"Ang tagal." Reklamo ko.
Nakasakay ako sa elevator papunta sa 3rd floor ng condo ng boyfriend ko dahil 2nd aniversary namin ngayon at may inihanda akong regalo na hindi ko alam kung magugustuhan niya o hindi.
Siguro naman magugustuhan n'ya 'to kasi hindi naman siya materialistic.
Nang bumukas ang elevator ay dali-dali na akong pumunta sa harap ng condo ng boyfriend ko at kinuha ang spare key sa bulsa ng pants ko.
Hindi ko alam pero may naririnig akong mga munting halinghing, kaya dahil sa koryusidad ay dahan dahan kong binuksan ang pintuan.
Pagkapasok ko ay parang mas lumalakas ang mga halinghing na narinig ko kanina kaya mas tinalasan ko pa ang aking pandinig para malaman ko kung saan nanggagaling ang mga 'yon.
Lumingon ako sa kanan kung saan merong pintuan na kwarto ni Radson. Sa hindi malamang dahilan ay parang kinabahan ako. Dahan dahan akong naglakad sa tapat ng pintuan at idinikit ko ang tenga ko. Lumalakas ang mga munting ingay kaya sa palagay ko dito talaga nanggaling ang mga munting halinghing kanina.
Kaya hinawakan ko ng mahigpit ang doorknob pero sa hindi malamang dahilan ay biglang bumalik ang naramdaman ko kanina at bumibilis ang tibok ng puso ko na para bang sinasabi nito na huwag kong buksan ang pintuan dahil masasaktan lang ako.
Pero ipinagsawalang bahala ko lang ang naramdaman ko at dahan dahang kong ipinihit ang pintuan at do'n ko na nalaman na ang mga munting halinghing na narinig ko kanina ay hindi lang halinghing kundi ungol ng dalawang napaka-importante sa buhay ko, na sana ay hindi ko pinaniwalaan, na sana ay hindi ko minahal, na sana hindi ko pinagkatiwalaan dahil hindi ko alam na magagawa nila sa akin ang ganito.
I just caught my boyfriend having a sex with my bestfriend yet i didn't do anything to them. I just let them having sex while I'm holding the letter that I wrote earlier.
A letter that contains confessions. A letter that contains understanding. A letter that contains rants. And letter that expressing a lover's affection.