Mind

42 1 0
                                    

Classroom

Ken's POV

Hindi naman pala mahirap ang test ngayon. Sabagay hindi ko naman kailangan magpakasubsob sa pag aaral dahil gifted ako ng katalinuhan. Yes i considered myself as a genius. Even some of my friends and classmates alam naman nila yon.

" Ano handa ka na bang matalo ngayon mr. Know it all !?" Biglang sabi ni Rita na katabi ko lang naman sa upuan.

Rita Daniela Iringan, sya lang naman ang nag iisang ka-kompetensya ko dito sa school even sa labas ng school nga eh. Kung ano-ano lang ang pinagtatalunan namin. Aaminin ko she's the smartest girl na nakilala ko, talented din sya, magaling din when it comes sa sports. At, oo sige sabihin ko na din na oo maganda sya.But i will never ever tell it to her. Ano sya sineswerte. Sabihin na nating matalino sya, maganda, talented pero mas matalino pa din ako since i'm a genius lagi akong mas matataas ang grades ang nakukuha kaysa sa kanya i always got a perfect score sa academics. Yun nga lang sa ibang larangan pagdating sa sports and talent ewan ko ba bakit hindi ata ako nabiyayaan. Kaya naman parati nya kong natatalo pagdating don. But still i tried my best para ipakitang kaya ko din mga ginagawa nya kaso lagi talagang palpak ang nagagawa ko pag sports and talent.

"Ha? Asa ka pa ba miss iknoweverythingand icaneverything. Kailan mo ba ako natalo sa test?" Sagot ko naman sa kanya at halatang inis na inis na inis na naman sya sakin.

Sasagot pa sana sya pabalik ng magsalita na si Ms. Diane ang teacher namin.

"Ms. Rita you've got the highest score. Congrats!" Sabi ng professor namin at nagulat kami, magrereact na sana ako ng biglang tumayo si Rita at iniharap sa mukha ko ang test paper nia na may perfect score nga.

"Nakikita mo to! Ano ka ngayon mr. Kenerdy!? Hahahajah." Pagmamalaki ni Rita at pang aasar, since elementary ay magkakompetensya na kami ni Rita , oo lumaki kaming magkasama pero hindi magkasundo sa mga kung ano anong mga bagay. Kung ano ano ding nicknames ang gingamit nia sakin tulad na lang ng Kenerdy, kennat win, kenever, at marami pang iba. Magkaharap lang kami ng bahay ni Rita kaya naman halos walang araw na hindi kami nagkikita.

8 years old ako nung una kaming tumira dito sa Fantacia town isang bayan kung saan hindi ganoon karami ang naninirahan. Unang araw namin noon dito nagkita na kami ni Rita.

(Flashback 10 years ago...)

"Hi , ako nga pala si Ken malapit ka lang din ba dito?" Tanong ko sa batang babae na halos ka-edad ko lamang. Ngunit inirapan niya lang ako habang nakapamewang pa.

Hindi naman ako talaga friendly, mula pa noon sa dati pa namin lugar nerd na ako sa paningin ng karamihan. Kaya hindi na bago sakin na ayaw ng iba dahil sa pagiging matalino ko. Kaya naman sanay na ko na hindi mapansin ng iba o kainisan.

"So kayo pala ang bagong kapitbahay namin?" Tanong nia habang nakapamewang pa rin..

Sobrang cute niya. Kaso lang mukhabg masungit

"Ah -e oo. teka san ba ang bahay niyo?" tanong ko. Pero bigla nya ko inirapan at saka umalis. Ang sungit naman non. Nagpatuloy na lang ako tumulong kina mama and papa sa pag aayos ng mga gamit namin.

"Ken!!! anak nasilip mo na ba ang kwarto mo ? Halika dali tignan mo!" Sigaw ni mama na nasa taas na. Sumunod naman agad ako excited na rin kasi akong makita ang magiging kwarto ko. Pag akyat ko nakita kong inaayos ni mama ang mga gamit ko. May kalakihan ang kwarto at isa sa nagustuhan ko ay ang sliding window kitang kita ang magandang view. Pero ang mas kapansin pansin ay yung kaharap namin na bahay. Napatingin naman ako dito medyo nagulat ako ng makita yung batang babae kanina na kausap ko sa bintana ng katapat na bahay. Napatitig ako sa kanya at namangha dahil sumasayaw sya. Oo ang galing nia sumayaw. Ilang sandali pa ay lumapit si mama , kinakausap niya pa pala ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heart of WarWhere stories live. Discover now