CHAPTER 01

5 0 0
                                    


Ilang minuto nang naka-tingala sa mataas na bahay na nasa kaniyang harapan si Demani; ilang beses na ring kumurap upang siguraduhing hindi ito nananaginip at totoong nagbalik sa lugar na iyon upang muling makita ang taong naging dahilan kung bakit hanggang sa mga sandaling iyon ay takot na siyang magmahal.

"I can't believe I'm back," she murmured, still looking at the three-story house at the top of the Antipolo mountain.

Nothing had changed—the house looked the same as she remembered.

Ang una at ikalawang palapag niyon ay konkreto at nakapintura ng puti. Ang mga bintana ay gawa sa shatterproof glass habang ang malaking pinto sa harap ay gawa sa mamahalin at matibay na klase na kahoy. Ang pangatlong palapag naman ay gawa sa purong salamin at mula sa kaniyang kinatatayuan ay malinaw niyang nakikita ang maganda at malaking library sa loob.

Ibinaba niya ang mga mata at inikot ang tingin sa paligid ng bahay.

Sa harap ay naroon ang maganda at berdeng-berde na Zen garden. Sa gitna ay mayroong pond kung saan sa ibabaw niyon ay may maliit na tulay. Sa pond ay may mga lotus flower at maraming mga mamahaling Koi.

Ang buong bahay ay pinaliligiran ng malalaking punong kahoy kung saan sa likod niyon ay kagubatan na. At alam niyang mula sa third floor ay tanaw ang buong siyudad ng Maynila;

She knew. Of course. Because she used to live there.

She used to spend her boring afternoon in the library and read some books as she watched the scenic view through the glass wall. She used to cook in the huge and modern kitchen where there was a huge glass window overlooking the forest.

Oh, how she missed the place. Mahigit isang taon din siyang tumira sa malaparaisong bahay na iyon. She had lots of bittersweet memories there. Happy times, hot and wild sex, too.

She inhaled and released the air harshly.

As much as possible, she wanted to refrain from thinking about all the good and bad memories she had in that house.

She was only back for business— nothing more. She had to see him for business reasons, so she had to act professionally. After all, the law tied them together.

Bagaman kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa muli nilang paghaharap ng lalaking iyon ay kailangan niya itong pakisamahan ng maayos sa loob ng anim na buwan.

Yeah, she needed to stay in this house again for six fucking months.

At kahit ayaw niya'y hindi siya makatanggi.

Huminga siya ng malalim at itinuloy ang pagpasok sa bumukas na automatic gate hila-hila ang maleta niya. Dumiretso siya sa front door. Pagdating sa harap niyon ay muli siyang humugot ng malalim na paghinga bago diniinan ang door bell na nasa gilid niyon. She waited for a long time before someone opened the door for her— and of course, who else could it be but him?

His bored, fish-eyes met hers.

"Been waiting since this morning," he said. His face was void with any emotion so she couldn't really tell how he felt seeing her again after two years of being apart. "Kung nagsabi kang tanghali ka na darating ay hindi sana ako naghintay para pagbuksan ka simula kaninang alas siete."

Sino ba ang nagsabing maghintay ka? Sinabi ko kay Attorney Salviejo na ngayong araw ako darating pero hindi ko sinabing alas siete ng umaga!

Oh, she so wanted to say that. And maybe yell at him, too.

Pero nang bumaba ang tingin niya sa electric wheelchair na kinauupuan nito ay nagbago ang isip niya. Gusto niyang magsuplada rito, pagsalitaan ito ng masama dahil sa ini-dulot nitong hinanakit sa kaniya, pero dahil sa kasalukuyan nitong kondisyon ay pagbibigyan niya ang pagiging antipatiko nito.

AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon