Chapter 4

18 0 0
                                    

Natagpuan ni Lana ang lalaki sa balkonahe, habang payapang nakamasid sa dagat.
May kakaiba sa lalaki na pakiwari ni Lana ay naiiba sa mga tao.
Hindi niya ma-explain kung ano.

Ang amo ng mukha nito, naisip niya tuloy na kung totoo ang isang anghel siguro ganito ang magiging itsura para sa kanya.

Hi,... kumusta ang iyong pakiramdam?.. Alam mo kasi kagabi ay ang taas ng lagnat mo kaya, ... kung ok ka na.. kailangan nating magpunta sa bayan,para alamin sa munisipyo kung may naghahanap sa iyo. Saka eto ang papel at ballpen... marunong ka bang magsulat? Ano ang pangalan mo?” ang hindi mapigilang sunod-sunod na tanong ni Lana. Iniabot niya dito ang panulat at papel.

Tinanggap ni Uriel ang iniabot ng babae, saka siya nagsulat.
Ako si Uriel, maraming salamat sa iyong paglingap sa akin. Ngunit ikinalulungkot kong ipaalam na ako ay walang kadugong iba dito sa mundo, Ako ay napalayas sa tahanang aking nakagisnan... patawad na hindi ko ito maaaring sabihin kung saan. At ipinabasa niya ito kay Lana.

Napakunot noo si Lana sa nabasa, ano kaya ang ginawa nito para mapalayas? bigla ang kabog sa dibdib niya, paano kung isa pala itong wanted na kriminal?!
pero wala sa mukha nito na gagawa ng hindi maganda.

Wala ka bang kaibigan o kakilala?

Umiling lang si Uriel, kung tutuusin nababasa niya ang isipan ni Lana, ngunit ayaw niyang pagtakhan siya nito pero gusto niyang mapayapa sng kalooban nito kaya siya ay sumulat uli.

Alam kong iyong ipinag dududa kung bakit ako narito, ngunit sa ngalan ng aking ama, wala akong masamang tangka sa iyo o sa kahit kanino pa man.... Kung maaari sanang ako ay dumito muna...sapagkat wala pa akong maaaring puntahan, kung sana ay maturuan mo ako kung paano ako makakabayad sa inyong kabutihan”
muli ay iniabot niya kay Lana ang papel.

Nakaramdam ng habag si Lana para kay Uriel.
Huwag kang mag-alala wala itong anuman, kung wala kang ibang mapupuntahan ok lang na nandito ka... wala kaming hihilinging kapalit, hindi kami ganoong tao. Ang mabuti pa magpahinga ka... mamaya pasasamahan kita kay mang Connor para bumili ng mga damit sa bayan.” at bago tumalikod ay tinanong niya ang lalaki kung ano ang gusto nitong pananghalian.
Prutas daw ang kakainin nito matapos magsulat uli sa papel.

Nagpapasalamat si Uriel na mabuting tao ang nakatagpo sa kanya, alam niya kasing hindi lahat ng tao ay tumutulong ng walang kapalit.
Ama, Your Mercy.... patuloy kong hihingin ang inyong paggabay sa akin sa lupa... hihintayin ko ang araw na ako'y muling mapasama sa inyo at ng aking mga kapatid.
at bilang tugon naramdaman niya  ang mabining hangin na sa kanyang buhok ay humahaplos.

Siguro ikakagalit ng pamilya ni Lana na may estranghero siyang pinayagang tumira sa mansiyon sa tabing dagat, gayong para sa kanya ay ayaw niyang isama ang kahit sino sa mga pinsan niya kahit pa nagpaparamdam ang mga ito ng pagkagusto sa lugar.
Kailangan  niyang lakasan ang loob niya hindi maaaring basta maging sunod-sunuran siya sa mga kagustuhan nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling for an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon