Chapter 1

87 0 0
                                    

Naglalakad si Lana sa tabing dagat.
Ano na ang kanyang gagawin?
Ang sana ay masayang graduation niya sa college ay nauwi sa isang tragedy na babago sa kanyang buhay.

Magkakasama ang kanyang mga magulang at ang kapatid na si Zayn ng magkaroon ng problema ang sinasakyang eroplano. Sila at ang 270 pang ibang pasahero ay namatay sa isang tragic na plane crash.

Kung magpakalunod nalang kaya siya? Para lalong matuwa ang mga ganid na mga kapatid at kamag-anak ng papa niya. Hindi pa man nakukumpleto ang libing ng mga magulang ay pinag aawayan na ng mga ito kung sino ang dapat daw na mag manage ng multi-million clothing lines nila.
Napa ismid siya, Ni hindi ba naisip ng mga ito na graduate na siya ng Business Management bukod pa doon kumuha siya ng side course para sa fashion design?

Ano na nga ba ang dapat niyang gawin?

Bigla nalang siyang napatid sa kung ano.
"What the!?' pagbangon niya at tingnan ang bagay na iyon ay isang lalaki pala ang kanyang napatid.
'Oh my God! may patay!!' Ang patili niyang sambit sabay nagsisigaw siya ng tulong. Nang marinig niya ang mahinang ungol nito ay napahinga siya ng malalim dahil sa relief .

'Hey! mister ok ka lang ba? gising! mister?!' Nang hindi parin ito natinag ay tinawagan niya ang kanilang matagal ng katiwalang si Mang Connor at nagpatulong na dalhin ito sa kanilang vacation mansion.
Pagkatapos itong ilagay sa isang kwarto ay ang family doctor naman nila ang kanyang tinawagan buti at malapit lang sa kanila ang tinutuluyan nitong bahay.
Matapos mag alisan ng mga nakiramay sa lamay kasi ay pinili niyang puntahan ang paborito nilang lugar ng pamilya para sa konting peace of mind . Nag aalala ang mabait na doktora kaya sinamahan siya nito na tinanggihan niya kaya ang sabi nito ay sa iba nalang manunuluyan kahit pa ayaw niya.

Bukod sa dalawang mahahabang pilat na parang nasunog sa likod nito at pagiging dehydrated nito ay wala nang nakitang iba pang problema ang doktor.
Matapos siyang pagbilinan ng mga karampatang pag aaruga sa estranghero ay umalis na rin ito.

Ngayon niya napagmasdan ang mukha ng lalaki, makapal ang mga kilay at mahahaba ang pilikmata, matangos ang ilong na binagayan ng manipis na mga pulang labi.
Prominente ang panga na nagbigay ng mysterious look na lalong nagpa-gwapo dito mahaba din ang itim na itim na buhok nito na umabot hanggang beywang nito. Hindi niya tipo ang mga lalakeng may mahabang buhok pero parang ngayon ay ito na ang description ng ideal niya sa lalake.
Ano kaya ang kulay ng mga mata nito?
Nang dumako sa gawing chest nito ang mga mata niya ay namula ang kanyang mukha. Dahil sa panic kaya hindi niya masyadong pinansin ang kahubdan nito. Ngayong naaalala na niya ang nakitang mga private parts nito ay lalong na-init ang kanyang mga pisngi.

Saan kaya ito galing?
At sino ang lalaking ito?

Falling for an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon