Puno na punong puno ng kalungkutan

79 4 2
                                    

Minsan kong itinanim ang aking puso sa isang paso
Kasama ang kalungkutan na nasa loob nito
Tanging luha ang tanging paraan upang madiligan ko ito
Dahil ito ang daan upang ikaw ay akin ng makalimutan
At ito ang paraan upang ang pangalan mo ay akin ng makaligtaan
Mabura kana sa aking isipan
Dikana muling mapanaginipan
Dina ako magigising ng luhaan
At dikona kinakailangang diligan
Ang aking halaman ng kalungkutan....
Ginawa kong pataba ang memorya nating dalawa sa lupa na aking tinaniman
Upang kasabay ng pag kalimot ko sayo ang pagtubo ng halaman ng kalungkutan
Sisimulan ko ang aking memorya sa umpisa
Nung araw na nakatingala ako sa puno ng punong puno ng pag tataka
Na kung bakit ang mga dahon ay puro na lanta
At kasunod ng mga ito ay nakita kita
At nag tugma ang ating mga mata
At tayong dalawa ay natulala,
Kasunod
Nung araw na inukit na natin ang ating pangalan
Sa puno sa palikuran ng ating paaralan
Upang masabe lang na tayo ay nag mamahalan....
Ngunit walang tumutubo!
Bagkos ang aking mga luha ay lalo lang tumutulo
Na animoy kulang pa daw ang kalungkutan
Na nararamdaman at kinakailangan upang ikaw na ay aking makalimutan...
Isang araw pag kamulat ng aking mga mata
May isang halaman na sa sakin sumurpwesa
Na unat na unat at sinisilayan ng araw ang bawat hibla nito
Ito na ang inaasam kong halaman at sa wakas ang mga luha ay nag bunga na
Kaya wala akong araw na sinayang para maalagaan at maingatan ito
At isang araw bigla itong nalanta
Na tila tuyong tuyo't uhaw na uhaw at kulay abo na
Hindi ko mawari kung paano ito nang yari
Siguro sa kadahilanang hindi na ito nadidiligan ng luha
Ngunit ito ay isang napakadaya
Dahil paano ko makakalimutan ang kalungkutan
Kung ang tanging paraan na aking naisipan
Ay walang kasiguraduhan
Dahil ang aking hinihiling ay lumago ang dahon ng kalungkutan
At sya ay tuluyan ng makalimutan
Ngunit sa isang halaman palamang
Ay ako na ay nahihirapan.
Dahil ang dahon ng kalungkutan
Ay kaylangan alayan ng luha upang tumubo
Ngunit pano ko ito mapapalago
Kung sabawat pag tubo nito ay unti unti ko syang nalilimutan
At aking nalilimutan ang pag luha at dikona ito nadidiligan....
Siguro ang puno na aking nakita at ang puno na ating inukitan ng ating pangalan
Ay ang puno na punong puno ng kalungkutan.

Puno na punong puno ng kalungkutan.Where stories live. Discover now