya.
“Alam ko sa sarili kong hindi na ako mabubuhay”
“Sana maging proud kana sa akin ma” naka ngiti ako, habang sinasabi ang mga huling salita bago sinimulan ang operasyon
ms araneta ang anak ninyo pong si liza death 30minsend