Pinky Swears

0 0 0
                                    

Ako si France, first year Communication student.Single pero hindi na naghahanap ng ka-mingle. Hindi ako manang, nagkaboyfriend na ako not once,not twice or not even thrice. Hindi ko narin mabilang eh. Pero ngayon ang priorities ko ay pag-aaral at ang pamilya ko.

***********
Second Semester na !!
nakaraos na ng isang sem na walang bagsak na grades.

At dahil second semester na ibig sabihin new classmates ulit. Classmates from different departments.

( COMMUNICATION ARTS 1 subject )

"Okay class !! So most of you are new faces,most of you are not familiar with each other especially those boys at the back!" --Professor

"Terror ata tong prof na to though tita ko sya"-- sabi ko kay Ryne

"Hindi naman siguro be"--Ryne

"Come here infront and introduce yourselves"--Professor

Nagpakilala na isa isa hanggang sa dumating dun sa lalakeng ewan ko ba pero naiinis ako sa kanya. Noon ko lang sya nakita pero kumukulo dugo ko sa kanya. Siguro dahil ang likot nya, tayo sya ng tayo sa upuan tapos labas pa ng labas ng room.

"Hi ! My name is Jace Michael Concepcion from school of Engineering"-- Jace

"Oh ! So you're Engineering student, bakit Com Arts 1 ng AbCom students ang pinili mo? As far as I know meron ang Engineering department ng ganitong subject"-- Prof.

"Marami po kasing maganda at girls dito ma'am.. I mean naubosan po ng slots"-- Jace

"Yabang be !!. Yabang !!" -- France

"Hayaan mo na,GGSS eh!" -- Ryne

*After Class

Lumabas kami ni Ryne ng school para maglunch halos 12:00 noon narin.

"Hey !"--

"Be ! Tawag ka nung bestfriend mo sa Com Arts"-- pabulong na sabi ni Ryne sakin

"Pabayaan mo yan ! Papansin !!."-- inis na sabi ko.

********
Time goes by inis padin ako sa kanya. Hindi parin nababago tingin ko sa kanya. GGSS parin sya sa paningin ko.

( COM ARTS 1 subject )

" Class ! I already talk with the dean about our Studio tour,it's already approved so you should pay the fees to the cashier for the transpo. And entrance fee. And another 150 pesos for your lunch.Just give it to Ms. Rosales and she will write your names on the list. I'll go now and see you next meeting on the Tour day"-- Prof.
*********
Lahat excited, pinaguusapan kung sinong magkakatabi at pinagpaplanohan na kung kaninong artista sila magpapapicture..

( STUDIO TOUR DAY )

As usual ang magkakatabi yung mga magkakabarkada. Sobrang ingay sa bus syempre tawanan dito,asaran doon, kantahan dyan. Pero may napansin ako,bakit wala sya?

"Be si Jace ba hindi sumama?"-- pagtatakang tanong ko kay Ryne

"Baka nasa van, teka bakit mo hinahanap? Yiiiieeeh !! Miss mo na agad?? Magkikita rin kayo wag kang mag-alala"-- pabirong sabi ni Ryne

"Gaga ! Nagtaka lang ako kasi walang GGSS at maingay dito"-- France

**********
Maghapon wala kaming ginawa kundi ang maglakad at umikot sa mga studios sa ABS-CBN. Nakakita kami ng artista at hindi mo maipagkakailang sobrang nakakastarstruck sila.

Sa maghapon na yun pansamantalang nakalimutan ko na broken hearted nga pala ako. Isang lingo palang kasi ang nakakalipas ng makipagbreak sa akin yung boyfriend ko.

UWIAN NA !! TAPOS NA ANG TOUR.

Babyahe na kami ulit pauwi galing Manila. Lahat sila may mga kausap or katext na boyfriend na susundo sa kanila. Nakakainggit ! Nakakaiyak ! Kasi wala na yung nasundo sakin dati !

********
"Oh be ! Uwi na ako ha. Ingat ka paguwi mo"-- Ryne

"Sige be ingat ka rin !"-- sagot ko kay Ryne

Habang naglalakad ako papunta sa may sakayan ng jeep. May tumawag sakin.

" Hey !"--

Paglingon ko si Jace yung natawag sakin.

"Halika muna ! Yosi oh !"-- Jace

Lumapit naman ako...

"Oh yosi "-- Jace

"No ayoko quit na ko dyan"-- France

"I insist "-- Jace

So kinuha ko yung inaalok nya sakin. Napatambay ako saglit. Hindi ko namamalayan na gumagabi na.

"Uuwi na ako, gabi na eh!"-- sabi ko

"Oo nga gabi na, san ka ba uuwi?"-- Jace

"Ako sa Pulo,ikaw?"-- France

"Ahh dyan lang ako sa Remedios"-- Jace

"Oh sige sakay na ako ha!"--paalam ko sa kanya.

Hindi ko inakalang yung GGSS na sinasabi ko ay nakasama ko ng oras na yun. Hindi naman pala sya katulad ng iniisip ko.

**********
Time goes by, lagi ko na syang naiisip. In-add ko siya sa facebook. At hiningi ko number nya. Ewan ko ba kung bakit ko nagawa yun. Hanggang sa palagi ko na siyang nakakatext at nakakausap.

Isang araw natripan kong makipagkita sa kanya. Tinext ko sya.

"Asan ka? Awas ka na ba?"-- France

"Oo pauwi na ako"-- Jace

"Mamaya ka na umuwi,tambay muna tayo hintayin mo ko palabas nadin ako"-- France

*********
Pumunta kami sa plaza, nagkwentuhan kami.

"Nagkaboyfriend ka na ba?" -- Jace

"Ako?, oo!"-- France

"Eh ngayon? May boyfriend ka?"-- Jace

"Wala eh kakabreak lang namin,siguro 2 weeks na."--France

"Ah ganon ba?, siya nakipagbreak?"-- Jace

"Oo, may pinalit sya agad sakin. Masakit pa dun,kami pa pero may iba na sya" --France

"Ako, kahit ganto ako di ko kayang gawin sa babae yan. Mabuti nang masaktan ako wag lang ako yung makakasakit sa iba."-- Jace

Napatitig ako sa kanya habang nagkukwento sya. Sobrang mali ang akala ko sa kanya. Iba sya!

Hindi namin namamalayan na gabi na pala. Ang lamig na ng hangin.

Niyayakap ko na ang sarili ko para hindi ako lamigin.

"Nilalamig ka?.."-- tanong ni Jace

Tumango ako. Nagulat nalang ako ng kinalkal nya ang bag nya at inilabas nya yung jacket nya.

"Ayan isuot mo"-- Jace

"Nako hindi ok lang ako!"-- pagtanggi ko

Ibinalabal nya sa akin ang jacket nya.

"Ayan nilalamig ka pa?"--tanong nya.

"Medyo"--sabi ko

Nabigla ako ng tumalikod sya akin at itinaas nya ang mga braso nya.

"Iipit mo kamay mo sa kili kili ko dali !!"-- seryosong sabi nya.

Natuwa ako at kinilig ng konti. Konti lang talaga. As in konti.

"Jace uwi na ako 8:30 na baka hinahanap na ako sa amin."

"Sige hatid na kita"-- jace

"Nako hindi na, itawid mo nalang ako sa may sakayan"-- pagtanggi ko.

Nagulat ako ng bigla nyang hawakan kamay ko habang natawid kami at may goodbye kiss pa!.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pinky SwearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon