(kinabukasan)
Maaga ako nagising dahil ako ang tokang magluto ngayon ng umagahan namin magpipinsan, siguro nagtataka kayo kung saan ako nakatira. Well ako ay isang probinsyano galing batangas. Nandito ako sa Maynila ngayon kasama ng pinsan ko na si Jhong at Bong, tatlo lang kami kaya toka toka kami ng pagluto, linis ng bahay at hugas ng pingan.
Again sher ko lang.
Nagluto ako ng pancake na may kasamang strawberry (taray nakaluwag luwag yarn?) bale binake ko siya so mukha siyang cake di pancake. Well baka akala niyo naman kasi mahirap kami may kaya naman kami kasi daddy ko may ari ng farm na puro tsokolate sher ko ulit daldal ko na.
So ayun na nga nagluto nga ako at out of nowhere naalala ko si Aurora, yung amoy kasi niya strawberry kaya naisipan ko bigyan na lang siya ng food baka lumighten up naman mood niya.
"uy saraaap ah pinagbabalot mo ba ako ng food babe?"
"sira ulo! " ito naman pinsan ko si bong kagabi lang umuwi yan galing din batangas kaya ngayon ko lang mapapakilala sa inyo.
"joke lang pero para kanino ba yan? "
" para sa special na tao, para sumaya siya"
"uy ikaw a para kay aurora lang yan eh"
Sabat naman ni jhong."ewan ko sa inyo, mauuna na ako sa taxi na lang ako kakain at may kailangan ako gawin sa school ngayon, babyee"
"bye lods ikiss mo kami kay Aurora"
Sigaw naman ng hayp na jhong na yun.
Nagmamadali lang naman ako para maunahan ko si Aurora pagpasok at ng mailagay ko sa desk niya itong food na binalot ko para sa kanya, sana di pa ako late.
...
Nakarating na ako sa school at agad ko tinanong si manong guard kung dumating na ba si Aurora. Sabi niya padating na daw at hindi naman siya nagkamali kasi papasok na ng campus ang kotse niya. Agad agad naman ako tumakbo sa classroom namin para mailagay ang pagkain na ginawa ko para sa kanya. Swerte na lang at wala pang tao kaya di niya malalaman sino o kanino galing ung pagkain na nakalagay sa mesa niya.
Umalis ako agad para di naman obvious na sakin galing yun, agad ko naman siya nakita na papasok na ng classroom. Pasimple akong sumilip sa pinto para makita ko ano reaction niya. Nagpapalinga linga siya habang hinahanap kung kanino galing ang pagkain nasa mesa niya.
Aurora's POV.
2ND day of classes and as usual wala ulit mga magulang ko mangangako di naman tinutupad well what's new naman sa parents ko diba?. Kaya ayun pumasok na lang ako sa school na walang gana at di nag breakfast pero sa totoo lang gutom na gutom na talaga ako.
Pagpasok ko naman sa classroom ay may nakalagay na lunch box sa desk ko nung inopen ko isa siyang cute teddy bear design na may... Strawberry pancake? With chocolate and water.
Hinanap ko naman sino nagbigay pero wala naman tao.
Pero may iniwan na letter." i hope this pancake will make you smile today"
Yes it really makes me smile who ever he/she is. thank you.
Kumain na muna ako sa classroom and...
WOW sobrang sarap ng pancake na ito never pa ako nakakatikim ng ganito kasarap na pancake kung sino ka man talagang nagbigay nito thank youu.Caleb's POV.
Napangiti naman ako mukhang naging masaya siya sa binigay ko at nasarapan kasi nakangiti siya habang kumakain. "ang ganda mo naman pala kapag nakangiti sana lagi ko makita".
Pumunta naman muna ako sa library tutal maaga pa naman nag review na lang ako baka kasi biglang may pa quiz nanaman isa pa baka kapag pumasok ako agad sa classroom masira mood ni Aurora sayang naman effort ko. Chour. Pero ok na din yun kahit papano napa smile ko siya.
"tol aga ng ngiti na yan ah" salubong naman ni teddy na kararating lang
"Ssshhh " sabi naman ng librarian
"yan kasi ingay pano mo nga pala nalaman nandito ako? "
"nakita kita pumasok Na para kang baliw na nakangiti"
"well napangiti ko lang naman ang napaka sungit na babae sa VIS."
"si Aurora?! " pasigaw naman na sambit niya.
"HOY lumabas na nga kayo ang ingay niyo!" saway naman nang librarian.
"ikaw kasi ang ingay mo eh mag rereview ako"
" halika na kasi for sure nandon na din si kevin"
Hindi siya nagkamali dahil nakasalubong namin si kevin paglabas ng library.
"hoy pare sakto may kwekwento satin si tol" excited na sambit ni teddy kay kevin.
" ano yun tol? "
"pano mo nga napangiti si Aurora?"
"binigyan ko lang siya pancake at sana manahimik kayo" halika na pumasok na tayo sa classroom.
Bago naman kami pumasok sa classroom eh tinignan muna namin si Aurora kung nandon pa ba siya.
Well nandon pa siya at mukhang naubos niya yung dinala kong food para sa kanya. Pumasok naman na kami kasi malapit nadin kasi mag time."Good morning Ms," pagbati ko sa kanya.
"Good Morning Aurora".
Well she gave us a smirk sweet smile.
"teka tama ba yung nakita namin? " bulong ni teddy at kevin.
"sabi sa inyo maganda mood e"
Nag smile na lang din kami pabalik tsaka umupo sa kanya kanya namin upuan. Pinagmasdan ko naman siya maaliwalas siya at gumanda nga ang mood. Galing mo talaga Navarro.