It's just that when you're in a relationship ang daming pwedeng mangyari. Pwede ka nilang iwanan or saktan. That was what I thought noon but now I thought about it for a really long time and I decided to give this relationship a try.
As the saying goes 'A life lived in fear is a life half-lived.' Which is definitely true. I mean isn't getting hurt a part of being human? Wala namang fairytale kind of life diba? Not everything's going to go your way. So, I decided to call him.
Sorry but the number you have dialed cannot be reached. Please try again later'
Bakit parang may bad feeling ako? Yung feeling na parang kailangan mong pumunta dun kasi ewan just a bad feeling siguro. Nakailang rings narin ako kaso same thing lang naman. Kaya I decided to go to him nalang. Saka one block away lang naman.
Nagbihis ako kaagad at pumunta sa kanila. Nagdoorbell ako ng ilan beses ng may isang middle-aged na babae na nagbukas nung pinto.
"Good Morning po. Pwede ko po bang kausapin si Lucas Adrian Parker? Kaibigan niya po ako." sabi ko in the most friendliest tone.
"Good Morning rin. Ako yung landlady dito. Yung mga Parker? Nako. Ang alam ko nasa Airport na sila. Pupunta ata ng Amerika iha."
"Ay. Sige po thank you." di ko na hinintay yung response niya at tumakbo na agad ako. Naghanap ako agad ng jeep na pwedeng sakayan papuntang airport.
Nang makahanap ako, pumasok na ako agad saka nilabas yung phone ko. I texted him. Please don't leave me, Luke. Aish kung kelan ready na ako eh.
Luke. Asan ka?
Ba't hindi umaandar? Pagkatingin ko sa labas, traffic. SERYOSO?! I texted him again.
Wag ka muna umalis. Hintayin mo muna ko. Papunta na ako.
Pagkasend ng message na yun. Pumara na ko at tumakbo. Wait for me please. I didn't even get to say to you those three words na matagal ko nang gusto sabihin sa'yo kaso hindi ko masabi kasi masyado akong naging takot.
Nung matapos ko ng matakbo yung buong traffic. Hinihingal na ako. Dali-dali akong sumakay ng taxi. "Kuya sa airport po."
Okay na. Medyo malapit lang naman eh. After a few minutes nakarating na ako sa airport.
Tumingin ako around at wala na. Wala na ata sila. Napaupo nalang ako at umiyak.
Sorry Luke. Hindi ko nasabi sa'yo na ready na ako. Kung hindi kasi slow at takot ang brain ko edi sana nasabi ko sa'yo. Kasalanan mo na rin kasi hindi mo sinabi sa akin na aalis ka pala weeks after. Sinabi mo pa na take your time. I told you to wait for me kaso wala.
I texted you for the last time bago ako umalis sa airport. Sayang naman effort ko. Haha akala ko matagal pa bago ako masaktan kaso wala pa nga nasaktan na ako.
Luke, I love you
Atleast alam mo.
Lumapit ako sa isang taxi at pumasok na sa loob. And at the same time, may isang lalaki ata na pumasok rin sa loob. Di ko na siya tinignan at kinausap nalang. Ang pangit ko kaya. Pulang pula yung ilong saka mata ko.
"Kuya akin nalang po. Kailangan ko na pong umuwi." wala na kong pakialam kung mukha akong ewan na umiiyak.
"Sorry ate nauna ako eh." yung boses na yun. Sobrang familiar. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siya. As in si Luke nasa harap ko.
"Luke?" tanong ko. Ngumiti naman siya at tumango.
"Ba't ka andito? Saka bakit ka umiiyak?" wala na akong sinabi at niyakap nalang siya. Akala ko aalis na siya. Kaso sabi nung landlady na aalis na sila, diba?
"Lukeee. Aalis ka daw. Wag mo ko iwanan. Sinendan kita ng message tapos di mo sinasagot. Wag ka umalis please. Oo na, I love you na. I realized na. I love you don't leave me, please."
"Oo nga aalis na ko. May naiwanan lang ako eh. Yung isang luggage namin. Sorry" sabi niya in a straight face.
"Ehh. Please. Kailangan niyo ba talaga umalis?" tanong ko ng nakapout.
"Haha joke. Oo aalis kami kaso di ako sasama. Sina mama lang. Pauwi na ako saka nakalimutan ko yung phone ko." tinignan ko siya ng masama. Ano ba yan. Umiyak pa ako tapos hinatid niya lang pala.
"Anyway, ano yung narealize mo? Di ko narinig eh." peste feeler talaga kahit kelan.
Sasagot na sana ako kaso biglang humarang yung taxi driver. "Ate, kuya sino pong sasakay?" ayy nakalimutan ko na nandito pala si kuya driver.
"Kami pong dalawa sa **** street po." nung umandar na si kuya saka ako nagsalita.
Lumapit ako sa kanya saka bumulong "Oo na po. I love you Luke. Okay?" sabay kiss sa kanya sa cheeks. Agad naman siyang nagblush. Inayos niya yung glasses niya at sinabing "Okay." TFIOS lang?! Pero wait wala man lang siyang response. Bwisit siya ah.
"Wala ka bang sasabihin?" tanong ko habang nakaraise yung isa kong kilay.
"Hmm? Wala." aba aba. Nang makarating kami sa bahay niya, nagbayad na kaming dalawa. Why not? Aasa nalang ba tayo sa lalaki para magbayad? No.
"Sige aalis na ko. Bye." sabi ko sakanya at nagsimula nang maglakad kaso bigla niyang hinila yung kamay ko.
"Joke lang naman oh. Eto na. I love you rin." sabi niya sabay smile. Aww ang cute niya.
"Uwi na ko, ha. Kita nalang tayo bukas."
Agad naman siyang nagpout. Aaah ang cuteee!!! "Dito ka muna, please."
Nag-agree naman ako at tinanong siya bago pumasok sa bahay nila "Wait lang, tayo na ba?"
"Asa ka babe. Manligaw ka muna." ang kapal niya ah!
"LUUUKEEE!!" sabi ko sabay habol sa kanya sa loob ng bahay nila.
"Joke. Manliligaw na po ako. I Love you."
"I love you too."