Arrietty
Naka yuko lang kami ngayon ni Kent sa harap ng guidance counselor dito sa loob ng guidance office. Sa totoo lang nag sasawa na ako sa paulit ulit na pabalik balik ko dito sa loob ng guidance office.
"Arrietty Alcantara ang kokoronahan sa kalokohan." biro nito sakin. "D na ako magtataka." saad ni Ms. Ana, ang guidance counselor. "Pero ano na naman ang ginawa nyo this time?" tanong nito.
Nagsikuhan pa kami ni Kent kung sino ang aamin sa kasalanang ginawa namin this time daw.
'Wala naman eh.'
"Ikaw na," rinig kong bulong ni Kent sakin.
"Bat ako?"
"Oo, ikaw na." bulong ulit nya.
Napa bugtong hininga ako saka nagsalita.
"Si Kent ho kasi nakipag away. Hindi po nya kinaya yung kaaway nya kaya to the rescue ho ako." sagot ko saka yumuko ulit.
"Gago! Anong ako!?" reklamo ni Kent.
Nakakatakot kase si Ms. Ana, kahit na mabait ito at hindi nagagalit ay pag tinignan ka nya ng diretso kahit d pa sya nag sasalita ay mapapa amin ka na lang talaga. Parang mas ma taas na tensyon ang babalot sa pag katao mo pag tinignan ka pa nya ng mas matagal.
"Wag na kayong magsisihan dahil lang parehas kayong nakipag away." mahinahong sabi ni Ms. Ana samin. "Pang ilang reklamo nyo na ba ito?" tanong nito samin saka inayos nito ang salamin sa mata habang naka tingin samin. "Bente sais kay Kent at trenta'y... siyete kay Arrietty."
"Hala! Bat 37 sakin, ma'am?" gulat na tanong ko. "Ganun ba ako ka tarantadong istudyante, Kent?" baling ko kay Kent. "D naman ah diba?"
"Gusto mo isa isahin ko ang mga pangalan ng nagreklamo sayo, Arrietty?" nagsimula na nyang buklatin ang notebook nya kung saan naka sulat ang may mga record sa guidance.
"Hindi, ma'am!" tumawa ako kunware. "Joke lang, papasok na nga kami ni Kent eh! Sige ma'am mag aaral na kaming mabuti." yumukod ako kay Ms. Ana saka hinila palabas ng guidance office si Kent.
Napa bugtong hininga ako. Tangina another record na naman, another ikakasira ng image ko. Ganun ba ako katarantadong istudyante at 37 na beses na akong na guidance? Parang d naman eh napaka bait ko kaya. Actually naasahan ako lalo na kung yun ay magpapataas ng grades ko.
Kaya lang naman kami na guidance ngayon ay may nang trip samin sa gate kaya binanatan na namin ni Kent kesa naman kami ang banatan diba.
'Mindset pre! Mindset ba.'
"Ken~"
Tatawagin ko sana si Kent na akala ko ay nasa tabi ko pero wala pala. Amputangina nya nawala bigla. Nasaan na yun. Nakakita na naman ba ito ng magandang babae at lumutang na naman sa ere ang babaerong Kent?
'Wala talagang kwenta yung hayop na yun. Pangahin ko kaya yun sa mata.'
Napa iling ako saka naglakad patungo sa kadiliman este sa aming silid aralan. Mula dito nakikita ko na ang advisor namin na may kausap na lalaki sa may pintuan ng classroom namin.
'Shutangs! Ang pogi~ teka! S-Si Drake yun ah!'
Binagalan ko ang lakad ko saka ko sinuri ang buong pagkatao este buong kaanyuan nung lalaki. Mukhang magta transfer sya dine ah. Tangina naman oh.
Pumasok ako sa room saka nagtuloy sa dulong bangko. Alphabetical order ang ayos namin at Alcantara pa ang apelyido ko kaya dapat ay sa unahan ako pero bakit ba gusto ko nga sa dulo eh pake nila.
YOU ARE READING
When A Savage Girl Fall In Love
RandomIsang anak ng pinaka mayaman na business woman sa buong business world si Arrietty. Ngunit ang inaasahan ng magulang nito na tatanda ito ng disente at elegante ay hindi nangyari. Dahil si Arrietty ay lumaki ng puro pagba basag ulo lang ang alam. An...