Eriko Samantha Jones Saito
Knock... Knock... Knock...
"Come in."
Ibinaba ko ang photo album na kanina ko pa tinitingnan actually pag wala akong magawa at lalo na pag nag-iisa ako lagi ko lang tinitingnan ang mga pictures na nakalagay sa photo album puno kasi yon nang mga pictures nang parents ko. Ang photo album lang na yon at ang mga kuwento nina Tita Merci at Tita Jackie ang nagpakilala sa akin sa mga magulang ko kinuha kasi sila sa akin nung 5months old pa lang ako.
Bumukas ang pinto nang kuwarto ko at pumasok ang isa sa mga maids na kasama ko sa bahay. Si Maggie.
"Ma'am Eri, pasensiya na po sa abala pero nandito na po sina Ma'am Miho at Yuri."
Sabi niya habang nakatungo napangiti naman ako at umiling-iling na lang. Kilala ko lahat nang maids dito sa bahay dahil kasama ko sila hanggang sa lumaki ako at tinuring ko na silang pamilya at sa lahat nang maids si Maggie ang pinaka bata at ang pinaka mahiyaing nakilala ko ever.
"Okay, paki dalhan na lang sila ng chips at drinks magpapalit lang ako." Tumango naman siya at binuksan na ang pinto para lumabas.
"Oh, and Maggie?"
"Ma'am?" Agad siyang lumingon with wide eyes.
"Don't call me Ma'am." Tumango naman siya at agad-agad na lumabas at sinaraduhan ang pinto. Napangiti na lang ako at agad na nagbihis.
Bestfriends at pinsan ko sina Miho at Yuri lagi kong kasama yang dalawang yan sa kalokohan man o sa kadramahan I'm sure na hindi nila ako iiwan. "B.B.B" kaya kami noh! Bestfriends.Before.Boys kaya naman kami walang iwanan. Subok na pagsasamahan namin kasing tibay ni Iron Man.
After ko magbihis bumaba na agad ako at pinuntahan ang dalawa kong bestfriend sa living room at masaya naman silang kumakain habang nanonood nang TV.
"Sa wakas bumaba ka na rin." Sabi ni Yuri.
"Hoy! Ang bilis ko kaya." Sabi ko sabay batok sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay habang naka smirk.
"Oo nga eh ang bilis mo. Sa sobrang bilis mo kala namin nilamon ka na nang kuwarto mo." Sabi naman ni Miho sabay subo ng chips.
Naisipan ko kasing maligo na rin kaya mga after 1hour na ko nakababa and F.Y.I hindi masamang pag handaan nang isang babae ang everyday outlook niya noh! Sabi nga nila "When you look good, you feel good."
"So, san ba tayo pupunta ngayon?" Tanong ko sa kanilang dalawa habang nanonood nang TV.
"Bahay namin tapos bahay nina Miho then Mall tapos dito sa bahay niyo. Sleep over, para naman hindi na kami pumunta pa dito sa inyo and it'll save us time." Sabi ni Yuri.
Sa bagay, may point naman siya don. Well, bukas kasi plano naming pumunta sa Japan para don magsaya at maglibot-libot sa nalalabing araw nang aming bakasyon. Pupunta din kami don para makilala ang pinsan ni Miho na si Aiko dahil dito daw siya sa Manila magtatapos nang highschool at para na rin may makasama siya papunta dito.
"Mag..."
Tatawagin sana ni Yuri si Maggie para humingi ulit nang chips at drinks pero sinalpak ko agad sa bibig niya yung balat nang Vcut dahil sa buong buhay kong nakasama itong dalawang to at sabay-sabay kaming lumaki alam ko kung ano ang mangyayari pag kumain at nabusog tong dalawanag to at ano pa ba yon? Edi ang matulog sila at pag natulog tong dalawang to nako tulog mantika, hirap gisingin, at gabi na silang magigising non sigurado at siguradong-sigurado din ako na pag nangyari yon wala kaming matatapos ngayon sa dapat naming gawin kahit isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/36823744-288-k58246.jpg)
BINABASA MO ANG
Capture You (GirlxGirl)
JugendliteraturOne single picture can change two peoples lives but what if something that is unexpected comes their way that can lead their relationship to something they are not ready for.... Is their love enough for them to win the fight or will it lead one of...