CHAPTER 1

25 2 0
                                    

First day of school year

Kring ...krrrriiiiinngggg (tunog ng alarm clock)

Aisshhhh ano ba alarm clock inaantok pa ako eh istorbo ka naman eh (sabay kuha ng alarm clock at tinapon)

"ano ba Jianne tinapon mo nanaman yang alarm clock mo pang ilan na ba yan ha lagi mo na lang tinatapon,bumangon ka na riyan at baka malate ka pa sa pag pasok. Bumaba ka na dito at ako'y nakapag handa na ng almusal mo" sigaw ni mama mula sa kusina

Wala na akong nagawa kundi tumayo dahil kilala ko si mama di titigil sa kakangawa kapag di mo sinunod ang utos hihihi

"Opo ma andyan na po" Hindi ko na hinintay pa ang tugon ni mama at dumiretso na sa Cr para gawin ang aking everyday routine.

Btw ako nga pala si Jianne De Avedra, 18 years old from Carig Sur, Tuguegarao City. Isa po akong adopted child, di naman po kami sobrang yaman at di rin sobrang hirap sakto lang nakaka-kain naman kami ng tatlong beses sa isang araw. Kasalukuyan akong nag -aaral sa isa sa mga kilala o sikat na paaralan dito sa aming Lugar, ako po'y isang senior highschool student ,Stem ang kinuha kong strand dahil gusto ko pong maging Doctor someday. EIU or Elite International University yan ang pangalan ng aming university. At para din po sa kaalaman ng lahat isa po akong bisexual and alam din ng parents ko to tanggap naman nila ako kaya nga mahal na mahal ko sila hihihi. Only my parents and my best friend ang nakaka alam na bisexual ako ayaw ko munang ipaalam sa iba natatakot kasi ako sa pwedeng mangyari kapag nalaman nilang isa akong bisexual .So back to reality na tayo.

Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si mama "naka handa na ang pagkain sa baba,kumain ka na lang dun at ako'y matutulog muna"si mama kasi ay nagtatrabaho sa isang pharmacy at pang fabi ang duty nya "Sige po ma magpahinga na muna kayo, I love you ma" sabay yakap sakanya "I love you too anak" tugon ni mama.

Pagkababa ko ng hagdan ay dumiretso na ako sa kusina upang kumain

Pagkatapos kong kumain ay inayos ko na at hinugusan ang mga pinagkainan ko para naman mabawasan ang gawain ni mama dito sa bahay "ma papasok na po ako sa school" sigaw ko pagkalabas ko ng kusina ngunit wala akong narinig na tugon mula sa aking ina baka nakatulog na sya sa pagod

Lumabas na ako sa aming bahay at pumara ng masasakyan papunta sa University,dahil marami namang dumadaan na taxi Dito samin at syempre malapit lang din ang aming university ay nakarating din ako kaagad

"Bessssyy " hmm okay kilala ko na kung kaninong boses yun, sa kalog,baliw at marupok kong kaibigan hahaha "besssyyy namiss kita sobra" sigaw ni Sammy sabay yakap sa akin

(Poink) "aray ko naman besssy bat ka nambabatok" kunwari malungkot nyang tugon "aba bessy maka miss ka naman parang di tayo nagkita kahapon ah " sabay irap hahaha o basket babae lang ba umiirap duhhhh ako din no "bakit bawal kang mamiss bessy? Hahaha anyways tara pasok na tayo sa loob baka ma late tayo" buti naisipan pa nitong pumasok akala ko mag k-kwentuhan na lang kami dito sa gate eh

Papasok na sana kami nang biglang mag tilian ang mga babae "bessy anong meron? bat sila nagtitilian may artista ba? sakit sa ears ah" tanong ko sa aking kaibigan "balita ko may bago daw transferee ,lalake daw ata narinig ko lang din kanina nung pumasok ako tapos ang sabi pa nila gwapo daw kaya siguro daming nagkakanda tilian sa bawat sulok ng university na to" akala ko naman kung artista galing ibang bansa grabe maka tili ah, dahil wala rin naman akong pakialam sa transferree kaya hinila ko na lamang ang aking kaibigan at dumiretso sa bulletin board para tignan ang aming section "bessy buti na lang classmate ulit tayo hahaha"  wika ng kaibigan ko matapos naming makita ang aming section and she's right mag classmate pa rin kami this school year,12 Gold yan ang aming section, di po sa pagmamayabang pero parang ganun na nga Hahaha matalino po kami ng bessy ko lagi nga kaming inilalaban sa mga quiz and guess what? Syempre lagi kaming nananalo pero syempre may pagkakataon din na nag sesecond place lang kami pero okay lang ganun naman talaga ang buhay di sa lahat ng oras ikaw ang panalo may mga pagkakataon din na need mo na lang tanggapin na may nakakalamang din satin hahahaha

No Turning Back - BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon