28 | N

5 0 0
                                        


LYSEN's

ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ

"Akala ko ba hindi ka mahilig sa larong 'truth or dare'?" mahinhin kong tinanong si Vinna habang patuloy na pinagmamasdan at hinahangaan ang mga ibon na lumilipad at mga ulap na nananatili sa bisig ng kalangitan sa hapon. Kahanga-hanga ang mga gusali na natatanaw mula rito sa roof top ng kumpanya nina Vinna. Halos matuwa ako sa kaisipan na makita ang mga gusali sa gabi dahil paniguradong maganda at maliwanag ang tanawin sa gabi.



Kasalukuyang kumakain kami ng ice cream dito sa roof top habang nilalanghap ang malakas na hangin na sumasalubong at yumakapag sa aming dalawa. Wala na masyadong sasakyan na dumadaan kaya masasabi kong sariwa na hangin na ang nilalanghap ko.



"Hindi naman talaga." taos-pusong sagot ni Vinna bago ako lapitan at samahan sa paghanga sa tanawin.



Bukod sa ingay ng busina mula sa mga sasakyan, wala na akong marinig kundi katahimikan. Malapit kami sa isa't-isa. Halos magdikit na ang aming mga balat sa ilalim ng nakakatunaw na sinag ng araw ngunit dama ko ang katahimikan na kanina pang nakikisali sa amin. 



Kadalasan ay hindi ako mapakali sa tahimik na lugar. Hindi ako sanay tumabi sa taong walang balak sabayan ang ingay na tinataglay ko. Gano'n ang tipo ng katahimikan na gusto kong iwasan.. katahimikan na nakikisali sa amin ngayon.



Pero bakit natutuwa ako sa katahimikan na 'to?  Tanong ko sa sarili ko. Kaduda-duda ang kinikilos at nararamdaman ko lalo na't ngayong kasama ko ang babaeng nakilala ko sa isang simpleng laro. Hindi namin gaano kilala ang isa't-isa pero nakakaramdam ako ng saya sa katahimikan na pumapagitan sa aming dalawa.


This is a comforting type of silence. A silence that I refuse to loathe, a silence I felt as I met her eyes. 

It is my type of silence.



"Pero nakikipaglaro ka 'pag bag ang kapalit." pang-asar ko sa kanya at pilit na nilabanan ang hiya na nararamdaman para mapahaba pa ang usapan. Umurong ang kalokohan na tinataglay ko dahil gusto kong maganda ang first impression niya sa 'kin. 'Yung tipong mamimiss niya ang katinuan ko sa araw na maipakita ko na sa kanya ang mga kalokohan ko. 



"Hindi rin," matipid nyang sagot sabay tawa nang marahan. 'Yung tipong tawa na parang nagsisilbing musika sa tainga ko. Tawa na gusto kong ipagdamot dahil napaka-ganda nito. "I'm not expecting Maji na tumupad sa usapan. Tatakasan niya lang ako, like always." pailing-iling na sagot niya.



"Kung alam mo na tatakasan ka lang niya, bakit ginawa mo pa 'yung dare?" muli kong tinanong.



Tatlong minuto na ang nakalipas ngunit katahimikan lang ang naririnig ko bilang sagot niya. Kaya naman unti-unti ko syang nilingon at natagpuan ang ngiti nyang nakakasilaw.



"I guess I wanted to use the bag as an excuse to be with you in a place where no one else can enter but me." mahinhin nyang sagot sabay tawa ulit. Halos masabayan ko na rin tuloy ang tawa niya. Nakakahawa eh, ang ganda pa. Tanginang tawa 'yan, parang musika sa tainga.

Tahan || AL SeriesWhere stories live. Discover now