Binasted Mo Ako (Girl Version)

131 8 8
                                    

Ako si Chanelle Morales . Isang ordinaryong babae na nainlove sa isang masungit , pa-gwapong at pa-cool  effect na lalaki. Si Christian Arcillo.

I never knew what was love was until I met him. He taught me many things that helped me for a reason

Nagkakilala kami sa school. Marami rami narin akong nakikitang mga mag girlfriend/boyfriend na nagsimula rin sa school. Pero ibang klase 'tong lalaking ito.

" Uy ! Penge ako niyan ! " sabi niya habang kumuka siya sa baon kong chicken nuggets.

"Hala ! Maaammmm! Akin yan eh eh! " Malapit na akong umiyak ng biglang kumuha pa siya ulit sa baon ko. "Salamat! Ang sarap!"

Inirapan ko lang siya at ipinasok ko na ang baon ko sa bag kong stroller bago pa niya ubusin . I regret being a seatmate with this PG boy . Simula grade 1 , kinamumuhian ko na siya.

***

Grade 3 na kami. Luckily di ko seatmate si PG nung grade 2 pero ngayong grade 3 mukhang magdudusa ulit ako ng isang taon.

"Oy! Christian ! Tignan mo yung bagong transfer natin na classmate . Edwi-Edward ata pangalan nun ! Ang gwapo no ? " pangungulit ko sa kanya , wala si teacher kaya naging isang Jurassic Park ang ingay namin ngayon sa classroom .

"Panget naman eh . Tss. Tapos ano, crush mo?" Sabay Irap niya sakin.

"Duh! Inggit ka lang ! Mas gwapo kasi siya kesa sayo! Bleh! " I stick out my tounge and I made a silly face to him .

 

***

Grade 5 na kami . Si Edward lumilapat na sa ibang section kaya hindi na kami magka-classmate. Inaasar-asar nga ni Christian si Edward na kesyo matangkad , maluputi , at chinito lang gwapo na daw ba kaagad ? Pero ngayon grade  5 na ako naging iba na ako .

Ibang-iba na talaga. Kung dati ay wala akong pakielam kung haggard ba yung histura ko o hindi , ngayon kada kasama ko siya lagi ako nag pupulbos ng mukha . Pati ayos ng buhok ko iba narin. Dati halos araw-araw hindi makahinga yung buhok ko sa sobrang pusod , ngayon ay lugay effect  na ang ate niyo! SALAMAT SA DIYOS DAHIL NAPANSIN NIYA =_=

Yung stroller na barbie kong bag , hindi ko na ginagamit . Nagpabili na ako kay mama ng Bag na bagpack na may design lang na flowers at 'peace' sign . At kung dati . Pasok , labas ako ng pasok labas sa Top 10 ngayon ay mas pinagpursigihan ko na ang pag-aaral ko.  Top 3 si Christian at ako naman at Top 7 . Inspired na inspired na talaga ako .

We're almost finished our elementary life , but something happend. An unexpexted event in my life that I will never forget .

 My first and hopefully my last .

It was cold Febuary on a Wednesday afternoon . Our dismissal time. Inayos ko na ang bag ko. Dahil wala naman akong gagawin ay umuwi nalang ako agad, absent si BFF Mia eh kaya wala akong kasabay pauwi . Pwedeng lakarin papunta sa bahay namin kung galing ka sa school na pinapasukan ko , pwede ring sumakay ng jeep kung tinatamad ka. But today I prefer to walk. Mukhang uulan kaya bibilisan ko nalang ang lakad ko.

"Chanelle! Umaambon na ! " Look who came , my bestfriend slash! Savior slash! Crush ? Oh I don't know. Savior kasi umaambon na pala at nagpapaulan ako buti nalang naabutan niya ako.  Walking distance lang din bahay niya mula sa school. Medyo malapit -lapit lang kaya mas mauuna siya makauwi.

Pinayungan niya ako . In this situation ay nagshe-share kami sa iisang payong , which is okay lang sakanya na ikinagulat ko. Dati kasi pag wala akong payong , inaasar niya at hinahayaang mabasa lang ako ng ulan . Ilagay ko nalang daw sa ulo ko yung bag ko para di ako mabasa . Tanga 'di ba , stroller yun , may gulong . Ilagay ba daw sa ulo >//< Kaya napilitan akong ipantakip yung blouse ko sa ulo ko . Keri lang kasi may sando naman ako sa loob .

Binasted Mo Ako (Girl Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon