Pucha.
Hindi ko alam kung ilang araw na kong tulala, hindi ako malungkot. Ni wala rin akong nararamdaman na kung ano. Ewan ko ba, tangina, habang nadadagdagan edad ko ay mas lalo naman nawawalan ng pakiramdam yung loob ko.
I feel... empty.
Sinubukan ko na rin naman iba't-ibang bisyo bago ako tumungtong sa legal na edad. Tumikim ng alak, humarot sa mga kaedad, mas matanda at sa mga tao sa labas ng bansa. Suwayin ang mga magulang ko. Pero pucha, wala talaga. Sinubukan ko rin magbasa ng mga malalaswang babasahin, madalas yung may mga larawan pa. Nagbabakasakaling meron akong maramdaman. Wala rin. Akala ko ang cool ko nun, hindu ko alam maling tao lang pala ang sinamahan ko. Since maaga kong na-try ang mga yun, maaga ko rin agad pinagsawaan.
Hindi lang isang beses pumasok sa isip ko ang tumalon sa bagong overpass bridge sa labasan ng lugar namin. Wala pang bubong yun, nakakalula pag tumingin ka sa baba, konting ulan lang maari kang madulas at mahulog sa kalsada. Naisip ko rin, pilay lang abot ko run. Baka imbes tanungin ako ba't ko ginawa yun, pagalitan pa ko kasi mahal ang magpa-ospital ngayon. Or baka hindi naman? Talagang wala lang yata kaming pera. Haha.
Hindi naman na rin ako masyadong nag-aalala, nasa legal na kong edad at nasa kolehiyo. So far, nalagpasan ko naman lahat nang iniisip ko magmula pa noon. Pero wala pa rin talaga. Para bang kahit lumipas ang ilang taon, ilang tao man o sinaryo ang makasalubong ko, mas lalo lang nauubos ang energy ko. Luh, may energy source ba ko dzai?
Dalawa lang ang iniiwasan ko. Galing ko no? Ket sobrang makakalimutin akong tao, may dalawang bagay akong itinatak sa isip ko. Haha.
Una, 'wag manuod ng mga nakakatakot na palabas. Takot ba ko? Oo. Pero mas takot akong ma-adapt yung mga bagay na nakikita ko sa telebesyon at gawin ang mga bagay na yun kung sakaling magdilim ang mga paningin ko. Noong nasa hayskul pa ko, aksidenteng (na parang hindi) napanood ko ang pinagkakaguluhan na video ng mga kaklase ko mula sa selpon ng isa kong kaklase. Nung panahon na yun, bigla bigla ka na lang makaka-received ng mga video kahit sa hindi mo kakilala. Dala ng kuryosidad at nagpi-feeling matapang na batang ako, nakisiksik ako at pinanuod yun.
Hinding-hindi ko makakalimutan yung short clip na yun. Mukhang nasa gitna sila ng gubat kasi kita ko ang mga nakapaligid na puno. Isang lalaki ang bumubula ang bibig at umuungol ng mahina. Nakahiga ang katawan sa lupa at ang ulo'y nakadantay sa tyan ng isa pang lalaking wala namng ulo. Parehas silang walang damit. Para siyang baboy habang pinapasadahan ng matalim na kutsilyo ang dibdib niya. Wala na ring dugo na umaagos mula sa sugat niya, siguro paubos na. Feeling ko gusto niyang magmakaawa pero dahil sa pangingisay at siguro sa sobrang pamamanhid ng katawan, hindi na siya makapagsalita. Patuloy ang paghiwa ng dibdib niya ket dilat pa ang mga mata. Tama na. Bumabalik yung kilabot ko.
Ang linaw pa rin nun sa isip ko. Parang kahapon lang. Di ko alam kung anong lenggwahe ang binabanggit nila. Kung galing man sa palabas or kung saan mang gore site yung video na yun, sana wala na ulit na batang makapanood nun. Tatlong araw ata akong hindi nakatulog nun.
Isa lang ang tiyak ko, biglang may nagbago sa isip ko simula nang mapanood ko yun. Hindi ko mapangalanan pero para bang hindi na ulit ganun kaganda ang mundo ko. Iniisip ko kung anong nangyari sa mga tao na yun? Kung hinahanap ba sila ng mga magulang nila? Ba't sila napadpad dun at bakit ganun ang sinapit nila?
Pangalawa, 'wag wawakasan ang buhay hangga't wala pa akong naipupundar sa pamilya at life insurance. It's like, do not go to a war if you are not skilled and has no weapon. Owemji, tama ba grammar? English, syet! Basta ang bottom line, wag maging pabigat.
Ilang lamay na ba napuntahan ko? Ah basta, saksi ako kung gaano kahirap maghanap ng pera para sa patay. Payag ba ko nun, patay na ko't lahat-lahat problema pa rin ako? Haha. Shemenamanhindi! Nawasakan nga problema ko sa mundong ibabaw, pinasa ko naman sa iba. Sus. Mag-isip nga.
Hindi na nga ko naiiyak pag may nililibing. Mayabang na ba ko neto? Kidding aside, sorry eto lang ako, mortal, namamatay. Life goes on ika nga, ang buhay ay lumilipas. Ay wait, tama ba translation ko?
Ket ano pa man ang mangyari, hangga't humihinga ako, hindi ko dapat aagawan ng trabaho ang susundo sakin. Lahat ay may purpose, wag maging pabida at selfish. Wag na wag uunahan ang mga bagay-bagay lalo na't pag hindi sigurado.
Gawin ko muna lahat ng responsibilidad ko. Para lang tayong isang makina na binubuo ng iba't-ibang parte. Panibagong adjustment na naman ang magaganap para makabuo ng panibagong makina kasi kinuhaan ko ng isa.
Laging kong kipkip sa utak ko ang dalawang yun. Lalo na sa tuwing nararanasan ko ang pagbigat ng dibdib ko tuwing mag-isa ako. Biglaan. Hindi ko tansyado kung kailan mauulit o kung pano dapat maiwasan. Parang bang sa isang iglap bumagsak ang lahat ng iniisip ko sa aking balikat. Na dapat ay matagal ko nang nakalimutan pero nandun pa rin pala ako sa part na yun. Hindi umuusad.
Wala naman akong lovelife. Hindi rin ako heartbroken. Hindi rin naman ako mahilig makiuso sa mga trending at makisabay sa mga memes. Hindi nga malungkot buhay ko. Ewan ko nga pero sobrang babaw lang ng luha ko, makakita nga lang ako ng video ng tao na nag-ampon ng aso humahagulgol na ako.
Nasa bahay ba ang problema? Siguro? May mga naranasan ba akong hindi ko makalimutan magmula ng bata ako, marami. At hindi ko na ikukwento kasi nandidiri ako ba't hinayaan kong mangyari ang mga bagay na yun. May mga pili rin akong kaibigan na pinagsasabihan ko ng mga hinaing ko. Pero di kasi sapat. Mas kailangan ko kasing ipakita na matatag ako kasi ayokong magmukhang mahina pag sila yung kumakapit sakin. Kaya nga, baka, nasa akin na ang problema. Haha.
Ilang beses na kong gumising na para bang may mabigat sa loob ko. Hindi ko mahawakan o makontrol ang bagay na yun. Nakailang scroll na rin sa social media hangga't sa i-uninstall yung app kasi hindi ko naman napapakinabangan. Minsan nga idinadaan ko na lang sa ligo para mahimasmasan ako. Medyo naiibsan naman, lalo na pag pinipilit kong matulog.
Andami ko na rin namang binasang articles sa google kung anong pwedeng gawin para makaiwas. Sinubukan ko na rin yung papangalan ang parte ng katawan mo habang tinatapik eto. Parang "paa, tuhod, balikat, ulo" lang pero eto, "paa, paa, paa; mata, mata, mata; ilong, ilong, ilong; atbp.". Medyo effective naman. Paghawak ng yelo kapag clouded yung isipan ko, gumagana rin. Pag scroll sa mga online shop pero di bibili. Magkabisa ng mga lyrics ng mga kanta para isigaw eto sa tuwing magpapatugtog ako sa speaker. Andami na, pero iba-iba talaga tayo ng way para maka-cope up.
Sa tuwing bumibigat ang pakiramdam ko, sinusulat ko lahat ng iniisip ko sa note ng cellphone ko. 1-2 notes nagagawa ko hanggang sa gumaan pakiramdam ko. Para bang may kausap ako at sa kanya ko ipinapasa lahat ng bigat. Effective siya. Kasi after a month, binabasa ko ulit lahat ng mga isinusulat ko run. Pwede na nga ko gumawa ng libro eh. Haha. Tas mapapangite ako kasi bwakinangshit, laki pala ng improvements ko. Dati umiiyak ako bago matulog, ngayon halos hindi na. Dati pala umaabot ako ng alas dos ng madaling araw na nakatitig sa kisame para magpalipas ng oras, ngayon 11 tulog na ko. Minsan nga pag grabe na luha ko, tumitingin ako sa salamin. Napapatigil talaga ako sa iyak kasi syet, ang shonget ko pala mag-cry.
Sobrang grateful pa rin ako kasi binigyan ako ng panibagong bukas para gumising. I thank myself for being brave. Kinaya ko sa mga nagdaang taon, ngayon pa ba ko susuko?
Kaya ikaw, duh, pag nakaramdam ka neto at sa tingin mo wala kang mapagsasabihan,
iyak.
Baka kasi puno ka na. Di mo lang alam kasi pilit mong tinatatak sa isip mo na okay ka na. Cry, duh, tas tingin sa pinakamalpit mong mirror.
You look like a beautiful mess kaya.