THREE

1 0 0
                                    


Kain lang ako ng kain at hindi ko pinapansin ang mga titig nila sa akin. Pag dating kasi namin dito ay walang salita akong umupo at nag simulang mag luto. Bakit? Kasi yun ang pinunta ko dito, pagkain. Si Guffy ang nagpakilala sa akin habang ako ay walang imik at pag nag tatanong sila tango at iling lang ang sagot ko.

"Galit ka ba?" Bulong sa akin ni Guffy habang ang iba ay nag uusap at nag tatawanan.

"Ha? Hindi." Sumubo ako ng karne na may cheese pagkatapos kong sagutin iyon.

"Eh ba't ang tahimik mo?"

"Kumakain kasi ako eh noh. Tsaka wala naman kumakausap sa akin eh." Rason ko habang ngumunguya.

"Weh talaga ba? Eh kanina nga pinakilala kita para kang yelo eh. Ako pa nagpakilala sayo." Irap niya at uminom ng tubig.

"Ayos lang ako. Maki-paglandian ka na lang dyan ulit sa jowa mo." Tinaboy taboy ko naman siya na parang aso at kumain na lang ulit.

Lumayo na din siya sa akin at kumarengkeng dun sa jowa niya. Kalandian nga talaga, ang sakit sa mata. Kahit kelan ay hindi kami nag lingkisan na ganyan sa public place ni Joshy. Mag gaganyan lang kami kung kami lang dalawa.

"Uhm, do you want some soju?" Napalingon ako sa harapan ko. Nang makita ko siya ay agad kong nalala ang sinabi niya sa akin.

Juskooooooooooo, may jowa ka. Loyal tayo.

"Wag na, papagalitan kasi ako nila mama tsaka maaga pa pasok ko bukas."

"Ahh ganun ba. Sige."

Parang wala lang sa kaniya iyong pag tanggi ko iyon at tinanong ang iba. Nag kibit balikat na lang ako at kumain na lang ulit.

Isang oras lang kami nag tagal doon dahil nagka ayaan silang kumain ng ice cream sa 7/11, pampatanggal suya daw. May 7/11 kasi sa malapit lang at pwedeng lakarin.

Pumayag ang lahat at wala na akong magawa dahil hinila na ako ni Guffy. Libre naman daw nila ulit pero ang kinuha ko lang ay nasa stick, if someone else is paying for you don't buy something expensive.

" Sure kang iyan kang yung sayo?" Tanong sa akin nung jowa ni Guffy.

"Yep!" I smile baka isipin niyang snob ako.

Kinuha na nila yung ice cream at sinabing babayaran na. Lumabas na lang kaming mga hindi naman mag babayad dahil marami din kami at nakakahiya kung tumpok tumpok kami sa loob.

While waiting ay narinig kong may nag notif sa akin. Agad ko naman binuksan ito ng makita si Josh iyon.

JOSHY😻🤟👨‍🦳
Babe, sorry d ako makakapag call ngayon. Maaga kasi akong umalis at papasok na ako sa meeting. Sorry babe bawi ako mamaya. I'll call you later byee. Ingat ka ah.

Vianyyyyy🥰🤟👵💍
It's alright, I understand naman. Ingat ka rin. Good luck sa meeting.

"Boyfriend?" Nawala ang tingin ko sa aking cellphone ng may nagsalita sa gilid ko na nakaupo sa railing.

"Nope, my brother." Tumango lang siya at umalis.

Ang weird talaga ng lalaking yun. Kanina yung nasa kotse tas ung soju tapos eto naman. Hayyy!

Napalingon na lang ako ng marinig ko ang pag bukas ng pinto ng store. Lumabas doon sila Guffy kasama ang jowa niya na may hawak ng isang plastic na puno ng ice cream. Mostly solo pack and magnum.

Alam kong mahal ang inabot nila at mahigit 300 yun pero kahit isang katiting na reklamo ay walang sinabi ang boyfriend ni guffy.

"Here, Anny." Nagulat ako ng ibang ice cream ang binigay niya at hindi iyong pinili ko. Solo pack na pistachio.

"Hindi ito yung pinili ko." Ibabalik ko pa sana ito sa kanya.

"Wag mo kong maganyan ganyan. Alam kong nahihiya ka. Kilala kita, walang hiya ka pero may hiya ka pa rin. So eto na alng yung sayo, favorite mo." Binigyan niya pa ako ng plastic spoon at tissue.

Binalot ko ang tissue sa ice cream at sinumulan ng kainin toh.

"Sa kotse na lang daw kumain. Malamok daw." Sabi nung Fed na isa sa kabarkada ng jowa ni Gufy.

Tinigil ko muna ang pag kain at sumunod kela Gufy dahil nga sa kanila ako sasabay. Pero napatungal ngal ako ng hinde kotse ang dala ng jowa ni Gufy kudi motor. Ano toh, mag jejeep ako?

"Hehehe Anny sabay ka muna kay Rixer. Wala naman siyang kasabay eh." Sabi ni Guffy habang sinusuot ang helmet.

"Oo nga. Tsaka tiga Bulakan ka diba?  Parehas kayo ng way. Pupunta kasi siya ng Obando." Sabi ni Vien habang inaayos ang motor. "RIXER! PRE! SABAY DAW SI VIANY!" Sigaw ni Vien at kumaway kaway pa kay Rixer daw na papasok sa kotse.

Tumango lang siya at pumasok na sa loob.

"Bye Anny, libre kita bukas promise. Love lots." Nag flying kiss pa siya bago isuot ang helmet at umangkas na sa motor na nakabukas na ang makina.

"Sige, sisiguraduhin kong mahal ang o-orderin ko." Nag kawayan pa kami habang papalayo na ang kotse.

Nakarinig ako ng tatlong busina kaya tinignan ko kung san nang gagaling ang busina. Lumapit na ako sa kotse at pumasok.

Habang nag susuot ng seatbelt ay tumingin ako sa likod.

"Ahm, sorry natagalan. Wala ba tayong kasabay?" Tanong ko at nag simula na siyang mag paandar ng kotse.

"Wala, ayaw ko kasi ng out of the way ang ihahatid ko. Alam na nila yun kaya hindi na sila sumabay." Sabi niya at nakatingin sa kalsada. "Saan ka?"

"Matungao lang, tulay." Maikli kong sagot at tumingin na lang din sa bintana.

I don't know if pwedeng tawaging akward silence ang namamagitan sa amin pero some how I feel natural. Parang wala lang.

"Clarixer Krice Jelin. Taking MedTech in Yanga. "Agad naman akong napatingin sa kanya.

"Huh?" Nalilito kong tanong.

"Uhm, we don't have a proper meeting so I think I should introduce myself." Paliwanag niya habang papalit palit ang tingin niya sa kalsada at sa akin.

"Viany Gean Angeles. Taking HRM in BSU." Tulad ng pag papakilala niya ay pangalan at school with course lang ang sinabi ko para quits.

Saktong nasa tulay na kami kaya nag pababa lang ako sa gilid dahil sa eskinita pa ang bahay namin. Bago ko isara ang pinto ay nag salita siya.

"Nice to meet you Gean. See you again." He genuinely smile.

"Thank you Clarixer. Nice to meet you too." Like him ay ngumiti din ako at sinara na ang pintuan.

Hinintay ko siyang makalayo layo bago ako maglakad papasok sa eskinita. Malawak naman ang eskinita namin at kasya ang kotse niya pero hindi ko na pinapasok at lalayo pa siya. Nasa bungad lang din naman ang bahay namin. Tapat lang ng Barangay ng Matungao.

Habang binubugsan ko ang gate namin ay narinig ko ang tahol ni Chay na isang shit zu princess type kong aso.
Pag pasok ko ay binuhat ko to at hinalikan.

"Alam mo ba Chay may nakilala akong weird na lalaki ngayon. Pero mabait naman siya. So some how I felt something warm to him." Kwento ko kay Chay at hinalikan ito sa ulo ulit at binaba na.

See you Clarixer...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Girl In Sunset Where stories live. Discover now