ALA-ALA

2 0 0
                                    

Andito ako ngayon sa tagpuan naming dalawa ni sandro boyfriend ko hinihintay ko siya dahil nag-text siya sakin na makikipagkita daw siya dito sa ilalim ng puno ng mangga kung saan kami unang nagkita.

Maya-maya lang ay nakita ko na si sandro na papalapit sakin kaya umalis ako sa duyan at nakangiti siyang sinalubong.

"Sorry naghintay kaba ng matagal?"Tanong niya agad sakin habang magkayakap kami kumalas ako sa pagkakayakap at hinarap siya.

"Hindi actually hindi pa ako nagtatagal dito"Sagot ko sa tanong niya ngumiti naman siya bago niya ako ayain na mag duyan sumunod naman ako.

"Happy 1st anniversary mahal, pasensiya na kung wala akong regalo pero ito ang tatandaan mo mahal na mahal kita, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko"Paglalambing niya sakin at yumakap, yes 1st anniv namin ngayon kaya masaya ako dahil kahit na andaming pagsubok ang dumaan ay nalagpasan namin yun ng magkasama.

"Okay lang yun happy 1st anniversary din"Nakangiti kong bati sakaniya.

Nang humiwalay ako sa yakap niya ay bigla na lang siya nawala kaya tumayo ako at kinakabahang nilibot ang paningin sa paligid.

"Sandro!nasaan ka?!hoy sandro ano ba!magpakita ka nga!"Naglakad nadin ako at sinimulang hanapin siya pero hindi ko siya makita kaya naiiyak akong bumalik sa duyan at doon umiyak ng umiyak.

"Sandro bakit mo ba ako iniwan?!"Umiiyak kong sigaw nang may bigla akong naalala kaya mas lalo akong napaiyak.

"Sandro Ngayon ang 3rd anniversary natin siguro kung hindi mo ako iniwan magkasama tayo bakit ba kasi hindi mo sinabing may sakit ka?!mahal na mahal kita sandro!"Umiiyak kong sabi habang nakahiga sa duyan nakalimutan ko kanina na ala-ala lang pala yon at oo patay na si sandro dahil inatake siya sa puso.

At ngayon 3years na kami kaya nandito ako sa tagpuan namin hinihintay siya na akala ko babalik siya pero hindi. dahil nagpapahinga na siya.

"Siguro eto na ang tamang oras para pakawalan ka!pinapalaya na kita sandro mahal na mahal na mahal kita"Dagdag ko bago punasan ang mata ko at mukha.

Tumayo ako at tuluyan ng nilisan ang tagpuan namin.

"Hanggang sa muli mahal ko"Saad ko habang papalayo sa tagpuan namin.

-sana magustuhan niyo!.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now