---
Nalimutan kong nasa tabi ko pa pala si Natoy, lumingon ako rito at nagpasalamat sa pagbitbit ng aking mga bagahe.
"Jia.. iyong sinabi ko kanina, si Leandro, iyong kasama niya'y mga taga-hospital. May medical mission program sila sa eskwelahan, may palibreng pagamot sila sa mga bata at matatanda.. pasensya na kung hindi ko agad nasabi sa'yo."
Napakamot ito sa batok tila animo'y nakagawa ng malaking pagkakasala sa nabanggit.
"Ano ka ba, Natoy.. bakit mo pinapaliwanag sa akin iyan? Hindi naman.." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng may tumawag sa amin, nakita kong patakbong lumapit si Ate Batseng at Kuya Jayjay, ngingiti na sana ako ng tumagos ang paningin ko sa kanilang likuran.
"Leandro.." Pagkabulong ko sa hangin siya namang pagpihit ng paningin nito kung nasaan kami, ang kanyang mga ngiti ay walang pagbabago, sa tuwing nakikita ko ito'y mabilis pa ring tumitibok ang puso ko.
Nang makalapit ito sa amin ay agaran naman ang pag alis ng mga tao sa aking paligid, tila nakaramdam na kailangan namin mapag-isa.
Nakita ko pang sinabayan ni Natoy sa paglalakad si Marga bitbit ang dalawa kong maleta habang ang isa nama'y diretso ang tingin sa kalsada at animo'y hindi nakikita ang kanyang katabi.
Tumikhim si Leandro na siyang pagkakuha sa atensyon ko. Tinitigan ko itong mabuti, kay laki na nang pinagbago nito, mas lumaki ang pangangatawan, mas kitang-kitang na ang mga biloy sa pisngi, pumuti at naging mas maayos tingnan.
Kung noo'y maginoo na siya ay mas dumoble pa ngayon, gwapong-gwapo ito kung titingnan mo nang malapitan.
"Kamusta ka na? Balita ko isa ka nang ganap na manunulat.. hanga ako sa narating mo." Sumilay sa aking mukha ang ngiting laging nagpapatunaw sa akin noon.
"Hanga rin ako sa narating mo sa buhay, dati ay kay hirap kang pilitin ni Natoy lumabas sa kuwarto mo.. ngayo'y lagi ka nang nasa labas at tumutulong sa mga nangangailangan." Humalakhak ito at napayuko tila nag-iisip mabuti nang gustong sabihin.
"Jia.. naalala mo ba iyong sinabi ko sayo siyam na taon na ang nakararaan? Naghihintay pa rin ako.."
---
Abala kami ni Marga, Ate Batseng at Ate Aiya sa pagbibihis para sa gaganapin mamaya sa plaza na ang tinatawag nila rito ay "sarayaw o ragid" kahit sino ay puwede pumunta basta ang mga tuhod at baywang ay kaya pang maigalaw.
Nakasuot lamang ako nang simpleng puting bestida na may mga butones sa harap nito at aabot lamang ito sa aking tuhod at pinaresan ko lamang ito ng puti ring sandalyas, nag-lagay na rin ako ng puting headband sa aking ulo, para kahit papaano'y maging kaaya-aya ang itsura ko kahit walang kolorete sa aking mukha.
Napakunot-noo ako ng makita ang suot ni Marga, katulad ng kulay nang sa akin ay nakaputi rin itong off shoulder at labas ang pusod, naka-itim ito nang maong na short, pinaresan niya rin ito ng itim na sandalyas, itinali ang buhok at naglagay ng kolorete sa mukha.
"Ano iyan, Marga? At bakit ganyang ang suot at ayos mo? Iayon mo ang kasuotan sa edad mo. Dose anyos ka pa lamang.. babastusin ka lamang nang mga nandoon." Ani ni Ate Batseng.
"Margaret, kahit pa'y nasa probinsya ka ay manamit ka nang maayos.. hindi ito Maynila na kahit mag suot ka nang ganyan ay ayos lang." Ani ni Ate Aiya.
Nagdabog naman ito at naghanap ng ipapalit sa kanyang naisuot na. Narinig ko pang sinabi nito'y na gusto lamang naman daw niyang hangaan siya ni Leandro.
Sa edad namin ay hindi kami mahahalatang isang menor. Malalaki ang bulas ng angkan namin kaya't sa murang edad ay hindi rin maiisip ng ilan na kami ay isang menor pa.
---
Naisipan kong bumaba muna at uminom ng tubig sa kusina, pag karating ay siyang paglingon sa akin ni Tiyang Pasita at pinuri ang aking kasuotan.
"Dalagang-dalaga na talaga ang pamangkin ko.. ang ganda-ganda." Pinaikot pa ako nito at sinipat-sipat ang aking kasuotan. Siya nama'y pagpasok ng aking ina sa kusina at seryoso akong tinitigan.
"Jia, puwede ba kitang makausap sandali?" Tumango naman ako at umupo sa narrang silya.
"Anak.. alam ko ang gusto mo, at alam kong hindi mo rin ako susuwayin, sa edad mong dose ay dapat nakikita ko kayo ni Marga na nakikipaglaro pa dapat sa ibang kaedaran niyo.. ang nakikita ko'y masiyado kayong nagiging malapit sa lalaki." Unti-unti akong napayuko.
"Inspirasyon ba ito sa pag-aaral? Hindi naman ito lalalim, hindi ba? Anak, ayaw kitang gumaya sa Ate Mia mo.. hindi kayo mauubusan ng lalaki sa mundo, hindi kaibigan ang napapansin ko, sa mga galawan pa lang ni Marga ay alam ko na."
Kay aga namang mag duda ng aking ina.. ika-tatlong araw pa lang naman noong nakilala namin sila.
"Nanay, susundin ko po ang lagi niyong pangaral sa amin.. hindi magkakaroon ng kasintahan hangga't hindi pa tapos mag-aral at makapag-trabaho." Si'yang pagkaakbay ni Tiyang Pasita sakin at tumango, kanina pa pala ito nakikinig sa amin.
"Ang mama mo, kita ko ang sakripisyo niyan sainyo para maiahon kayo sa hirap.. huwag mo sanang masamain ang pangaral sainyo, para iyan sa ikabubuti ninyo." Ngumiti ito sa akin at tumango na may katiyakan sa kanyang mukha.
"Alam kong maaga pa para magduda ako. Anak, kung kayo, kayo.. makakapaghintay siya sayo kung talagang para kayo sa isa't isa.. sa ngayon ay pagtuunan mo muna ang pag-aaral.."
BINABASA MO ANG
ISLA #1: CHANGE OF HEART
General FictionWARNING: Matured content. Read at your own risk! --- Ang problema ay lagi lang nandiyan.. Nasa saiyo kung paano mo malulutasan.. Buhay at pag-ibig ay pareho lang.. Pero paano kapag pinapili ka nang mundo? Makakaya mo pa bang gampanan ang pagig...