QUOTES~28

56 0 0
                                    

Wag kang magmahal para lang maging masaya. Magmahal ka dahil handa kang masaktan para sa kanya. Dahil kapag ginusto mo lang sumaya, hindi ka nagmamahal, nanggagamit ka lang.

--

Mahalin mo siya sa kung ano ung klase ng pagkatao niya, tanggapin mo siya sa kung ano ung uri ng katauhan niya, kung palagi mo siyang hahanapan ng mga bagay na wala sa kanya, kung palagi mo siyang ikukumpara sa iba, hindi talaga karapat-dapat ung relasyon na ipinaglalaban mo para sa kanya. kaya habang maaga pa, hangga’t hindi pa siya nagsasawa sa pagkatao mong nakakalito, matuto ka nang makuntento sa kung ano ung kaya niya lang iharap sayo.

--

"Ang taong hindi nakakasawang sabihan ng mahal kita ay yung taong marunong magparamdam na mas mahal ka niya."

--

Darating ang araw na mag-iiba ang ikot ng mundo. Yung tipong ikaw naman ang masasaktan at ako naman ang walang pakialam.

--

Kung tatanungin mo ako kung ano bang NAKITA ko sa’yo? We’ll, I SEE nothing on you.  But I FEEL something for you.

--

Ang babae pag nasaktan mas nagiging matalino, maganda at matapang yan. Kaya kapag iniwanan mo yan, mahirap na yang balikan

--

Kung ipagpapalit mo lang din naman ako sa iba! Siguraduhin mong may IBUBUGA! Hindi yung mukang IBINUGA!

--

Aaminin ko sayo, nung nakilala kita may mahal akong iba. Tulad mo hindi rin siya maalis sa isip ko. Pero wag mo isipin na minahal kita para makalimutan siya, kundi, kinalimutan ko siya para mahalin ka.

--

sa libro ng buhay bawat kwento mahalaga bawat buklat, merong kakaiba pero alam mo ba kung aling pahina ang bumuo ng aking istorya?yung kwento kung saan nakilala kita.

--

Kahit hindi tayo lagi magkasama isipin mo love kita. Kahit ano mangyari, kahit saan magpunta. Busy man iniisip pa rin kita. Basta lagi ka magiingat ha! Kasi Mahal na Mahal kita.

--

Huwag mong ipilit ang sarili mo sa taong napipi-litan lang na mahalin ka.TANDAAN MO: isda lang ang sumisiksik sa lata! SARDINAS ka ba?

--

Sasapit din ang gabi na makakaya ko nang maglakad sa dilim ng wala ka. at sisikat din ang umaga na gigising ako’t maiisip kita pero wala na ang dating sakit na nadarama

--

“Mahirap magmahal ng sobra..nagbago ka para sa kanya, pinaglaban mo pa..samantalang siya, walang ginawa kundi PAIYAKIN KA.”

--

Kung mahal mo siya at pagod ka na. walang problema edi magpahinga ka wag yung hihiwalayan mo agad siya minsan kasi may ibang dahilan talaga kaya mo nasasabi yung salitang pagod kana. no matter what happens break up is not solution.

--

Pare-pareho lang nating gustong makakita ng taong mamahalin tayo at hindi sasaktan. Hindi masamang mangarap. Mahirap lang makahanap.

QUOTESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon